9,041 total views
Itinalaga ng Caritas Philippines si Father Carmelo ‘Tito’ Caluag na mula sa Diyosesis ng Novaliches bilang bagong Executive Director ng Social Arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.
Ito ay idinaos na Welcoming Event sa Pari sa Arzobispado De Manila sa Intramuros na dinaluhan ng ibat-ibang opisyal ng Caritas Philippines at mga partnered social arms, private companies at Non-Government Organization.
“It took us two month to be able to finally pinpoint the man then at the same time able to get the yes of the man that would become the next Executive Director of Caritas Philippines, medyo mabagal ang proseso because mayroong mga 3 or 4 steps depending, it can go as far as six stage to be able to identify and pinpoint,” ayon sa mensahe ni Caritas Philippines at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.
Bukod sa pagpapasalamat ay ipinaparating din ni Fr.Caluag ang kahandaan sa pagharap sa bagong responsibilidad sa pangangasiwa ng Social Arm.
Ayon sa Pari, kaniyang pagtutuunan ng pansin ang paglikom ng sapat na pondo higit na ang maayos na pamamalakad sa mga natatanggap na pondo ng Caritas Philippines upang matiyak na lahat ng ito ay napupunta sa pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino higit na ng mga mahihirap na benepisyaryo.
“But then again I think resource generation and organization is very important so I get to the spend time focusing on that, because we need to remember that the way I do resource mobilization is both the raising of the funds but also the proper mobilization of the funds to ensure that all the funds that we get are all properly used and that requires ayusin ang budgeting ng bawat programa, magkaroon ng monitoring, ang evaluation, the works,” pahayag ni Caluag sa panayam ng Radio Veritas.
Unang naging Director ng Alay Kapwa Para sa Karunungan Program ng Caritas Philippines si Fr.Caluag bago ang kaniyang bagong posisyong bilang executive director.
Magugunita na taong 1993 rin ng maordinahan bilang Pari si Fr.Caluag kung saan kaniyang natapos ang Master’s Degree at nagsilbi bilang Principal sa Ateneo De Manila University hanggang 2005.