Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Namayapang biking Priest, hinahangaan ng CBCP President

SHARE THE TRUTH

 19,253 total views

Nagpahayag ng paghanga at pagkilala si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa naging makabuluhang buhay at adbokasiya ng namayapang si Redemptorist Father Amado “Picx” Picardal, CSsR.

Sa Pastoral Visit On-Air sa Radyo Veritas ni Bishop David ay ibinahagi ng Obispo ang pakikidalamhati at pakikibahagi sa paghahatid sa huling hantungan ngayong araw kay Fr. Picardal na nakilala sa kanyang adbokasiya na may kaugnayan sa pagsusulong ng kapayapaan at katarungang panlipunan sa bansa.

Ayon kay Bishop David, kahanga-hanga ang pambihirang tapang ni Fr. Picardal na tinagurian bilang “biking priest” kung saan sa pamamagitan ng pagbibisikleta sa iba’t ibang lugar sa bansa ay kanyang isinusulong ang kanyang mga adbokasiya sa kapayapaan at katarungang panlipunan para sa bawat mamamayan.

“We’re also sorry to say na pumanaw si Fr. Amado Picardal, CSsR at siya ay inilibing sa araw na ito. He was the former executive secretary ng Basic Ecclesial Community Commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Alam natin, kilala natin he was a great man and bold prophet of social justice ‘Father Picx’ ang tawag sa kanya Fr. Amado Picardal, CSsR Redemptorist.” Bahagi ng mensahe ni Bishop
David sa Radyo Veritas.

Pinangunahan ni Cebu Auxiliary Bishop Emeritus Emilio “Boy” Bataclan ang Banal na Misa para sa paghahatid sa huling hantungan kay Fr. Picardal na namayapa sa edad na 69-na-taong-gulang dahil sa cardiac arrest noong ika-29 ng Mayo, 2024 kasabay ng kanyang ika-47 anibersaryo ng religious profession.

Ipinanganak si Fr. Picardal noong October 6, 1954 at naordinahang Pari noong April 24, 1981 kung saan kayang mariing isinulong ang pagkakaroon ng kapayapaan at katarungang panlipunan sa bansa partikular na laban sa mga serye ng karahasan sa syudad ng Davao.

Nagsilbi rin si Fr. Picardal bilang dating executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Basic Ecclesial Community Committe na ngayon ay isa ng Episcopal Commission.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,639 total views

 6,639 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 14,955 total views

 14,955 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,687 total views

 33,687 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,197 total views

 50,197 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,461 total views

 51,461 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 5,516 total views

 5,516 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 30,741 total views

 30,741 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 31,432 total views

 31,432 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top