49,891 total views
Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan.
Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya.
“Nanawagan po kami sa lahat ng mga gustong tumulong para makabalik kami sa aming pagmimisa at mapatayong muli ang aming simbahan,” ayon kay Fr. Angobung.
Ayon pa sa pari, pansamantalang isasagawa ang misa sa parking lot at ilang mga kapilya sa kanilang lugar.
“Tulungan ninyo rin po kami sa panalangin, also our parishioners are devastated and at a lost dahil too many memories, Catholic and Christian memories that have been lost dahil ang simbahang ito ay makasaysayan,” ayon pa sa kura paroko.
Ang 17th century church na mas kilala bilang St. Ferdinand Parish Church ay ang kauna-unahang katedral ng Iligan City nang maitatag ang Ilagan bilang diyosesis noong 1970.
Kasamang nasunog ang mga imahe sa loob ng parokya, at bumagsak din ang malaking bahagi ng bubungan ng simbahan.
Sa mga nais na magpahatid ng tulong maaring makipag-ugnayan sa parokya sa numero bilang 0917 8886301 o maaring magpadala ng donasyon sa Metrobank account name RCBI-St. Ferdinand Parish 135-7-135-5159-02.