Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese ng Imus magsasagawa ng Oratio Imperata laban sa El Niño

SHARE THE TRUTH

 8,261 total views

Hinikayat ng Diocese of Imus ang mga mananampalataya na taimtim na manalangin laban sa lumalalang init ng panahon dulot ng El Niño Phenomenon.

Sa liham sirkular, ipinag-utos ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang pag-usal ng Oratio Imperata sa mga Banal na pagdiriwang sa mga parokya at pamayanan, at hilingin ang pagkakaroon ng ulan upang maibsan ang init ng kapaligiran.

Ayon kay Bishop Evangelista, apektado na ng umiiral na global warming bunsod ng El Niño Phenomenon ang mga pananim, mapagkukunan ng tubig at enerhiya, lalo’t higit ang kalusugan at buhay ng mamamayan.

“Our efforts amidst this calamity are inadequate and beyond our human control. For this reason, the Oratio Imperata or Obligatory Prayer has been part of our Catholic tradition where we invoke the compassion and love of the Lord during a time of grave need and extreme calamity,” ayon sa liham ni Bishop Evangelista.

Pagbabahagi ng obispo na ang buwan ng Mayo ay panahon ng pagpapala at biyaya kung saan karaniwang nararanasan ang pagbuhos ng ulan at paglago ng mga halaman at bulaklak.

Iginiit ni Bishop Evangelista na posibleng mangyari ito sa tulong ng sama-samang pananalangin upang hilingin ang pagpapala mula sa Panginoon.

“I enjoin everyone to pray unceasingly and ask the Lord to deliver us from this calamity,” paanyaya ng obispo.

Una nang nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaari pang tumaas ang heat index sa mga susunod na araw.

Inanunsyo rin ng PAGASA na ngayong Mayo ay inaasahan ang pagpasok ng dalawang bagyo.

ORATIO IMPERATA
(Para sa Panahon ng Matinding Tag-init)

Ama naming makapangyarihan, hawak mo ang aming buhay, pagkilos at pag-iral. Taglay ang kababaang-loob inaamin namin ang aming pagkukulang at pagmamalabis sa kalikasang iyong ipinagkatiwala sa amin. Batid namin ang malubhang kalagayan nito dahil sa mahabang panahon ng aming kapabayaan at paglapastangan sa kalikasan. Nagsusumamo kami, na nawa kami ay iyong tulungan at ipag-adya laban sa matinding init ng panahon na aming nararanasan. Ito ay lubos na nakapipinsala sa iba’t ibang aspeto ng aming buhay. Kung paanong pinabukal Mo ang tubig sa nauuhaw at naiinitan mong bayan doon sa ilang, Diligin mo ang tuyo naming lupain ng iyong ulan upang maibsan ang init na aming nararanasan at magbigay buhay sa natutuyong pananim at mga halaman, dumaloy muli ang sariwang tubig sa mga sapa at ilog gayun din sa iba pang likas na yaman. Tumatawag kami sa iyo, Diyos ng habag at awa. Pakinggan mo ang aming pagsamo na itinataas namin sa ngalan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

Mahal na Birhen del Pilar, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
Lahat kayong mga banal sa piling ng Maykapal, ipanalangin ninyo kami.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 55,807 total views

 55,807 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 66,882 total views

 66,882 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 73,215 total views

 73,215 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 77,829 total views

 77,829 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 79,390 total views

 79,390 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nanawagan ng tulong

 41 total views

 41 total views Nananawagan ng tulong at suporta ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga diyosesis na labis na naapektuhan ng Super Typhoon Pepito. Ayon kay Caritas Philippines executive director, Fr. Tito Caluag, mahalaga ang sama-samang pagtutulungan upang maibsan ang mga pasanin ng milyon-milyong pamilyang nasalanta, hindi lamang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Nasa mga lider ang problema ng bansa-Bishop Alminaza

 127 total views

 127 total views Binigyang-diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pangangailangan ng bansa para sa mahusay na pamumuno at pagsusulong ng pananagutan upang mapangalagaan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino. Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang patuloy na suliranin ng bansa ay nakaugat sa hindi mabuwag na

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nakahanda sa pananalasa ng bagyong Pepito

 767 total views

 767 total views Nakahanda na ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa posibleng epekto ng binabantayang Super Typhoon Pepito. Pinaalalahanan ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang lahat na isaalang-alang ang kaligtasan ng sarili at mga mahal sa buhay, at maging handa sa mga magiging epekto

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Lahat ng simbahan sa Bicol region, binuksan sa evacuees

 829 total views

 829 total views Binuksan na ng mga diyosesis sa Bicol Region ang mga simbahan bilang pansamantalang matutuluyan ng mga magsisilikas dahil sa banta ng Super Typhoon Pepito. Simula pa kahapon, nag-anunsyo na ang mga parokya mula sa Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan (Camarines Sur), Diocese of Daet (Camarines Norte), Diocese of Virac (Catanduanes), Diocese

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Obispo, ipinag-utos na buksan ang lahat ng simbahan sa Sorsogon sa evacuees

 1,055 total views

 1,055 total views Obispo, ipinag-utos na buksan ang lahat ng simbahan sa Sorsogon sa evacuees Ipinag-utos ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo na buksan ang lahat ng mga simbahan sa diyosesis bilang pansamantalang matutuluyan ng mga magsisilikas dulot ng banta ng Typhoon Pepito. Ayon kay Caritas Sorsogon executive director, Fr. Ruel Lasay, layunin nitong matiyak ang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Panalangin ng Pag-asa at katatagan sa gitna ng unos

 1,169 total views

 1,169 total views Hinihiling ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na higit pang lumalim ang pananampalataya at pag-asa ng sambayanang Pilipino sa pagharap sa hamong dala ng mga sakuna. Dalangin ni Bishop Mangalinao ang katatagan at kaligtasan ng lahat upang makabangon muli sa mga nararanasang pagsubok, at patuloy na magtiwala sa kalooban ng Diyos na Siyang

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Prayer for protection against typhoon, inilabas ni Bishop Santos

 1,289 total views

 1,289 total views Ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang patuloy na kaligtasan ng bansa mula sa banta ng Super Typhoon. Ayon kay Bishop Santos, nawa’y ipadama ng Panginoon ang Kanyang mapagkalingang yakap upang maligtas ang bansa sa mapaminsalang epekto ng mga sakuna. Dalangin din ng obispo ang katatagan at karunungan ng mga lider ng bansa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ugaliing maging handa sa anumang unos, paalala ng Obispo sa mamamayan

 1,574 total views

 1,574 total views nihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga unos at pagsubok na kinakaharap. Ito ang paalala ni Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, habang patuloy na hinaharap ng bansa ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Simbahan sa Bicol, muling naghahanda sa banta ng bagyong Pepito

 1,674 total views

 1,674 total views Naghahanda na muli ang Diocese of Virac para sa inaasahang pagtama ng binabantayang Bagyong Pepito, na may international name na Man-Yi. Sa panayam sa Barangay Simbayanan, ibinahagi ni Caritas Virac executive director, Fr. Renato dela Rosa, na muling bubuksan ang mga simbahan sa diyosesis upang magsilbing evacuation sites para sa mga residenteng kailangang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagtaas ng aktibidad ng bulkang Kanlaon, pinangangambahan

 2,145 total views

 2,145 total views Nangangamba si San Carlos Diocesan Social Action Director, Fr. Ricky Beboso, sa posibleng epekto ng patuloy na pagbuga ng makapal na usok at abo mula sa bulkang Kanlaon sa mga kalapit na pamayanan. Ayon kay Fr. Beboso, ang patuloy na pagtaas ng aktibidad ng bulkan ay nagdudulot ng pangamba hindi lamang sa kaligtasan,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Opisyal ng CBCP, kinatawan sa COP29 summit

 2,970 total views

 2,970 total views Magsisilbing kinatawan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa United Nations Climate Change Conference of Parties o COP29 Summit na magsisimula ngayong araw November 11 hanggang 22, 2024 sa Baku City, Azerbaijan. Ayon kay Bishop Alminaza, na siya ring vice president ng Caritas Philippines, ang kanyang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Obispo ng Virac, umapela ng dasal

 3,896 total views

 3,896 total views Umapela si Virac Bishop Luisito Occiano sa mga pari at mananampalataya ng diyosesis na magkaisa sa pananalangin habang papalapit sa bansa ang Bagyong Nika. Labis na nag-aalala si Bishop Occiano sa posibleng epekto ng bagyo sa lalawigan at mga tao, kaya’t binigyang-diin niya ang pangangailangan ng sama-samang pananalangin para sa kaligtasan ng lahat,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinamon ng Obispo na manindigan para sa kalikasan

 4,707 total views

 4,707 total views Hinikayat ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang lahat na balikan at pagnilayan ang alaala ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa, partikular na sa Eastern Visayas. Ayon kay Bishop Varquez, labing-isang taon na ang lumipas mula nang manalasa ang kauna-unahang super typhoon sa bansa, ngunit sariwa pa rin ang iniwang pinsala nito,

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“Extraordinary jubilee mass” kay St.Miguel Febres Cordero, pangungunahan ng Papal Nuncio

 4,621 total views

 4,621 total views Inaanyayahan ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute (DLSMHSI) ang mga mananampalataya na makibahagi sa Extraordinary Jubilee Holy Mass na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown. Ito’y bilang parangal sa ika-170 kaarawan at ika-40 anibersaryo ng kanonisasyon ni Saint Miguel Febres Cordero, ang kauna-unahang santo mula sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tuluyang pagbabawal sa paggawa at pagbibenta ng paputok, hiniling ng BAN Toxics

 5,933 total views

 5,933 total views Umaapela ang toxic watchdog na BAN Toxics sa pamahalaan kaugnay ng maagang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok sa mga pamilihan. Ayon kay Thony Dizon, campaign and advocacy officer ng grupo, hinihikayat nila ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na suportahan at ipag-utos sa mga lokal na pamahalaan sa bansa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top