11,799 total views
Natuklasan sa pag-aaral ng International Labour Organization (ILO) Philippines katuwang ang Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot sa 100-billion pesos ang binayarang recruitment cost ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) mula taong 2016 hanggang 2019.
Inihayag ng ILO-Philippines at PSA na ang recruitment costs ay magkaibang halaga na binabayaran sa mga recruitrers ng mga nagnanais maging O-F-W para mabigyan ng trabaho sa ibayong dagat.
Ayon sa sa dalawang ahensya, ang recruitment cost ay ang magkakaibang halaga na binabayaran ng mga nais maging OFW upang mabigyan sila ng trabaho ng ibat-ibang banyagan kompanya o recruiters sa ibang bansa.
Layunin ng pag-aaral na malaman ang datos na makakatulong para mapataas ang kalidad ng pamumuhay ng mga OFW.
“This study on Measuring Sustainable Development Goal indicator 10.7.1 on recruitment costs of migrant workers: Results of the 2019 Philippine Survey on Overseas Filipinos, used data from the Philippine Labour Force Survey (LFS) of 2019, particularly from the October modular Survey on Overseas Filipinos (SOF). This was the first time the PSA piloted such measurement, though the country has a long experience in measuring the number of Filipino workers abroad on annual basis,” ayon sa ipinadalang mensahe ng ILO Philippines sa Radio Veritas.
Sa kabila ng ipinapataw na recruitment cost sa mga OFW, ikinagalak naman ng ILO-Philippines at PSA na sa loob lamang ng dalawang buwan ay buo itong nababayaran ng mga O-F-W sa kanilang agency o recruiter.
Natuklasan sa pag-aaral na sa Middle East, Taiwan at Hong Kong pangunahing naitatala ang recruitment cost ng mga OFW.
“Despite enormous costs paid in total to obtain a job abroad, overseas Filipino workers spent on average just about 1.2 months of their salary to pay back or cover the recruitment costs paid to get their jobs abroad. The study results imply key policy recommendations for Filipino workers to access better jobs overseas, such as in tackling gender differentials in jobs available, targeting higher skilled jobs that reflect educational attainments of Filipino workers, as well as reducing the financial burden of recruitment costs particularly for the most vulnerable migrant workers,” ayon pa sa mensaheng ipinadala ng ILO Philippines sa Radio Veritas.
Sa tala ng pamahalaan, umaabot na sa 2.33-million ang bilang ng mga OFW noong 2023 na patuloy pang tumutaas kumpara sa 1.9-million na datos noong 2022.
Patuloy naman ang pananalangin at pag-aalay ng misa ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People para sa ikakabuti ng kapakanan ng mga OFW at Filipino Migrants.