Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 29,794 total views

Homily June 2, 2024
Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B
Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26

Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama. Nakaluklok siya sa kanan ng Diyos Ama at ang dakilang posisyong ito ay ginagamit niya para ipatuloy na ipakipag-usap tayo sa Ama. Pero hindi lang iyan. Nangako siya na hindi niya tayo iiwan. Ginagawa niya ito mula pa noon hanggang ngayon at hanggang sa wakas ng panahon sa isang paraan na hindi man natin ma-imagine.

Noong Huling Hapunan itinatag niya ang sakramento ng Banal na Eukaristiya. Ang tinapay ay ginawa niyang kanyang laman upang maging pagkain natin at ang alak na kanyang dugo bilang inumin natin. Inalay niya ang kanyang sarili para may pagsasaluhan tayo. Ang pag-aalay na ito ay nangyari kinaumagahan ng kanyang pagkapako sa krus. Namatay si Jesus sa krus hindi dahil sa mahina siya na hindi niya natalo ang mga Romano at mga Hudyo, hindi dahil sa kulang siya ng diskarte na matakasan sila. Ang kanyang pagkamatay ay kusang pag-aalay niya para sa atin dahil sa pagmamahal niya. At ang kusang pag-aalay na ito ay patuloy natin nararanasan sa Banal na Misa, at napapakinabangan siya sa pagtanggap natin ng Banal na Komunyon.

Sa Banal na Misa patuloy nating naaalaala at nararanasan ang pag-aalay ni Jesus para sa atin. Nakikinabang tayo rito sa pagtanggap ng kanyang inialay – ang kanyang katawan at dugo. Siya mismo ay nagsabi na ang kanyang laman ay tunay na pagkain at ang kanyang dugo ay tunay na inumin. Nagpaiwan siya sa anyo ng tinapay at alak upang patuloy tayong samahan sa ating paglalakbay patungo sa langit.

Ang pag-aalay ng dugo para pagtibayin ang tipan ay mayroon nang matagal na kasaysayan sa buhay ng mga Israelita. Narinig natin sa ating unang pagbasa na paglabas ng mga Israelita sa Egipto nakarating sila sa paanan ng bundok ng Sinai. Doon binigay ng Diyos ang kanyang mga utos sa mga tao at silang lahat ay nangako: “Lahat ng iniutos ng Panginoon ay susundin namin.” Nagkipagkasunso sila sa Diyos. Ang Panginoon ay magiging Diyos nila. Aalagaan sila, papatnubayan at dadalhin sa lupa na ipinangako para sa kanila. Sila naman ay magiging bayan niya. Susunod sila sa mga utos niya sa kanila. Dugo ang naging tanda ng kasunduang ito. Kalahati ng dugo ng mga hayop na inalay ay winisik sa mga tao at ang kalahati ay ibinuhos sa altar. Ang seremonyas na ito ay ginagawa nila taon-taon. May hayop silang inihahain at ang dugo nito ay winiwisik sa mga tao at winiwisik sa altar ng dambana.

Sa atin, ang bagong bayan ng Diyos, pinag-isa tayo sa Diyos hindi na sa pamamagitan ng dugo ng isang hayop kundi ng dugo mismo ni Kristo. Ang dugong ito ay inialay para sa kapatawaran ng kasalanan. Kaya sinabi niya sa Huling Hapunan: “Ito ang aking dugo ng tipan, ang dugong ibubuhos para sa marami.” Ipinagdiriwang natin ang pag-aalay na ito sa bawat misa. Ang iisang sakripisyo ni Jesus sa Krus ay nangyayari sa harap natin, ito ay pinapasa-ngayon sa bawat misa.

Kaya mga kapatid, mahalaga ang misa sa atin. Ito ay tanda ng pagnanais ni Jesus na manatili sa atin. Sa kanyang katawan at dugo, si Jesus ay talagang nanatili sa atin. Hindi lang ito sagisag ni Jesus. Ito ay si Jesus mismo, kaya sinasamba natin ang Banal na Katawan ni Jesus na nasa anyo ng pagkain, nasa anyo ng tinapay.

Nagpapaiwan si Jesus sa anyo ng tinapay, ng isang pagkain, kasi ibig niya na kainin natin siya. Hindi lang niya ibig na makapiling tayo. Ibig niya na pumasok sa ating katawan, na makiisa talaga sa bawat isa sa atin. Kung talagang mahal natin siya, tatanggapin natin siya. Ayaw ba natin na sumaatin ang Diyos? Kaya sa bawat pagkakataon na mayroon tayo, sa bawat pagsisimba natin, magkomunyon tayo. Hindi lang tayo nakikinig ng misa. Hindi lang tayo nagdarasal sa misa. Tinatanggap natin si Jesus sa misa sa pagtanggap ng kanyang salita at ng kanyang katawan. Ito ang dalawang pagkain na inaalok sa atin: ang Salita at ang Katawan ng Panginoong Jesus.

Oo, tanggapin natin ng madalas si Jesus, pero tanggapin natin siya ng karapat-dapat. Diyos yata ang tinatanggap natin! Hindi lang tayo sumusubo ng ostia. Kaya pinaghahandaan natin ang Banal na Komunyon. Nagbibihis tayo ng maayos para sa Banal na Misa. Makakatagpo yata natin ang Panginoon. Hindi tayo kumakain ng isang oras bago magkomunyon kasi ang pagkaing tatanggapin natin ay hindi isang ordinaryong pagkain. Ito ay ang Panginoon. Higit sa lahat, tanggapin natin si Jesus na walang kasalanang malaki. Kapag tayo ay may mabigat na kasalanan tinatanggihan natin ang Diyos, inaayawan natin siya. Ano iyan, ayaw natin sa kanya at tinatanggap natin siya? Alin ba ang totoo? Kaya kung gusto nating tanggapin siya pagsisihan na natin ang ating kasalanan. Ikumpisal natin ang ating mabigat na kasalanan. Ang maliliit na kasalanan ay napapatawad sa ating pagsisisi sa simula ng misa pero ang mabibigat na kasalanan ay dapat ikumpisal sa pari. Basta walang malaking kasalanan maaari tayo magkomunyon. Kaya umiwas tayo sa mabibigat na kasalanan upang palagi tayong makapagkomunyon.

Si Jesus ay ibig palaging manatili sa atin. Huwag tayong lumayo sa kanya. Tanggapin natin siya. Mahal tayo ni Jesus. Mahalin din natin siya. Magkomunyon tayo palagi. Kapag palagi nating tinatanggap si Jesus nang karapat-dapat, dahan dahan nagiging tulad tayo ni Jesus. Binabago niya tayo at nakukuha natin ang kanyang ugali at pananaw. Ayaw ba natin maging tulad ng Anak ng Diyos?

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 59,538 total views

 59,538 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 74,194 total views

 74,194 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 84,309 total views

 84,309 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 93,886 total views

 93,886 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 113,875 total views

 113,875 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 6,517 total views

 6,517 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 7,614 total views

 7,614 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 13,219 total views

 13,219 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 10,689 total views

 10,689 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 12,737 total views

 12,737 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 14,065 total views

 14,065 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 18,311 total views

 18,311 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 18,739 total views

 18,739 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,799 total views

 19,799 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 21,109 total views

 21,109 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,838 total views

 23,838 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,024 total views

 25,024 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 26,504 total views

 26,504 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,914 total views

 28,914 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 32,189 total views

 32,189 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top