7,959 total views
Tiniyak ni Father Jayson Laguerta – Director ng Philippine Conference on New Evangelization na sama-sama ang simbahan ng Pilipinas tungo sa nag-iisang hangarin ng Synod on Synodality.
Patunay nito ang idinaos na Parish Priests for the Synod: A National Meeting of Parish Priests sa Manila Prince Hotel.
Ayon sa Pari, pagpapakita ito ng patuloy pagtugon sa panawagan ng Santo Papa na gamitin ang Sinodo upang sama-samang maglakbay ang nag-iisang simbahan.
Pagpapatibay din ito sa mga Pari na nagsisilbing pastol ng simbahan upang magabayan ang mga mananampalataya at mapalalim ang kaniklang pagkilatis sa kalooban ng Diyos, kay Hesuskristo at Espiritu Santo.
“So tinipon natin ang mga kaparian ang mga kura-paroko mula sa iba’t-ibang parokya sa Pilipinas para pag-usapan ang una, yung mission ng simbahan patungo sa pagpapanibago at sama-samang pagkilos at paglalakbay at yung mga kura-paroko din ay inaanyayahan na maging mas bukas sa mga layko sa kanilang pamumuno ay mas maging participatory and shared leadership, so yun po yung dahilan kung bakit tayo nag titipon ngayon to include the parish priest and the conversation toward a missionary synodal church,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Laguerta.
Paanyaya ng Pari sa mga mananampalataya at mga Pastol ng Simbahan ang patuloy na pagsasabuhay ng Synod on Synodality.
Ito ay upang mapatibay ang pundasyon ng simbahan at higit na mapalaganap ang pananampalataya.
“Ang panawagan naman ay hindi nanggagaling sa isang tao, ang panawagan ay galing sa Espiritu Santo, galing sa Dyos mismo na tumawag sa atin para maglakbay ng sama-sama patungo sa kaganapan ng kaharian ng Diyos kaya yun ang paanyaya sa lahat ng mga binyagang krystiano na maglakbay tayo bilang sambayanan ng Diyos sa kaganapan ng buhay,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Laguerta.
Ang gawain ay pinagnasiwaan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Clergy at Episcopal Commission on Evangelization and Catechesis at Philippine Conference on New Evangelization.
Sa tala, umabot sa hanggang 200-Pari mula sa magkakaibang Diyosesis ang nakiisa sa idinaos na pagtitipon.
Ang Synod on Synodality ay inisyatibo ng Kaniyang Kabanalang Francisco na sama samang paglalakbay ng simbahan tungo sa nag-iisang hangarin at misyon.