Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 34,887 total views

Homily July 7, 2024
14th Sunday Ordinary Time Cycle B
Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6

Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi naman masama ang magdasal at magsimba, bakit ayaw ito gawin ng marami? Hindi naman nakabubuti ang sabong at marami pa ngang pamilya ang naghihirap dahil dito pero palaging puno ang sabungan. Hirap ang mga kabataan na magtiyaga sa pag-aaral, pero madaling maglakwatsa kung saan-saan.

Si Jesus mismo ay nagtaka dito. Umuwi siya sa kanyang lunsod ng Nazaret kung saan siya lumaki. Kilala niya ang mga tao doon, ang marami ay kamag-anak pa niya. Kilala din siya ng mga tao at kilala ang kanyang pamilya. Ngunit ayaw siyang paniwalaan ng kanyang kababayan. Dapat nga matuwa sila na isa sa kanila ay naging tanyag dahil magaling siyang magpahayag at nakakatulong pa sa marami sa kanyang pagpapagaling at pagpapalayas ng demonyo. Pero hindi! Sa halip na sila ay matuwa, pinagdudahan pa siya. “Saan siya nakakakuha ng ganitong galing at kapangyarihan?” ang tanong nila. “Hindi ba karpintero lang siya at taga-rito lang siya?” Ang kanilang pagkakilala sa kanyang pagkatao ay bumulag sa kanila sa kanyang misyon ng kaligtasan, kahit may patotoo pa siyang ginagawa – ang mga milagro niya. Dahil sa pagkakilala kuno nila sa kanyang pagkatao hindi sila nanampalataya. Baka may pagkahalo pa itong inggit. Sinulat sa ating ebanghelyo: “Nagtaka si Jesus sapagkat hindi sila sumampalataya.”

Pero kahit na ganito ang pangkaraniwang ugali ng mga tao na mahirap makinig sa matuwid, hindi nagsasawa ang Diyos na magpadala sa atin ng mga propeta upang patuloy na magsalita at manawagan sa atin. Ito ang sinabi ng Diyos kay propeta Ezekiel noong ipadala siya ng Diyos. Alam ng Diyos na matitigas ang ulo ng mga Israelita. Ito ay isang bansang suwail, mula pa sa kanilang mga ninuno. Naghihimagsik sila palagi laban sa Diyos. Pero pinadala pa rin niya si Ezekiel sa kanila. Makinig man sila sa kanya o hindi, patuloy siyang magsalita sa kanila tungkol sa Panginoong Diyos. Hindi sila makakabigay ng excuse na hindi nila alam, na walang sinabi ang Diyos. Hindi siya nagkukulang na magpaalaala sa kanila.

Makikita natin dito ang pagtitiyaga ng Diyos at ang kanyang katapatan sa atin. Ito ay dahil sa kanyang pag-ibig sa atin. Marahil ito rin ay dahil sa kanyang malaking tiwala sa atin na baka naman ay may maniwala pa, baka naman may pumansin sa kanya at magbagong buhay. Sinabi ni Papa Francisco na mahalaga sa Diyos kahit na ang kaunting pagpapakita ng pagbabago at paggawa ng kabutihan. Kaya kapag tayo ay magbalik handog ng kaunting panahon sa pagdarasal, mahalaga na ito sa kanya. Kaunting halaga lang na binibigay natin sa balik handog ay magagamit na niya para sa malaking kabutihan. Kaya ang pagbibigay ng piso sa Pondo ng Pinoy ay ikinatutuwa niya. Maaari ito na ang simula ng pagiging generous ng isang tao.

Kung ang Diyos ay hindi nagsasawa na maniwala sa atin, huwag din tayong magsawa na maniwala sa kanya. Sa ating ikalawang pagbasa, si Pablo ay may iniinda sa Panginoon. Hindi natin alam kung ano ito. Ang tawag niya dito ay isang tinik o isang kapansanan na kanyang nararanasan sa kanyang katawan. Ito ba kaya ay isang karamdaman, o isang malaking problema, o isang tukso? Hindi natin alam. Pero nahihirapan siya rito kaya tatlong beses niyang ipinagdasal sa Diyos na tanggalin na ito. Pero hindi ginawa ng Diyos ang kanyang kahilingan. Sinabi lang ng Diyos sa kanya: “Ang aking tulong ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Mga kapatid, uulitin ko ang sinabi ng Panginoon: “Ang aking tulong ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo.” Hindi lang niya ito sinabi kay Pablo. Ito ay sinasabi niya sa bawat isa sa atin. Hindi niya tayo pababayaan. Sapat ang tulong niya sa atin. Naniwala si Pablo sa kanya. Kaya kapag may problema siya, kapag nanghihina na siya dahil sa kanyang dinadalang responsibilidad, naniniwala siya na palalakasin siya ng kapangyarihan ni Kristo. Dahil dito nasabi niya na kung kailan siya mahina, saka naman siya malakas. Siya ay malakas dahil sa ang lakas na ito ay galing sa Diyos. Dahil sa hindi na niya kaya, pinalalakas siya ng Panginoon. Hindi ba nararanasan din natin ito? May mga panahon na mahina tayo, na halos wala na tayong magagawa. Nagsu-surrender na nga tayo. Pero nakakatayo pa tayo. Nalalampasan din natin ang problema. Kumilos ang Diyos sa atin. Nagkaroon tayo ng ibayong lakas at kakayahan. Tinutulungan ng Diyos ang nangangailangan.

Kaya huwag tayong mawalan ng pag-asa. Sa ating kahinaan kumikilos ang Diyos basta huwag tayong magpabaya, gawin natin ang magagawa natin at maniwala tayo sa kanya. Kinakabahan tayo ngayon sa banta ng Tsina na atin. Binabangga ang mga barko nating nagdadala ng supplies sa mga mangingisda at mga sundalo sa West Philippine Sea. Napakalaki ng Tsina; magaling ang technology nila. Mayaman sila. Ano naman ang laban natin sa kanila? Mayroon silang 9,150 na tanke, mayroon lang tayo ng 45. Mayroon silang 1,385 na eroplanong pandigma. Mayroon tayo ng 8. Mayroon silang 106 warships, mayroon tayong 14. Ano naman ang laban natin sa kanila? Pero mga kapatid, mayroon tayong Diyos. Sila ay hindi naniniwala sa Diyos. May pananampalataya tayo. Gamitin natin ito. Magdasal tayo, manalig tayo sa kanya. Sabihin natin: Kung kailan kami mahina, diyan kami malakas kasi may dakilang Diyos tayo na hindi magpapabaya sa atin. Kumapit lang tayo sa kanya at gawin natin ang kalugod-lugod sa kanya! May dakilang Diyos tayo!

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 57,077 total views

 57,077 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 71,733 total views

 71,733 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 81,848 total views

 81,848 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 91,425 total views

 91,425 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 111,414 total views

 111,414 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 6,442 total views

 6,442 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 7,539 total views

 7,539 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 13,144 total views

 13,144 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 10,614 total views

 10,614 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 12,662 total views

 12,662 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,990 total views

 13,990 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 18,236 total views

 18,236 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 18,664 total views

 18,664 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,724 total views

 19,724 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 21,034 total views

 21,034 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,763 total views

 23,763 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,949 total views

 24,949 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 26,429 total views

 26,429 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,839 total views

 28,839 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 32,114 total views

 32,114 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top