Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 5,820 total views

Homiliya para sa Holy Trinity Sunday, 26 Mayo 2024, Mat 28:16-20

Sa araw na ito ng Kapistahan ng Banal na Santatlo, tutukan natin ng pagninilay, hindi ang misteryo ng Santatlo, kundi ang epekto nito sa atin, ayon kay San Pablo: ANG DIWA NG PAGIGING AMPON NG DIYOS AT TAGAPAGMANA NG KANYANG KAHARIAN.

Pag-ampon ang tawag natin sa ligal na proseso ng pagtanggap sa isang hindi-kadugo o kapamilya bilang miyembro ng pamilya. Ang inampon ay hindi lang binibigyan ng karapatan na gamitin ang apelyido ng pamilya bilang kaanak. Tinuturing din siyang tagapagmana sa mga ari-arian ng pamilya. Pero sa ating narinig na pangalawang pagbasa mula sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma, hindi isang ligal na proseso ng pag-ampon ang tinutukoy niya, kundi diwa o espiritung nagpapatunay daw na tayo ay mga anak ng Diyos. Ano ang ibig niyang sabihin?

Totoo nga naman, kahit kumpleto ang mga papeles, hindi ka pa rin totoong adopted kung hindi ka talaga natutuhang mahalin o ituring bilang tunay na anak o kapamilya, na pinalaki bilang hindi-na-iba. Hindi lang ito totoo sa panig ng umaampon kundi pati na rin sa panig ng inampon.

Ang pagiging Kristiyano ay tungkol sa diwa o espiritung ginigising o pinupukaw sa atin bilang mga anak ng Diyos, bilang bahagi ng pamilya ng Diyos na tinatawag nating SANTATLO. Ang epekto ng ating pagiging inampon ay dalawa: tayo’y nagiging tagapagmana ng Diyos, kasamang tagapagmana ni Hesukristo.

Simulan natin sa una: “Tagapagmana ng Diyos”, ibig sabihin, ng kanyang kaharian. Tayong mga inampon ay tumatanggap ng biyaya ng buhay na marangal, may mataas na dignidad, hindi lang bilang mga nilkha sa hugis at wangis ng Maylikha, kundi bilang mga miyembro ng pamilya ng Diyos. Kahit totoong ang sangkatauhan ay pumalpak o nabigo, hindi pa tapos ang kuwento. Nagpapatuloy ito sa kuwento ng Bagong Tipan, ang kuwento ng kaligtasan.

Na kahit tayo’y bumagsak, tayo’y tinubos. Iyon ang konkretong epekto ng diwa ng pag-ampon. Na tayo ma’y busabos, minahal pa rin tayo. Di man karapat-dapat, pinagpala pa rin at biniyayaan. Diyos mismo ang nagkukusang-loob upang itaas na muli ang ating dangal, matapos na tayo’y masadlak sa kasalanan. May kuwento ang aklat ng Genesis sa ginawa ng Diyos bago niya pinalayas sina Adan at Eba sa paraiso. “Dinamitan muna sila.”

Sa pamamagitan ng diwang-Anak na kaloob ng Espiritu, nakikilala natin ang dalawang bagay: kung sino tayo sa harapan ng Diyos, at kung sino ang Diyos sa atin. At ikalawa, nakikilala rin nating kilalanin kung sino tayo sa isa’t isa. Na tayo ay pamilya, magkakapatid, kapwa kasambahay sa issang tahanan. Ang diwa ng pagiging inampon ang nag-uudyok sa atin na tumawag sa Diyos bilang “Ama Natin.” Ang pag-ibig ng Diyos ang nagpapakilala sa atin kung sino tayo sa mata ng Diyos, ang umuudyok sa atin ng tumugon sa Diyos bilang kanyang mga anak.

May kuwento sa aklat ng Genesis tungkol kay Ishmael, kung paanong pinalayas siya, kasama ng kanyang inang si Hagar na alipin ni Sara. Noong una kasi walang sariling anak si Sara, kaya ibinigay niya ang alipin niya kay Abrahan para maanakan niya ito. Maayos ang pakikitungo niya sa mag-ina, pero nagbago ang lahat nang magkaanak rin si Sara. Hindi nito matanggap na may kasamang magiging tagapagmana ang kanyang anak. Sa Bagong Tipan, magbabago ang kuwento. Hindi lang mga kadugo o kapwa Hudyo ang magmamana ng kaharian. Dahil sa pagkakatawang-tao ng Bugtong na Anak ng Diyos, naging bukas ang pamilya ng Diyos sa lahat. Sabi nga ni San Pablo: “Wala nang Hudyo at Hentil, malaya at alipin, babae at lalaki. Lahat ay iisa kay Kristo Hesus. At ang bawat kabilang kay Kristo ay kalahi na ni Abraham, tagapagmana na rin ayon sa pangako.”

May narinig akong ganyang true story ng isang naging istudyante ko. Dahil isa lang ang anak ng mag-asawa, minabuti nilang mag-apon para magkaroon ng kapatid ang solong anak nila. Sinikreto nila ito sa batang inampon, pero dumating din ang panahon na natuklasan nito ang sikreto ng kanyang pagkatao. Sa pagkabigla, naglayas siya para hanapin daw ang tunay niyang magulang. Sa di niya nalalaman, ang kuya niya na masyadong nalungkot sa pag-alis niya ang naghanap sa kanya kung saan-saan, hanggang muntik na itong mamatay dahil naholdap siya habang naghahanap.
Bakit mo naisip na bumalik pa rin sa pamilyang umampon sa iyo sa bandang huli? Ito ang tanong ko sa istudyanteng nagkwento. Sagot niya: kasi, muntik nang mamatay si kuya dahil sa paghahanap sa akin. Kung siya na tunay na anak ay handang mamatay para sa akin na ampon lang, paano ko pa mapagdududahan na hindi na nga ako iba sa kanila, na ang turing na sa akin ng kuya ay totoong kapatid at kasamang tagapagmana?

Magandang kuwento, hindi ba? Pero hindi pa tapos ang kuwento. Nagpapatuloy. Marami pang gustong ampunin ang Diyos. Hindi pa tapos ang misyon ng Anak ng Diyos hangga’t hindi tayo natututo na makiisa sa misyon niya: na maampon ng Diyos ang buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pakikiisa natin sa pagdurusa at kamatayan ni Kristo, makakasama rin tayong lahat sa kanyang kaluwalhatian.

Ito ang misyon ng Banal na Santatlo: na sa pamamagitan ng Anak ng Diyos, kasama niya at sa kanya, ay maparangalan ang Diyos Ama dahil sa patuloy na paglaki ng kanyang pamilya dahil sa Espiritu Santong nagkakaloob sa atin ng diwa ng pagiging inampon at tagapagmana ng kaharian ng Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 22,502 total views

 22,502 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 37,158 total views

 37,158 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 47,273 total views

 47,273 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 56,850 total views

 56,850 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,839 total views

 76,839 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,159 total views

 7,159 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,289 total views

 9,289 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,288 total views

 9,288 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,290 total views

 9,290 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,286 total views

 9,286 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,158 total views

 10,158 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,360 total views

 12,360 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,393 total views

 12,393 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,747 total views

 13,747 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,843 total views

 14,843 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,051 total views

 19,051 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,770 total views

 14,770 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,139 total views

 16,139 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,401 total views

 16,401 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,094 total views

 25,094 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top