Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bulag-bulagan, bingi-bingihan?

SHARE THE TRUTH

 73,914 total views

Mga Kapanalig, bilang tugon sa mga illegal offshore gaming operators, bumuo ang ating pamahalaan ng isang task force sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government (o DILG). 

‘Di ba parang “too late the hero” na tayo rito?

Dalawang araw bago ang SONA, pinulong ni DILG Secretary Benhur Abalos sa magkakahiwalay na okasyon ang mga kinatawan ng law enforcement agencies (sa pangunguna ng Philippine National Police o PNP) at opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, Central Luzon, Southern Tagalog, Ilocos Region, at Cagayan Valley. Sa mga lugar na ito talamak ang mga pasilidad ng Philippine Offshore Gaming Operators (o POGO). 

Matagal na ring laman ng balita ang mga POGO dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa mga iligal na gawain katulad ng online scam, human trafficking, torture, at pati raw paniniktik sa gobyerno at mga pagpatay. Malayo ito sa sinabi noon ni Pangulong Duterte, na siyang nag-endorso ng pagpapapasok sa mga negosyong ito sa ating bansa, na “malinis” ang POGO. 

Tila mga kabuteng nagsulputan ang mga POGO, kaya’t nakapagtatakang may mga opisyal ng lokal na pamahalaan (o mga LGU) na parang gulát na gulát sa pagkakatuklas na may POGO sa nasasakupan nilang lugar. Sa Pampanga nga, may natuklasan pang exclusive resort kung saan umano nakatira ang mga incorporators at “big bosses” ng mga POGO. 

Hindi ba alam ng mga LGU officials na ito ang pagkuha ng business permit ng mga POGO facilities—kung kumuha man sila? Hindi ba nila nadadaanan ang mga naglalakihang gusali sa gitna ng malalawak na palayan? Hindi ba nila nakadaupang-palad ang mga negosyanteng nagpapasok ng pera sa kanilang kaban—kung nagbabayad nga sila ng tamang buwis?

Malinaw din sa batas, may kapangyarihan ang mga LGU na inspeksyunin ang mga negosyo sa kanilang nasasakupan. Kung mapatutunayang may paglabag sa batas ang mga ito, kapangyarihan din ng LGU na suspendihin ang operasyon ng mga negosyong ito at bawiin ang permits na ibinigay sa kanila. 

Kung hindi pa nagsagawa ng raid ang ating awtoridad sa mga pasilidad na ito—kasunod na rin ng mga isinagawang pagdinig sa Senado—hindi malalaman ng publiko ang mga kahindik-hindik na nagaganap na mga POGO. Makita rin sana natin sa isyu ng POGO ang kapalpakan ng ating mga LGU na ihinto ang mga ililgal na gawain sa mga POGO. Ang mga krimen ay “right under their noses,” ‘ika nga sa Ingles. Kaya hindi maiwasang magtanong ang ilan sa atin kung nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ba ang nasa mga LGU? Kung hindi kasi, paanong nakalusot sa kanila ang mga nangyayari sa POGO, lalo na ang pambibiktima at pangmamaltrato sa mga nagtatrabaho sa mga ito?

Sa lente ng mga panlipunang turo ng Simbahan, ang mga lokal na pamahalaan ang pangunahing nagsasabuhay ng prinsipyong tinatawag na subsidiarity. Tumutukoy ang subsidiarity sa pagkilala sa kakayahan at kakayanan ng maliliit na institusyon o mga institusyong mas malapit sa mga tao gaya nga ng mga LGU. Tulong at hindi kontrol ang kailangang ibigay sa kanila ng malalaking institusyon gaya ng pambansang pamahalaan. Sa isyu ng POGO, taliwas sa prinsipyo ng subsidiarity ang tila paghuhugas-kamay ng mga LGU. 

Mga Kapanalig, kahit pa banned na ang mga POGO, ayon kay PBBM, dapat ding panagutin ang mga LGU na nagsilbing instrumento sa pagpapatuloy ng operasyon ng mga ito. Kung ginawa nila ang kanilang trabahong alamin kung may nilalabag na batas ang mga negosyo sa kanilang lugar, hindi tayo hahantong sa sitwasyong ito. Idaan din sila sa proseso ng pagtatapat ng kanilang mga kasalanan, gaya ng ipinahihiwatig sa Santiago 5:16. At muli, sa darating na eleksyon, maging mapanuri tayo sa mga mamumuno ng ating mga LGU.

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 33,263 total views

 33,263 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,919 total views

 47,919 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 58,034 total views

 58,034 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 67,611 total views

 67,611 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,600 total views

 87,600 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 33,264 total views

 33,264 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,182 total views

 3,182 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,920 total views

 47,920 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 58,035 total views

 58,035 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 67,612 total views

 67,612 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,601 total views

 87,601 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,910 total views

 48,910 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,935 total views

 43,935 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,504 total views

 47,504 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,959 total views

 59,959 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,026 total views

 71,026 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,345 total views

 77,345 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,955 total views

 81,955 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,515 total views

 83,515 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,076 total views

 49,076 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top