277 total views
Umaapela ng panalangin ang kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga Filipino para sa refugees problem sa Gitnang Silangan at sa buong mundo.
Sa ipinadalang mensahe ni Cardinal Tagle bilang presidente ng Caritas Internationalis at nasa Lebanon sa kasalukuyan para tugunan ang refugee crisis sa Gitnang Silangan, ibinahagi ng kanyang Kabunyian ang kalungkutan sa lumalalang problema ng mga refugees.
Inihayag ni Cardinal Tagle na isang malaking hamon sa mga bansa sa Gitnang Silangan ang malawak na pang-unawa sa kalagayan ng mga refugees na biktima ng kaguluhan.
Nananawagan ang pangulo ng Caritas Internationalis ng panalangin para sa masaklap na sitwasyon ng mga refugee at marinig ng mundo ang tinig ng Simbahan para sila ay makataong harapin ng lider ng mga bansa na walang pakialam at pagkalinga sa kanilang kapakanan.
Kasabay nito, ang paghingi ng update ng Kardinal sa mga pangyayari at development dito sa Pilipinas habang nag-iikot siya at tinutugunan ang mga problema sa ibat-ibang bahagi ng mundo bilang presidente ng Caritas Internationalis.
“The refugee problem here in the Middle East defies understanding. We pray! May the Church be heard as a voice of sanity and humaneness in the world as many leaders of nations take the dreadful path of intolerance and narrow mindedness. Mary, our Mother of Mercy, pray for us.”mensahe ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas.
Nabatid mula sa datos ng United Nations High Commissioner for Refugees(UNHCR), 4.8 milyon katao ang lumikas sa Turkey, Lebanon, Jordan, Egypt at Iraq.
6.6-milyon naman ang Internally Displaced Persons sa Syria habang isang milyon ang nagpakupkop sa Europa.