15,228 total views
Inaanyayahan ng Caritas Manila ang mamamayan na makiiisa sa ‘Bente-bente Grand Raffle Bonanza’ bilang bahagi sa paggunita ng ika 71-anibersaryo ng Social Arm ng Archdiocese of Manila.
Ayon sa Social Arm, sa halagang bente pesos ay maari ng makabili ng raffle ticket kung saan maaring mapanalunan ang mga premyong katulad ng bagong sasakyan at iba pang kagamitan.
Maari namang makipag-unayan sa mga numero bilang 0-9-0-6-4-1-9-7-3-3-5 o 8-5-6-2-0-0-2-0 hanggang 25 local 131 o personal na magtungo sa himpilan ng Caritas Institute of Servant Leadership and Stewardship sa Pandacan Manila mula ika-walo ng umaga hanggang ika-apat ng hapon Lunes hanggang Biyernes upang makabili ng tickets.
“Ang perang malilikom dito ay ilalaan para sa mga programa ng Caritas Manila para sa mga kapus-palad, nanalo ka na, nakatulong ka pa!,” ayon sa mensahe at paanyaya ng Social Arm ng Archdiocese of Manila.
Gaganapin ang unang Raffle Draw sa June 28, ang ikalawa naman sa August 30 hanggang ang Grand Draw naman ay idadaos sa October 26 sa mismong araw ng paggunita ng 71st Anniversary ng Caritas Manila.
Bukod sa papremyo para sa mga sasali sa ‘Bente-bente Grand Raffle Bonanza’ ay ilalaan ang malilikom na pondo ng gawain sa mga programa ng Caritas Manila na tumutulong sa mga mahihirap, nagpapakain sa mga nagugutom, tumutugon sa pangangailangan ng mga biktima ng sakuna at nagpapaaral sa mga kapos-palad na estudyante hindi lamang sa Metro Manila kungdi sa magkakaibang bahagi rin ng Pilipinas.