17,491 total views
Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion.
Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City.
āMarian devotees, members of church organizations (Fatima and Marian groups), parishioners especially from Fatima and Immaculate Heart of Mary Parishes, and all interested Catholics are requested to attend the event,” paanyaya ng WAF Philippines.
Magbibigay panayam sa pagtitipon si Sr. Angela de Fatima Coelho ang Postulator ng Causes of Canonization nina San Francisco at Santa Jacinta Marto habang Vice Postulator naman sa Cause of Canonization ni Sr. Lucia dos Santos.
Bukod dito si Sr. Coelho rin ang kasalukuyang Superior General ng AlianƧa de Santa Maria sa Portugal.
Tema ng pagtitipon ang āThe Story Continues: Know, Live, and Spread the Fatima Messageā na layong ipalaganap sa bansa ang tunay na mensahe ng Mahal na Birhen ng Fatima nang magpakita sa tatlong bata sa Portugal noong 1917.
“This is to make known to Filipinos the authentic Message of Fatima as approved by the Church especially the Communion of Reparation on the Five First Saturdays of the month and the need for consecration of the country and the world to the Immaculate Heart of Mary,” dagdag ng grupo.
Katuwang ng WAF Philippines sa paglulunsad ng national convention ang Catholic Bishopsā Conference of the Philippines, Diocese of Cubao at ang Landmark Trinoma mall.
Magkakaroon ng registration fee na P1, 000 para sa convention materials at para sa karagdagang detalye makipag-ugnayan sa Secretariat ng convention sa numerong 0915-700-2826.