84,663 total views
Kapanalig, sang-ayon po ba kayo na isa ito sa character traits nating mga tao. Ang mali ay pilit ginagawang tama, laganap ito sa alin mang ahensiya ng pamahalaan, local government units, sa pribadong sektor, sa lansangan, sa pamayanan, negosyo maging sa loob ng tahanan.
Ang nakakalungkot, madalas itong ginagawa sa executive branch tulad ng budget insertions, re-alignments ng public punds, pork barrel na ginawang line budgeting,sa judiciary may palusot din at ang latest na pinaka-lantaran sa legislative branch of government. Ang mga mambabatas na dapat gumagawa ng batas ang unang lumalabag sa batas.
Tulad ng panukalang divorce…Nakasaad sa 1987 Philippine Constitution o Saligang Batas ng Pilipinas, Article XV(The Family) Section 1. The State recognizes the Filipino family as the foundation of the nation. Accordingly, it shall strengthen its solidarity and actively promote its total development.
Section 2. Marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State.
Sa madaling salita, anumang divorce law ay labag sa Saligang Batas hangga’t hindi naamyendahan ang Article 15, Section 1 at 2 ng 1987 constitution at The Family Code of the Philippines Chapter 3 Section 39 amended by Republic Act (RA)8533.
Sa kabila ng katotohanang labag sa Saligang Batas ang divorce… nangibabaw pa rin ang hangaring makalusot, madaan sa teknikalidad, walang makapansin at walang kokontra.
Nakalusot na sana… Ang Absolute divorce bill ni Albay Representative Edcel Lagman, inaprubahan ito sa third at final reading sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa botong 126 Yes, 109 no votes at 20-abstentions noong ika-22 ng Mayo 2024. Sa nasabing botohan, hindi naipasa ang panukalang batas dahil hindi umabot sa majority ang YES votes.
Gayunman, kinabukasan May 23, 2024 lumabas sa record ng House of the Representative Secretary General na nabago ang bilang at naging 133 ang YES votes, 109 no votes at 20- abstention para ideklarang pasado ang divorce bill sa ikatlo at huling pagbasa. Agad na pinansin ni dating Senate President Vicente Tito Sotto ang dagdag bawas sa botohan kaya napurnada ang pag-transmit ng panukalang batas sa Senado.
Kapanalig, ang kontrobersiya sa botohan ay isang panlilinlang sa mamamayang Pilipino. Huwag nating hayaang mawala ang ating digdinad bilang Pilipino at pagiging tao.
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas at Vatican na lamang ang mga bansang walang diborsyo.
Sa kanyang pastoral exhortation na “Amoris Laetitia”, pinanindigan ni Pope Francis na labag sa church law ang divorce kung saan ang mga mag-asawang nag-divorce at nag-asawang muli ng walang catholic annulment ay nagkasala ng adultery at hindi maaring tumanggap ng communion.
Patuloy naman ang panawagan ng kalipunan ng mga Obispo ng Pilipinas sa mga mambabatas at pamahalaan na lalong patatagin ang pamilyang Pilipino sa halip na sirian. Nanindigan ang simbahan na hindi diborsyo ang tugon sa suliranin ng mga mag-asawa.
Sumainyo ang Katotohanan.