Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Personal na kasalanan, ugat ng tokhang for ransom

SHARE THE TRUTH

 293 total views

Mga Kapanalig, isang malaking dagok para sa ating kapulisan ang pagpatay sa isang negosyanteng South Korean sa loob mismo ng headquarters ng PNP sa Kampo Crame. Naganap ito sa gitna ng wala pa ring patumanggang giyera ng administrasyon kontra iligal na droga. Tinaguriang “tokhang for ransom” ang krimen dahil ginamit ang Oplan Tokhang upang dukutin ang negosyante at kikilan ang kanyang pamilya.

Madalas ipagmalaki ng ating pamahalaan ang “tagumpay” nito sa pagsugpo sa problema ng droga sa pamamagitan ng paglalabas ng bilang ng mga sumuko, ng mga inaresto, at ng mga napapatay sa mga operasyon ng mga pulis. Kitang-kita ang sigasig ng ating mga pulis sa pagsasagawa ng Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel. Malakas din ang loob ng ating mga pulis dahil sa “all-out support” na ibinigay sa kanila ni Pangulong Duterte, na nangakong iaabswelto sila sakaling makapatay sila sa ngalan ng giyera kontra droga. At ilang beses na ngang ipinagtanggol ng pangulo ang mga pulis, gaya na lamang noong patayin sa piitan ang isang mayor na umano’y drug lord; pansamantala inalis sa serbisyo ang mga sangkot na pulis ngunit wala silang natanggap na maaanghang na salita mula sa pangulo.

May mga nagsasabing ang krimen sa Krame ay bahagi ng paninira sa PNP at sa ating pangulo, bagama’t walang inilalabas na ebidensya upang patunayan ito. Ang malinaw, mga Kapanalig, ay nagpapatuloy pa rin ang mga baluktot na gawaing kinasasangkutan ng mga pulis na inatasan ng tungkuling tiyakin ang kaligtasan ng lahat at panatilihin ang kaayusan sa ating paligid. Nakalulungkot na ang mga taong dapat lumalaban sa kriminalidad ay sangkot mga gawaing labag sa batas at lumalapastangan sa buhay ng tao. At hindi natin maiiwasang isipin na dahil sa suporta ng pangulo sa kanila, malakas ang loob ng ilang pulis na lusutan ang batas. (Babantayan natin sa mga susunod na araw kung ano ang kahahantungan ng mga pulis na mapatutunayang may kinalaman sa krimen sa Krame.)

Ang mga iskandalong kinasasangkutan ng mga pulis gaya ng “tokhang for ransom” ay matingkad na halimbawa ng kung paano ang mga bunga ng personal na kasalanan (o personal sin) ay humahantong sa pagiging mga istruktura ng kasalanan (o structures of sin). Ayon sa apostolic exhortation na Reconciliatio et Paenitentia, nagagawa ng isang taong pag-ugnay-ugnayin at pagsama-samahin ang kanyang mga makasalanang gawain hanggang sa umabot ito sa puntong mahirap na itong ituwid at mahirap nang itama ang mga bunga nito. “The accumulation and concentration of many personal sins”, ayon nga sa binanggit nating Catholic social teaching. Habang lumalakas at lumalaki ang mga structures of sin na ito, nagbubunga pa ito ng ibang kasalanan at maging ang ibang tao ay nahihikayat ding gumawa ng mali.

Ang mga pagsuko, pag-aresto, at pagpatay sa mga sangkot sa iligal na droga ay mga panlabas na epekto o bunga ng giyera kontra droga ng pamahalaan. Kasabay nito ang bungang hindi pinapansin ng marami: ang pag-abuso ng ilang pulis sa kanilang kapangyarihan at awtoridad para sa makasariling layunin. Ngunit hindi ito problema dahil lamang may dayuhang nabitikma. Pag-abuso rin sa kapangyarihan—na isang personal na kasalanan—ang pagpatay sa mga sangkot sa droga at ang paglalagay ng batas sa kamay ng mga pulis sa halip na idaan ang mga suspek sa tamang proseso ng batas.

Hindi lubusang matitigil ang kaliwa’t kanang pagpatay sa mga suspek sa pagtutulak sa droga kung patuloy nating ipagwawalambahala ang baluktot na pananaw ng ilang pulis sa kapangyarihang ipinagkatiwala sa kanila. Ang pag-abuso sa kanilang kapanyarihan ay nakaugat sa personal na kasalanan. At hangga’t may mga pagkakataon ang mga pulis na samantalahin ang kanilang posisyon sa lipunan, lalawak at lalawak ang mga istruktura ng kasalanan. Lahat po tayo apektado.

Ipagdasal po natin ang ating kapulisan, mga Kapanalig.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 4,981 total views

 4,981 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 15,096 total views

 15,096 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 24,673 total views

 24,673 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 44,662 total views

 44,662 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 35,766 total views

 35,766 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 4,982 total views

 4,982 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 15,097 total views

 15,097 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 24,674 total views

 24,674 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 44,663 total views

 44,663 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 35,767 total views

 35,767 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,029 total views

 40,029 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,598 total views

 43,598 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,054 total views

 56,054 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,121 total views

 67,121 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,440 total views

 73,440 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,052 total views

 78,052 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,613 total views

 79,613 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,174 total views

 45,174 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,835 total views

 67,835 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,411 total views

 73,411 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top