Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong Uri ng Trabaho

SHARE THE TRUTH

 67,766 total views

Green jobs at digital jobs – mga bagong usbong na trabaho para sa Pilipino.

Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan ang negatibong epekto sa kalikasan. Sa Pilipinas, ang pag-usbong ng green jobs ay naglalayong tugunan ang mga isyu sa environmental sustainability at climate change. Handa na ba ang mga Pilipino sa mga trabahong gaya nito?

Ang renewable energy sector, halimbawa, ay nag-aalok ng maraming oportunidad sa mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng solar, wind, at hydroelectric power, hindi lamang natin natutugunan ang pangangailangan sa enerhiya, kundi nababawasan din ang pagdepende sa mga fossil fuels na nakakapinsala sa kapaligiran. Ang mga trabaho sa sector na ito ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga manggagawa na magkaroon ng stable at makabuluhang trabaho habang tumutulong sa pangangalaga ng kalikasan.

Kasabay ng pag-usbong ng green jobs, ang digital jobs ay naging mas popular din sa Pilipinas. Ang digital jobs ay mga trabaho na gumagamit ng teknolohiya at internet. Kabilang dito ang mga trabaho sa information technology, e-commerce, digital marketing, online education, at marami pang iba. Ang paglaganap ng digital jobs ay bunga ng mabilis na pagbabago sa teknolohiya at globalisasyon. Na-maximize na ba ng mga Pilipino ang mga makabagong digital jobs na ito?

Bagama’t maraming oportunidad ang green at digital jobs, may mga hamon din na kailangang harapin. Ang kakulangan sa kaalaman at kasanayan ay isa sa mga pangunahing balakid sa pagkuha ng mga trabahong ito. Upang matugunan ito, mahalaga ang patuloy na edukasyon at pagsasanay para sa mga manggagawa. Ang mga programa ng gobyerno at pribadong sektor na naglalayong magbigay ng skills training at edukasyon ay mahalaga upang matulungan ang mga Pilipino na makasabay sa mga pagbabago sa ekonomiya at mga bagong trabaho na ito.

Isa pang hamon ay ang kakulangan sa imprastruktura, lalo na sa mga rural na lugar. Upang masigurong lahat ng Pilipino ay may access sa mga oportunidad na hatid ng green at digital jobs, mahalagang mapabuti ang internet connectivity at iba pang teknolohikal na imprastraktura sa buong bansa. May access man kasi sa mga rural areas, kapanalig, pero hindi lahat kaya ito, dahil na rin sa presyo at sa liit ng kita. Kaya nga mga tingi-tingi na data lamang ang hawak ng marami nating kababayan. Hindi ito sapat para sa trabaho o kahit raket man lang.  Hirap din kumuha ng mga teknikal at green jobs dahil hindi pa sapat ang mga training at kasanayan na binibigay para  sa mga ganitong trabaho.

Ang pag-usbong ng green at digital jobs sa Pilipinas ay nagbibigay ng maraming oportunidad para sa mga manggagawa at sa buong bansa. Kailangan natin akapin ito para sa sustainable development ng ating bayan. Kailangan natin tumutok sa edukasyon, pagsasanay, at pagpapabuti ng imprastruktura upang ating ma-maximize ang mga bagong oportunidad na ito. Hindi lamang trabaho ang biyaya nito, kundi pati ang pagsulong ng isang mas luntiang at makabagong Pilipinas. Alinsunod ito sa biyaya ng trabaho, na nakasaad sa Gadium et Spes:  When people work, they not only alter things and society, they develop themselves as well. They learn much, they cultivate their resources, they go outside of themselves and beyond themselves… these advances can supply the material for human progress.

Sumainyo ang Katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 23,273 total views

 23,273 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 73,836 total views

 73,836 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 21,472 total views

 21,472 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 79,017 total views

 79,017 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 59,212 total views

 59,212 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 23,274 total views

 23,274 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 73,837 total views

 73,837 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 79,018 total views

 79,018 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 59,213 total views

 59,213 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 44,894 total views

 44,894 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 53,575 total views

 53,575 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 68,337 total views

 68,337 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 75,452 total views

 75,452 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 49,582 total views

 49,582 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 49,354 total views

 49,354 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 49,055 total views

 49,055 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 41,389 total views

 41,389 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 80,969 total views

 80,969 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 88,523 total views

 88,523 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 84,406 total views

 84,406 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top