11,783 total views
Ikinagalak ng Diyosesis ng Assisi sa Italy ang pag-usbong ng mga negosyanteng may habag at pakikiisa sa kanilang mga empleyado.
Kasunod ito ng pagsasapubliko ng librong pinamagatang ‘Human Economy’ na isinulat ng mga Obispo ng Diyosesis ng Assisi, Nocera Umbra at Gualdo Tadino kung saan binigyan ng pagkakataon si na executive president ng isang kompanya sa Italy na magtalumpati.
Umaasa si Cucinelli na katulad ng mga adbokasiya ng Italian Economist na si Blessed Giuseppe Toniolo na isinusulong ang makataong ekonomiya noong 1800s ay isabuhay ng mga negosyante ang kahalagahan ng makatarungang ekonomiya at makataong kapitalismo.
Ito ay ang sistema na pantay at wastong naipapamahagi sa mga manggagawa ang kita ng mga kompanya habang nabibigyan din sila ng wastong benepisyo.
“We need a tide of humanity, because capitalism must be directly proportional to humanity. The rules of capitalism cannot be those of 100, 200, 1000 years ago, we need contemporary capitalism,” ayon sa mensahe ni cna ipinadala ng Diocese of Assisi sa Radio Veritas.
Sa Pilipinas, patuloy ang panawagan ng ibat-ibang progresibong grupo at mga mamamayan sa pamahalaan na ipatupad ang mga makatarungang polisiya sa ekonomiya.
Ito ay katulad ng pagtataas ng suweldo sa ‘Family Living Wage’ at pagtutuon ng pamahalaan sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya sa halip na isulong ang foreign investment.