18,521 total views
Hiniling ni Virac Bishop Luisito Occiano ang patuloy na panalangin kasabay ng pagsisimula ng kanyang bagong misyon bilang pastol ng Diocese of Virac, lalawigan ng Catanduanes.
Ito ang kahilingan ng obispo makaraang mailuklok sa cathedra ng diyosesis sa Immaculate Conception Cathedral and Parish sa Virac nitong June 26, 2024.
Sinabi ni Bishop Occiano na mahalaga ang mga panalangin para maging matagumpay ang kanyang pagpapastol at maisabuhay ang episcopal motto na ‘Cum Gaudio Praedicare’ o ‘To Proclaim the Good News with Joy’.
“As I embark on this new journey as shepherd of the Diocese of Virac, I am committed to fostering a spiritual life. Pray for me as I proclaim the good news of Christ to this happy island of Catanduanes,” pahayag ni Bishop Occiano sa Radio Veritas.
Labis din ang pasasalamat ng obispo sa mamamayan ng Catanduanes sa mainit na pagtanggap bilang pastol sa mahigit 300-libong mananampalataya sa buong lalawigan.
“I must express my deep appreciation for the welcome. I have received your kindness and hospitality had made me feel immediate at home and I am very eager to begin this journey with you,” dagdag pa ni Bishop Occiano.
Aminado si Bishop Occiano na may kaakibat na pangamba ang tatahaking bagong misyon ay ipinagkatiwala nito sa Panginoon ang kanyang tungkulin sa tulong at paggabay ng Mahal na Birheng Maria.
Tiniyak ng obispo ang pakikilakbay sa nasasakupang kawan at pakikinig sa kanilang pangangailangan lalo na ang paghuhubog sa espiritwal na aspeto.
Pinasalamatan din ni Bishop Occiano si Bishop Emeritus Manolo delos Santos sa tatlong dekadang paninilbihan sa diyosesis na nagpapalago sa kritiyanong pamayanan kung saan bukod sa mahigit 50 mga parokya ay nagtayo rin ito ng mga mission stations.
Pinangunahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang pagluklok kay Bishop Occiano kasama si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na sinaksihan ng daan daang mananampalataya, mga obispo ng Bicolandia at Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Magiging katuwang ni Bishop Occiano sa pagpapastol sa diyosesis ang mahigit 70 mga pari gayundin ang mga misyonerong religious men and women sa lalawigan.