11,485 total views
Hinimok ng Office of the Civil Defense (OCD) ang mga kabataan na paigtingin ang pakikiisa sa pagsusulong ng Sustanaible Development Goals ng pamahalaan.
Tinukoy ni Civil Defense Undersecretary Ariel Nepomuceno ang pagsali sa mga inisyatibo ng pamahalaan tulad ng ika-limang National Youth Eco Camp kung saan tatalakayin ang mga hakbang at pagtugon ng pamahalaan sa suliranin ng climate change at iba pang problemang banta sa kalikasan.
“This year’s theme of Eco Camp will always be a relevant topic. As described by the United Nations, SDGs are an ‘urgent call for action,” mensahe ni Nepomuceno sa Radio Veritas.
Tiwala ang opisyal na mapapalalim ang kaalaman ng mga kabataan sa pagtugon sa mga problemang kinakaharap ng kalikasan at mapapatibay ang disaster risk reduction initiatives ng pamahalaan.
Sinabi ng OCD na sa pamamagitan nito ay mas marami ang magiging handa sa mga oras ng kalamidad at dadami ang mga mangangalaga sa kalikasan.
“Meanwhile, OCD Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV also extended his support and encouraged the young leaders to make use of their voices, talents, and potential, for these will allow them to contribute to their communities now and in the future,” bahagi pa ng mensahe ng OCD.
Sa datos ng Statista, aabot sa 18.1-bilyong piso ang pinsalang idinulot ng mga bagyong nanalasa sa Pilipinas noong 2023.
Sa bahagi ng simbahan, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Caritas Philippines at Caritas Manila sa ibat-ibang diocesan social action centers upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mamamayan naapektuhan ng kalamidad ang ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.