16,723 total views
Walang maidudulot na mabuti sa mga mag-asawa at pamilya ang pagsasabatas ng diborsyo sa bansa.
Iginiit ni Dilaab Foundation founding chairman Fr. Carmelo Diola na hindi diborsyo ang tugon para mabigyang solusyon ang kinakaharap na suliranin ng mga mag-asawa.
Inihayag ni Fr.Diola na wastong programa para mapagtibay ang maayos na pagsasama ng magkatipan na lalong mawawasak kapag naibatas na ang divorce.
“The social ills or the disorders that will be unleashed by the divorce bill would be grossly disproportionate to the purported benefits if at all that would be introduced. That’s not even to mention that Jesus gave the injunction of what God has joined together; man must not separate,” bahagi ng pahayag ni Fr. Diola.
Ibinahagi ni Fr. Diola sa Radio Veritas na umaabot sa 122,000-libong lagda ang kanilang nakalap sa isinagawang malawakang signature campaign sa lahat ng mga parokya ng Archdiocese of Cebu para tutulan ang panukalang diborsyo.
Hinimok ni Archdiocesan Commission on Family & Life Chairperson Fr. Eligio Suico ang mga mag-asawang may problema sa kanilang pagsasama na dumulog sa kanilang tanggapan upang sumailalim sa programang pampamilya at mag-asawa.
Magsasagawa naman ng ‘Yes to Marriage and the Family; No to Divorce’ prayer rally ang arkidiyosesis sa July 27 mula ala-una ng hapon sa Fuente Osmeña circle at maglalakad patungong Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu kung saan magkaroon ng maiksing programa na susundan ng banal na misa dakong alas singko ng hapon na pamumunuan ni Cebu Archbishop Jose Palma.
Hinimok ni Fr. Diola ang mga Cebuano na magkaisang tutulan ang panukalang sisira sa munting simbahan at pamayanan sa halip ay ipanawagan ang pagpapatatag sa mga pamilya tungo sa isang maunlad at mapayapang lipunan.