Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging tapat sa taumbayan

SHARE THE TRUTH

 73,598 total views

Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang paninindigan ng tatlong bansa para sa demokrasya, pag-iral ng batas o rule of law, mga karapatang pantao, at gender equality. Kasama rin sa mga pinag-usapan ng mga pinuno ng tatlong bansa ang ekonomiya, climate change, at maritime cooperation o pagtutulungan ukol sa mga usaping may kinalaman sa karagatan.

Nagmistulang sagot ni Pangulong BBM ang pakikipagpulong sa Amerika at Japan sa lumalalang pang-aagaw ng China sa mga isla, bahura, at karagatan sa West Philippine Sea. Sino ang makalilimot sa marahas na pagtataboy ng Chinese Goast Guard sa ating mga mangingisda at mga sundalong nagbabantay sa teritoryo ng bansa? Pagdidiin ng Amerika, “ironclad” o napakatibay ng pagtulong nito sa Pilipinas upang ipagtanggol ito sa anumang banta sa soberenya ng bansa.

Gaya ng inaasahan, hindi ito nagustuhan ng China. Panghihimasok daw ang ginagawa ng Amerika at Japan. Nilalabag din daw ng pag-uusap ng tatlong bansa ang karapatan ng China na ipaglaban ang mga teritoryo nito. Para naman kay dating Pangulong Duterte, “crybaby” o parang iyaking bata si PBBM na nagsusumbong sa Amerika para sa isang bagay na hindi naman daw dapat nang pakialaman ng ibang bansa. Matatandaang “horrified” o nanlumo raw si PBBM nang malaman ang tungkol sa “gentleman’s agreement” ng dating pangulo at ng pangulo ng China. Kinompromiso raw ng sikretong kasunduang ito ang sovereign rights nating mga Pilipino, bagay na itinanggi ng sinundan niyang presidente.

Sa mga kasunduang ito—sa China man o sa Amerika at Japan—dapat na alam ng taumbayan ang tunay na layunin at maging ang mga posibleng kapalit ng mga ito. Sa kaso ng kasunduan sa China ng nakaraang administrasyon, nabulaga na lang tayong lahat na may ganito palang kasunduan. Hindi nakatutulong na magkakasalungat ang sinasabi ng dating presidente at ng kanyang mga opisyal noon. Tungkol naman sa kasunduan natin sa Amerika at Japan, gaano tayo katiyak na hindi aabot sa gulo ang sinasabi nilang pagtulong sa atin? 

Ang diplomasya sa pagitan ng mga bansa ay malaking bahagi ng pagtutulungan nila para sa tinatawag natin sa mga panlipunang turo ng Simbahan na common good o kabutihang panlahat. Hindi kaya ng isang bansa na manatiling hiwalay sa iba. Kinikilala natin sa Simbahan ang pangangailangang magtulungan ang mga bansa, kaya isinusulong din natin ang higit nilang pag-uusap at pag-uunawaan.

Ngunit kailangan din nating maging mapagbantay sa mga kasunduang pinapasok ng mga lider natin, lalo na kung kasama ang mga malalaki, mayayaman, at maiimpluwensyang bansa. Hindi natin maiaalis ang katotohanang maaaring maging mas pabor sa isang bansa ang mga mapagkakasunduan, kaya mahalagang nalalaman ng mga mamamayan ang detalye ng mga ito. Ang ating mga lider naman sa pamahalaan, bilang kinatawan ng taumbayan, ay dapat na maging maingat at matapat.

Sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, dapat nilang tiyaking ang Pilipinas ay hindi malalagay sa alanganin o hindi maaagrabyado. Paano ito matitiyak kung itinatago sa atin ang mga kasunduan sa ibang bansa? Kung tunay na interes ng Pilipinas ang isinulong ni PBBM sa pakikipagpulong niya sa mga lider ng Amerika at Japan, hindi niya dapat ulitin ang ginawa ng nakaraang administrasyon.

Mga Kapanalig, gaya ng ipinahihiwatig sa Mga Kawikaan 16:13, ang mabubuting pinuno ay naglilinang ng tapat na pananalita. Sila ay tapat, una sa lahat, sa taumbayang kanilang sinumpaang paglilingkuran at ipagtatanggol.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 59,937 total views

 59,937 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 67,712 total views

 67,712 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 75,892 total views

 75,892 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 91,727 total views

 91,727 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 95,670 total views

 95,670 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 59,938 total views

 59,938 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 67,713 total views

 67,713 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 75,893 total views

 75,893 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 91,728 total views

 91,728 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 95,671 total views

 95,671 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 58,691 total views

 58,691 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 72,862 total views

 72,862 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 76,651 total views

 76,651 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 83,540 total views

 83,540 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 87,956 total views

 87,956 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 97,955 total views

 97,955 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 104,892 total views

 104,892 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 114,132 total views

 114,132 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 147,580 total views

 147,580 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 98,451 total views

 98,451 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top