Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Umento sa sahod ng mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

 48,797 total views

Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon. 

Dismayado dito ang ilang labor groups. Para sa National Wage Coalition, na binubuo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Kilusang Mayo Uno, Nagkaisa!, at Trade Union Congress of the Philippines, isa itong “disgrace” o kahihiyan para sa mga manggagawa. Insulto raw ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod; ni hindi nga raw ito makakabili ng isang kilong bigas. Ayon naman sa Federation of Free Workers, ipinakita lamang muli ng wage board na manhid sila sa kalagayan ng mga manggagawa. Para sa kanila, pinili raw ng wage board na protektahan ang interes ng mga negosyante, sa halip na bigyang-halaga ang mas malaking layunin ng pagtataas ng sahod para sa kabutihan ng bayan. 

Gaya ng inaasahan, may mga negosyanteng umaaray sa panibagong umento sa sahod. Para sa Employers Confederation of the Philippines, masyado itong mataas kumpara sa kinse hanggang bente pesos na dagdag-sahod na iminungkahi nila. Mahihirapan daw ang mga negosyante, lalo na ang may may microbusiness, sa ₱35 na dagdag sa minimum daily wage.

Matagal ng isinusulong ng ilang labor groups ang mas mataas na arawang sahod ng mga manggagawa. Noong Pebrero, pumasa sa Senado ang panukalang dagdagan ng ₱100 ang arawang sahod. Pinangambahan ito ng mga negosyante. Ayon pa sa National Economic and Development Authority, maaari daw itong mauwi sa mas mabilis na pagtaas ng mga bilihin at mas maraming walang trabaho. Para maitaas ang suweldo ng mga manggagawa, gagawin ng mga negosyanteng mas mahal ang ibinebenta nilang mga produkto. Sa madaling salita, magiging pasanin pa ito sa mga mamimili. Kung hindi ito magagawa, baka mapilitan daw ang ilang negosyong magsara na lang. 

Sa Kamara naman, hindi umuusad ang House Bill No. 7871 o Wage Recovery Act na layong gawing across-the-board ang ₱150 na umento sa arawang sahod ng mga nagtatrabaho sa pribadong sektor. Para sa Gabriela Party-list, kulang na kulang ang umento sa sahod na inaaprubahan ng wage board. Hindi ito sapat para makahabol ang mga manggagawa at kanilang pamilya sa bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. 

Ayon sa Catholic social teaching na Laborem Exercens, ang sahod ang pinakamahalagang pamamaraan para makamit ang katarungan sa paggawa. Gamit ang suweldong natatanggap natin kapalit ng ating pagtatrabaho, mabibili natin ang ating mga pangunahing pangangailangan. Kaya sagabal sa pagkamit ng isang buhay na may dignidad ang hindi makatarungang pasahod. 

Binibigyang-diin din ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang mahalagang papel ng pamahalaan upang siguruhing nababalanse ang lahat ng interes sa pagsusulong ng kaunlaran. Hindi tunay at hindi ganap ang kaunlaran kung may mga isinasantabing manggagawa. Kinakailangan ang aktibong papel ng pamahalaan sa pagsigurong may mga patakarang ginagawang patas ang pakinabang ng lahat sa mga bunga ng pag-unlad. 

Seryosong ang usapin ang umento sa sahod. Sa isang banda, dapat siguruhing nakakamit ng mga manggagawa ang isang makatarungan at nakabubuhay na sahod. Sa kabila naman, kailangang kilalanin ang epekto ng anumang pagbabago sa itinatakdang sahod sa mga lumilikha ng trabaho, lalo na ang maliliit na negosyo. 

Mga Kapanalig, sabi nga sa 2 Tesalonica 3:10, “Huwag ninyong pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho.” Para din nitong sinasabing ang mga nagtatrabaho ay dapat na makatanggap ng sahod na sapat sa kanilang mga pangangailangan. Makatarungang pasahod at suporta din sa maliliit na negosyo ang hinahanap natin. Sa huli, hangad natin ang isang kaunlarang lahat ay nakikinabang at walang isinasantabi. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 53,875 total views

 53,875 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 68,531 total views

 68,531 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 78,646 total views

 78,646 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 88,223 total views

 88,223 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 108,212 total views

 108,212 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 53,876 total views

 53,876 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 4,648 total views

 4,648 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 68,532 total views

 68,532 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 78,647 total views

 78,647 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 88,224 total views

 88,224 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 108,213 total views

 108,213 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 50,880 total views

 50,880 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 45,905 total views

 45,905 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 49,474 total views

 49,474 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 61,929 total views

 61,929 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 72,996 total views

 72,996 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 79,315 total views

 79,315 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 83,923 total views

 83,923 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 85,483 total views

 85,483 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 51,044 total views

 51,044 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top