5,451 total views
Ikinagalak ng Samahang Manibela Mananakay at Nagka-isang Terminal ng Transportasyon o MANIBELA at iba pang transport group ang pakikiisa ng mga senador sa sektor ng jeepney drivers at operators.
Tinukoy ng grupo ang Senate resolutions 1096 ni Senator Raffy Tulfo na nilagdaan ng 22-Senador para suspendihin ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
“Pirmado ng 22 senador ang resolusyon para suspendihin ang Public Transport Modernization Program. Isa ito sa maraming bunga ng mahaba at matagal nang pakikipaglaban ng PISTON at ng masang tsuper at operator para sa pagbabasura ng huwad at palpak na programa ng negosyong modernisasyon, ngunit hindi pa tapos ang laban. Kailangang kalampagin natin ang rehimeng Marcos Jr. upang tuluyan nang mabasura ang programa, at masingil sa pinsalang naidulot nito sa kabuhayan ng mga tsuper at operator,” mensahe ng MANIBELA.
Nanawagan ang grupo sa mga kasamahang nagpasa at inasikaso ang kanilang mga franchise na i-withdraw ang mga isinumiteng dokumento upang maibalik ng pamahalaan ang 5-taong jeepney franchise.
Noong April 30,2024 ang deadline ng pagpapatala ng mga franchise sa Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Unang nakiisa ang Church People Workers Solidarity sa sektor ng mga traditional jeepney drivers at operators