Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,262 total views

Homiliya para sa Linggo ng Pentekostes, 19 ng Mayo 2024, Jn 20:19-23

Ang Pentekostes ay araw ng pagdiriwang ng pagdating ng regalong dulot ng pagkabuhay ni Kristo at pag-akyat niya sa langit: ang Espiritu bumaba at lumukob sa mga alagad upang magpatuloy sa pamamagitan nila ang misyon ni Kristo. Ano ang misyon na iyon? Ang misyon na baguhin, hindi lang sila, hindi lang ang sangkatauhan, kundi ang buong sanlibutan sa pamamagitan nila.
Iyon ang sinasabi ng isa sa pinakamatandang panalangin sa Espiritu Santo: Come Holy Spirit:

Come, Holy Spirit, fill the hearts of Thy faithful
and kindle in them the fire of Thy love.
Send forth Thy Spirit and they shall be created.
And Thou shalt renew the face of the earth.

Sa Tagalog:
Halina, Espiritung Banal, puspusin mo ang mga puso ng iyong mga mananampalataya
at pagningasin mo sa kanila ang apoy ng iyong pagibig.
Hayaan mong umihip sa kanila ang banal mong hininga
upang sila’y malikha at upang sa pamanagitan nila ang daigdig ay maging isang bagong sangnilikha!

Apoy ng Pag-ibig ang tawag sa Espiritu Santo. Sa Latin ang salita para sa pag-ibig ay CARITAS, na sa Ingles ay CHARITY. May kasabihan tayo sa Ingles: “Charity begins at home.” Sa tahanan daw nagigising ang kagandahang-loob ng tao, natutong magmalasakit at lumabas sa sarili. Totoo naman, di ba? Kaya nga napaka-importante ng pamilya, kasi ito ang unang eskwelahan natin. Dahil karamihan sa atin lumaki sa hirap, sa mesa tayo natuturuan unang magmalasakit, at matuto sa pakiramdaman. Hindi ba pag pinakakain ang mga aso sa iisang kainan, natural lang na kung pare-pareho silang gutom, mag-uunahan sila, minsan mag-aaway pa nga dahil lahat sila walang ibang hangad kundi ang makakain nang sapat at mabusog? Ganyan kasi ang hayop.

Pero tayo, kahit hayop din tayo, alam natin higit pa tayo sa hayop. Tao tayo, marangal. Kaya tinuturuan tayo na magpakatao,isipin ang kapakanan at ikabubusog hindi lang ng sariling tiyan, kundi ng bawat isa. Iyan ang charity—pag-ibig o pagmamahal. Sa pamilya tayo unang natuturuang makipagkapwa, mag-isip sa kapakanan ng isa’t isa, magmahal, para maging tunay na tao, para magpakatao.

Ang Pentekostes ay tungkol sa pagbubuo ng Diyos ng pamilya, tungkol sa tahanan na gustong buuin ng Diyos, na ang miyembro ay hindi lang mga kadugo—kundi buong sangkatauhan (ibig sabihin, maituring na kapatid ang lahat ng kapwa tao), buong sanlibutan (lahat ng kapwa nilalang). Kaya ipinagdiriwang din natin ang Pentekostes bilang simula ng LAUDATO SI WEEK na ang tema ay “Mga Unang Bunga ng Pag-asa.” Parang harvest festival kasi ang orihinal na Pentekostes ng mga Hudyo. Shabuoth ang tawag nila sa Hebreo, araw ng pasasalamat para sa anihan, o sa unang bunga ng lupa. Kasabay ito, para sa kanila ng pagtanggap nila ng Sampung Utos ng Diyos para sa matuto silang mabuhay bilang katipan ng Diyos, matutong umibig sa Diyos nang higit sa lahat at umibig sa kapwa na gaya nang sarili. Ibig sabihin, maging pamilya ng Diyos.

Oo, totoong “Charity begins at home,” nagsisimula sa pamilya ang pag-ibig. But it should not end at home. It begins there, nagsisimula lamang. Kailangan siyang malubos at mabigyan ng kaganapan. At ito ang misyon ni Kristo, na siyang dahilan para sa Pentekostes. Para matupad ang Pangarap ng Diyos na mabago ang buong daigdig upang maging pamilya ng Diyos—tumanggap ng bagong dila, hindi dilang laman kundi dilang apoy—simbolo ng wika o linggwahe ng Diyos, and linggwahe ng CARITAS, PAG-IBIG. (Iyon ang Espiritu: ang apoy ng Pagibig ng Diyos, the fire of God’s love, na siya lang makapagbabago sa daigdig at sa relasyon ng tao, hindi lang sa kapwa tao kundi sa lahat ng kapwa nilalang.

Kaya naging inspirasyon ni Pope Francis ang panalangin ni Saint Francis of Assisi sa kanyang encyclical na Laudato Si—Care for the Earth, our Common Home. Tungkol sa mas malawak at mas malaking tahanan na nais likhain ng Diyos.

“Purihin ka, Panginoon ko, sa lahat ng iyong mga nilikha,
Lalo na kay Araw na aming kuya
Upang sa pamamagitan niya’y masikatan kami ng iyong liwanag…
Gayundin sa buwan at mga bituin na aming mga ate sa langit
Hinubog mo sila upang aming mamalas sa pamamagitan nila ang iyong kaningningan…
Gayundin ang simoy ng hangin na kapatid rin namin,
upang sa pamamagitan niya lahat kaming iyong mga nilikha ay maginhawang makahinga
Gayundin sa ate naming tubig na Hindi rin iba sa amin ,
Purihin ka sa kapatid naming apoy at sa lupang aming nanay upang sa pamamagitan niya kami rin ay umusbong, mamukadkad at laging maging mabunga
Gayundin kay ateng kamatayan na di maiiiwasan ninuman sa amin…”

Malasakit ang tawag natin kapag nararamdaman na natin ang sakit na pinagdadaanan ng mga taong malapit sa atin. Bakit? dahil kapamliya ang turing mo sa kanila, parang nakaugnay ka na sa kanila. Ang nakakaapekto sa kanila ay nakakaapekto na rin sa iyo. Pero sa Pentekostes, ang itinatanim na pag-ibig na Diyos, ang hininga na ibinibigay sa atin, ang apoy na sinisindihan sa mga puso natin ay pag-ibig na nag-uugnay sa atin hindi lang sa kadugo, hindi lang sa kalahi, hindi lang sa kapwa-tao, kundi sa lahat ng kapwa nilikha. Pinalalaki ang ating tahanan—buong sanlibutan, pati araw at hangin, buwan at bituin, tubig, lupa, apoy, lahat ay nakaugnay na sa atin.

Isa sa mga lumang kantang Pilipino na para sa akin ay magandang inspirasyon para sa diwa ng Pentekostes ay ang IKAW AKO MAGKAKAPATID ng New Minstrels.
Ito ang awit na Espiritu Santo:

Matutuhan lang ng bawat nilikha
Ang umibig sa tao at daigdig
Lungkot nila’y mapapawi
Ligaya’y ngingiti
Pag-ibig at pag-asa
Ang damdaming gigising
Sa taong nahimbing
Ang tunay na ligaya
Sa ating mga puso
Muling magniningning
Ikaw at ako
Hindi man magkalahi
Ay dapat matutong magmahal
Ituring mong tayong lahat
Ay magkakapatid.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 2,074 total views

 2,074 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 9,197 total views

 9,197 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 16,400 total views

 16,400 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 21,754 total views

 21,754 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 29,360 total views

 29,360 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 1,808 total views

 1,808 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 1,842 total views

 1,842 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 3,195 total views

 3,195 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 4,292 total views

 4,292 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 8,514 total views

 8,514 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 4,238 total views

 4,238 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 5,608 total views

 5,608 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 5,869 total views

 5,869 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 14,562 total views

 14,562 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 7,275 total views

 7,275 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PEREGRINO

 7,407 total views

 7,407 total views Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Mayor, 25 Hulyo 2024, Mt. 20:20-28 Pyesta ngayon sa aking hometown sa Betis, Guagua Pampanga, dahil patron ng aming parokya doon si Santiago Mayor. Dalawa ang larawan ni Santiago Apostol ang ipinuprusisyon doon sa amin sa Betis: ang Santiagong sundalo, may dalang espada, nakasakay sa kabayong puti

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 8,394 total views

 8,394 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 8,395 total views

 8,395 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 11,149 total views

 11,149 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 15,564 total views

 15,564 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top