288 total views
Inihayag ng Department of Interior and Local Government na maayos nang pinakikinabangan ng 300,000 sambahayan sa bansa ang proyekto nitong SALINTUBIG o Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat program.
Ayon kay DILG Secretary Ismael Sueno, taong 2012 nang sinimulan ang nasabing programa at ngayon ay tinatayang 554 na potable water supply projects na ang nakumpleto.
Aniya, mahalaga ito lalo na sa mga mahihirap na komunidad dahil ang tubig ang nagbibigay buhay sa bawat tao at ito rin ang magiging susi sa pagsiglang muli ng isang pamayanan.
“Water is life and for the people living in far-flung and water less communities, these SALINTUBIG projects will greatly ease their burden from long walks, sometimes across rivers and mountains, just to have access to drinking water,” bahagi ng pahayag ni Sueno.
Dahil dito, tiniyak ni Sueno na pag-iibayuhin pa ng DILG ang SALINTUBIG Program upang maabot ang mga malalayong lugar sa Pilipinas na walang pinagkukunan ng malinis na tubig.
“This 2017, the DILG will continue this initiative and hopefully, we shall be able to cover as many water
less communities as our budget will allow. This way, our fellow Filipinos in the countryside will also be able to benefit from the potable water supply that many of those in the large cities are enjoying,” dagdag pa ng kalihim.
Sa tala ng DILG mayroon pang mahigit 1000 SALINTUBIG Projects ang patuloy na isinasaayos upang agad nang mapakinabangan ng mga Filipino.
Sang-ayon sa Laudato Si ng kanyang Kabanalan Francisco, ang lahat ng tao ay may karapatang makakuha ng malinis na tubig, at tungkulin ng bawat isa na magtulungang upang maipaabot ito sa mga mahihirap.
Sa panig ng Simbahan, nagpapatuloy din ang pagbibigay ng Caritas Damayan ng Radio Veritas at Caritas Manila ng mga jetmatic water pump sa mga mahihirap na parokya sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Read: http://www.veritas846.ph/caritas-damayan-nagkaloob-ng-jetmatic-water-pump-sa-diocese-ng-gumaca/