247 total views
Ito ang naging pahayag ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity sa gitna ng paglago ng ekonomiya ay wala pa ring konkretong programa sa mga mahihirap ang Duterte administration.
Inihalimbawa rin ni Bishop Pabillo ang naipangakong pagtatanggal ng kontrakwalisasyon sa bansa na nauwi na lamang sa isang pangako na napako.
Iginiit pa ng Obispo na bagaman lumalago ang ekonomiya dapat ay nasasabayan rin ito ng serbisyo na makatutugon sa pag – aahon sa kahirapan ng mga Pilipino.
“Kaya wala naman tayong nakikitang programa ng pamahalaan para matanggal ang kahirapan yung pangako nilang tatanggalin ang ENDO hindi naman nangyayari kaya patuloy yung kahirapan. At walang programa ang pamahalaan sa pagtanggal ng kahirapan kaya patuloy ang kahirapan. Kaya nga ang panawagan natin sa halip ilagay ang atensiyon sa pronouncement ng presidente na pamimintang dapat gumawa talaga ng programa na makakatulong sa mga mahihirap.”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.
Nabatid sa ulat ng National Economic Development Authority na lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 6.6 percent mula Oktubre hanggang Disyembre 2016,ang pinakamabagal sa loob ng isang taon ngunit masigla pa rin ang full – annual growth sa 6.8 percent.
Inihayag din ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo na kulang ang focus ng administrasyong Duterte sa paglaban sa kahirapan.
Read: http://www.veritas846.ph/gobyerno-kulang-ang-focus-sa-paglaban-sa-kahirapan/
Nauna na rin ipinaalala ni Pope Francis na kailangang maging halimbawa ang Trickledown Theory na dapat naipapa- abot sa mga mahihirap ang kaunlaran at hindi sila dapat napang –iiwanan.