12,155 total views
Inirekomenda ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging tagapangasiwa ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA si Negros Occidental Representative Jose Francisco Benitez at Father Onofre Inocencio, Jr. SDB, pangulo ng Unified Technical and Vocational Education and Training of the Philippines (UniTVET)
Sa liham na ipinadala kay Presidential Executive Secretary Lucas Bersamin, ibinahagi ng COCOPEA ang credentials at malawak na kasanayan ni Benitez at Fr.Inocencio sa pagpapahalaga at pangangasiwa ng TechVoc Sector.
“It is in this light that COCOPEA favorably endorses, for your consideration, Cong. Jose Francisco B. Benitez, and Fr. Onofre G.Inocencio, Jr. SDB for the position of TESDA Director General/Secretary. They have demonstrated exceptional leadership and unwavering dedication to education, especially in technical and vocational skills development, making them highly suitable candidates for the position,” ayon sa mensaheng ipinadala ng COCOPEA sa Radio Veritas.
Inihayag ng COCOPEA na sa pamamagitan ng credentials sa education sector ni Fr.Inocencio katulad ng pagiging dating board member ng TESDA at kasalukuyang Presidente ng Don Bosco Technical College Mandaluyong ay tiyak na maisusulong ang kapakanan at higit na pagpapabuti sa TechVoc.
Inihayag naman ng institusyon na ipinamalas naman ni Benitez bilang mambabatas ang pagpapahalaga sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa pagssusulong ng mga batas tulad ng Republic Act No. 11648 o ‘Act Providing for Stronger Protection Against Rape and Sexual Exploitation and Abuse’ at Republic Act No. 11899 o ‘Second Congressional Commission on Education. (EDCOM II) Act’ na pinatitibay ang pagpapabuti sa sektor ng edukasyon.
“We humbly trust that your esteemed office will consider this endorsement favorably. Should your honor have any clarificatory concern or question, we are always available for conversation with you on the matter,” ayon sa mensaheng ipinadala ng COCOPEA sa Radio Veritas.
Ang COCOPEA ay ang kalipunan ng limang national educational association ng UniTVET, Philippine Association of Colleges and Universities (PACU), Association of Christian nSchools, Colleges, and Universities (ACSCU), at Philippine Association of Private Schools, Colleges, and Universities (PAPSCU) na ngayon ay pinapamunuan ng Catholic Educational Associations of the Philippines.
Ang mensahe ng institusyon ay kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni TESDA Chief Suharto Mangudadatu simula ika-31 ng Hulyo.