Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bantayan ang PhilHealth

SHARE THE TRUTH

 79,147 total views

Mga Kapanalig, isa sa pinakamabigat na dagok sa isang pamilya ay kapag may isang miyembrong dinapuan ng matinding karamdaman. Mula sa pagsasalalim sa mga medical tests, pagkonsulta sa mga doktor, pagbili ng mga gamot, at pagpapaospital, lahat sa pamilya ay apektado. Bukod sa pag-aalala natin sa maysakit nating kapamilya, balisa rin tayo sa pag-iisip kung paano matutustusan ang mga gastusin.

Napakamahal talagang magkasakit sa Pilipinas, biro nga ng marami. 

Pero hindi ito magandang biro, lalo na kung narinig ninyo ang balita tungkol sa pagbibigay ng Philippine Health Insurance Corporation (o mas kilala bilang PhilHealth) ng tinatawag na excess fund nito sa kaban ng bayan o national treasury. Nagkakahalaga ito ng halos 90 bilyong piso! May sobra palang pondo ang PhilHealth! 

Paliwanag ng DOH, hindi naman daw ito nanggaling sa kontribusyon ng mga miyembro. (Kung kayo po ay empleyado, nasa 5% ng inyong buwanang suweldo, mula sa dating 4%, ang hulog ninyo sa PhilHealth.) Ang excess fund ng PhilHealth ay mula raw sa hindi nagamit na subsidy o pondong inilalaan ng gobyerno para sa mga kababayan nating walang kakayahang magbayad ng kanilang kontribusyon, katulad ng kapos sa buhay, senior citizens, at PWD. Sa dami ng mga nangangailangan—pumunta lamang po kayo sa mga pampublikong ospital para makita ang napakahabang pila ng mga pasyente—paanong nagkaroon ng ganitong kalaking excess fund ang PhilHealth?

Sa ilalim ng Universal Health Care Act, malinaw na sinasabing ang anumang sobrang pondo ng PhilHealth ay dapat gamitin sa dalawang bagay: una, sa pagpapalawak ng mga benepisyo para sa mga miyembro nito, at pangalawa, sa pagbabawas sa regular na kontribusyon ng mga miyembro. Kung tapat tayo sa diwa ng universal health care, hindi na dapat mabigat sa bulsa ang pagpapagamot gaya ng mga nagpapa-dialysis o nangangailangan ng operasyon. Kahit nga ang pagpapakonsulta sa mga doktor at iba pang proseso para maagapan ang pagkakasakit ay dapat na sagot ng PhilHealth. Pero hindi ito ang tunay na nangyayari.

Wala ring nakasaad sa Universal Health Care Act na pwedeng kunin ng national treasury ang excess fund ng PhilHealth kahit pa isa itong government-owned and -controlled corporation (o GOCC). Pero iniutos pa rin ng Department of Finance na mag-ambag ang PhilHealth ng 90 bilyong piso sa kaban ng bayan. Nasa 20 bilyong piso na ang naipasok ng PhilHealth ngayong taon. May 70 bilyong piso pa. 

Ang mas mahalaga, dapat nating bantayan kung saan gagamitin ang excess funds na ipinapapasok ng DOF sa kaban ng bayan. Sa utos na inilabas nito, sinabi roong gagamitin ang pondo para tustusan ang mga “unprogrammed appropriations” sa 2024 General Appropriations Act o ang batas na naglalaan ng budget para sa mga programa at proyekto ng gobyerno. Kapag sinabing “unprogrammed” ang isang programa o proyekto, wala ito sa ipinasàng budget, hindi planado, at, hinala ng marami, isiningit ng mga mambabatas para sa kani-kanilang constituents. Naku po, eleksyon pa naman!

Hindi naman natin sinasabing may katiwaliang nagaganap o magaganap sa paglilipat ng excess funds ng PhilHealth sa national treasury. Pero hindi natin maiiwasang magtaka kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan ng DOF na magpasok ng pera ang PhilHealth kahit pa salungat ito sa batas at hindi epektibong natutugunan ng ahensya ang pangangailangan ng mga miyembro nito. 

Mga Kapanalig, sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ipinaaalalang tungkulin ng gobyerno ang kabutihang panlahat o common good. Kasama rito ang pagbibigay ng tulong sa mga mahihina at dukha—isang mandato ng mga ahensyang katulad ng PhilHealth. Ang mga nasa gobyerno ay, gaya ng ipinahihiwatig sa Roma 13:4, mga lingkod para sa ikabubuti [natin]. Pakatandaan sana ito ng lahat sa ating pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 38,699 total views

 38,699 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 49,774 total views

 49,774 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 56,107 total views

 56,107 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 60,721 total views

 60,721 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 62,282 total views

 62,282 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 38,700 total views

 38,700 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 49,775 total views

 49,775 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 56,108 total views

 56,108 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 60,722 total views

 60,722 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 62,283 total views

 62,283 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,520 total views

 43,520 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,182 total views

 66,182 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,758 total views

 71,758 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,239 total views

 77,239 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,352 total views

 88,352 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,351 total views

 84,351 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,053 total views

 72,053 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,535 total views

 80,535 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,594 total views

 73,594 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,518 total views

 80,518 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top