Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MIYERKULES, MAYO 1, 2024

SHARE THE TRUTH

 9,076 total views

Paggunita kay San Jose, manggagawa

Genesis 1, 26 – 2, 3
o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24
Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

Mateo 13, 54-58

Memorial of Saint Joseph the Worker (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 1, 26 – 2, 3

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sinabi ng Diyos: “Ngayon, lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala. Wika niya, “Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon, at sa lahat ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit. Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga bungangkahoy na inyong makakain. Ang lahat ng halamang luntian ay ibibigay ko naman sa maiilap na hayop, malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon.” At ito nga ang nangyari. Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga – ito ang ika-anim na araw.

Gayun nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at lahat ng bagay na naroroon. Sa loob ng anim na araw, tinapos niyang likhain ang lahat ng ito, at siya’y nagpahinga sa ikapitong araw. Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinangi, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Colosas 3, 14-15. 17. 23-24

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid, higit sa lahat, mag-ibigan kayo pagkat ito ang buklod ng ganap na pagkakaisa. At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Kristo, sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging bahagi ng isang katawan. Magpasalamat kayong lagi. At anuman ang gagawin ninyo, maging sa salita o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Hesus, at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi sa Panginoon. Alam naman ninyong gagantimpalaan kayo ng Panginoon; tatanggapin ninyo ang inilaan niya sa kanyang mga anak. Sapagkat si Kristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

o kaya: Aleluya.

Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalalang
hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan,
ikaw noon ay Diyos na, pagkat ika’y walang hanggan.

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

Yaong taong nilikha mo’y bumabalik sa alabok,
sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos.
Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw,
sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang;
isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

Yamang itong buhay nami’y maikli lang na panahon.
Itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.
Hanggang kailan pa ba, Poon, titiisin yaring lagay
nitong iyong mga lingkod, sa gitna ng kahirapan?

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

Kung umaga’y ipadama yaong wagas mong pag-ibig,
at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit,
ipakita sa lingkod mo ang dakila mong gawain,
at sa sunod naming lahi, ipadama ay gayun din.

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

ALELUYA
Salmo 67, 20

Aleluya! Aleluya!
Manunubos naming mahal,
salamat sa ‘yong patnubay
at paglingap araw-araw.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 54-58

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, umuwi si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya. Sabi nila, “Saan kumuha ng karunungan ang taong ito? Paano siya nakagagawa ng kababalaghan? Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina, at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid na lalaki? At dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba? Saan niya natutunan ang lahat ng ito?” At ayaw nilang kilanlin siya. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang propeta’y iginagalang kahit saan, liban sa kanyang sariling bayan at sa kanyang sariling sambahayan.” At dahil sa di nila pagsampalataya, hindi siya gumawa roon ng maraming kababalaghan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Mayo 1
San Jose Manggagawa

Manalangin tayo kay San Jose para sa lahat ng ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Paramihin mo ang bunga ng aming mga gawa, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y magpatuloy sa pagpapahayag ng mga kahalagahan ng katarungan bilang susi sa ating kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan at mga ekonomista nawa’y magsikap para sa makatarungang pamamahagi ng mga yaman at magtaguyod ng dangal ng lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga negosyante nawa’y gamitin ang kanilang mga pangkabuhayang interes para sa paglilingkod sa lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at mga walang hanapbuhay nawa’y makatagpo ng marangal na paraan ng ikabubuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong naghirap sa paggawa noong sila ay nabubuhay pa rito sa lupa nawa’y makatanggap ng kanilang gantimpala sa kabilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng aming Manunubos, sa pagsasama ng aming mga panalangin at sa pamamagitan ni San Jose, tulungan mo kaming makita sa aming mga pagkilos ang dangal sa paggawa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 7,134 total views

 7,134 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 14,257 total views

 14,257 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 21,460 total views

 21,460 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 26,814 total views

 26,814 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 34,420 total views

 34,420 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Martes, Setyembre 10, 2024

 122 total views

 122 total views Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 6, 1-11 Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b Panginoo’y nagagalak sa hirang n’yang mga anak. Lucas 6, 12-19 Tuesday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 6, 1-11 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San

Read More »

Lunes, Setyembre 9, 2024

 482 total views

 482 total views Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pedro Claver, pari 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y aking sundan. Lucas 6, 6-11 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Peter Claver, Priest (White) UNANG PAGBASA 1

Read More »

Linggo, Setyembre 8, 2024

 845 total views

 845 total views Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 35, 4-7a Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Santiago 2, 1-5 Marcos 7, 31-37 Twenty-third Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Isaias 35, 4-7a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang

Read More »

Sabado, Setyembre 7, 2024

 1,257 total views

 1,257 total views Sabado ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 4, 6b-15 Salmo 144, 17-18. 19-20. 21 Sa tumatawag sa Poon, ang D’yos ay handang tumulong. Lucas 6, 1-5 Saturday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary

Read More »

Biyernes, Setyembre 6, 2024

 1,571 total views

 1,571 total views Biyernes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 4, 1-5 Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 5, 33-39 Friday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo

Read More »

Huwebes, Setyembre 5, 2024

 2,282 total views

 2,282 total views Huwebes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 18-23 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Lucas 5, 1-11 Thursday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Miyerkules, Setyembre 4, 2024

 2,538 total views

 2,538 total views Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 3, 1-9 Salmo 32, 12-13. 14-15. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Lucas 4, 38-44 Wednesday of the Twenty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga

Read More »

Martes, Setyembre 3, 2024

 2,920 total views

 2,920 total views Paggunita sa Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan 1 Corinto 2, 10b-16 Salmo 144, 8-9. 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Mat’wid ang Poong dakila sa lahat ng kanyang gawa. Lucas 4, 31-37 Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Lunes, Setyembre 2, 2024

 3,335 total views

 3,335 total views Lunes ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 2, 1-5 Salmo 118, 97. 98. 99. 100. 101. 102 Iniibig ko nang lubos tanang utos mo, Poong D’yos Lucas 4, 16-30 Monday of the Twenty-third Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 2, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Setyembre 1, 2024

 3,992 total views

 3,992 total views Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 4, 1-2. 6-8 Salmo 14, 2-3a. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin? Santiago 1, 17-18. 21b-22. 27 Marcos 7, 1-8. 14-15. 21-23 Twenty-second Sunday in Ordinary Time (Green) World Day of Prayer for the Care of Creation UNANG PAGBASA Deuteronomio 4, 1-2. 6-8

Read More »

Sabado, Agosto 31, 2024

 3,996 total views

 3,996 total views Sabado ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado 1 Corinto 1, 26-31 Salmo 32, 12-13. 18-19. 20-21 Mapalad ang ibinukod na bansang hinirang ng D’yos. Mateo 25, 14-30 Saturday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on

Read More »

Biyernes, Agosto 30, 2024

 4,433 total views

 4,433 total views Biyernes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 1, 17-25 Salmo 32, 1-2. 4-5. 10ab-11 Awa’t pag-ibig ng Diyos sa sangkalupaa’y lubos. Mateo 25, 1-13 Friday of the Twenty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Corinto 1, 17-25 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Read More »

Huwebes, Agosto 29, 2024

 4,611 total views

 4,611 total views Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan, ang Tagapagbinyag, Martir Jeremias 1, 17-19 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Marcos 6, 17-29 Memorial of the Passion of Saint John the Baptist (Red) UNANG PAGBASA Jeremias 1, 17-19 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Noong mga

Read More »

Miyerkules, Agosto 28, 2024

 4,878 total views

 4,878 total views Paggunita kay San Agustin, obispo at pantas ng Simbahan 2 Tesalonica 3, 6-10. 16-18 Salmo 127, 1-2. 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. Mateo 23, 27-32 Mga Pagbasa mula sa Miyerkules ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Memorial of Saint Augustine, Bishop and Doctor of the Church (White) UNANG

Read More »

Martes, Agosto 27, 2024

 5,146 total views

 5,146 total views Paggunita kay Santa Monica 2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17 Salmo 95, 10. 11-12a. 12b-13 Panginoo’y paririto upang hatulan n’ya tayo. Mateo 23, 23-26 Memorial of St. Monica, Married Woman (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA 2 Tesalonica 2, 1-3a. 14-17 Pagbasa mula sa ikalawang sulat

Read More »
Scroll to Top