Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 33,008 total views

18th Sunday of Ordinary Time Cycle B
St. John Maria Vianney Sunday
Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35

Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus. Tumawid pa sila ng dagat ng Galilea at natagpuan nila si Jesus sa lunsod ng Capernaum. Pero bakit nila hinahanap si Jesus? Binisto sila ni Jesus. “Hinahanap ninyo ako dahil sa nabusog kayo kahapon, ano? At hindi dahil sa nakasaksi kayo ng tanda.” Pinakain ni Jesus ang higit na limampung libong tao ng dalawang isda at limang tinapay at nabusog silang lahat. Ang milagrong ito ay isa sanang tanda na si Jesus ang pinadala ng Ama. Pero hindi nila pinansin ang kahulugan ng tandang ito. Hinanap nila siya kasi nabusog lang sila. Kaya sinabi ni Jesus na huwag kayong maghanap ng pagkain na kahapon busog kayo at ngayon ay gutom na naman kayo. Ang hanapin ninyo ay ang pagkain na pinadala ng Diyos, pagkain na magdadala sa inyo sa buhay na walang hanggan. Ang pagkabusog nila ay tanda lamang ng mas mahalagang pagkain na ibibigay sa kanila.

Ngayon nagbago na ang usapan. Hindi na lang pagkain na para lang sa tiyan ang tinutukoy. Mas mahalaga kaysa pagkabusog ay ang kalooban ng Diyos. Ano ba ang kalooban ng Diyos? Maliwanag na sinabi ni Jesus na ang kalooban ng Diyos ay tanggapin nila ang ipinadadala ng Diyos. Alam ng mga tao na ang tinutukoy niya ay siya mismo. Siya, si Jesus, ay ang ipinadala ng Diyos. Kaya ang tanong nila: “Paano namin malalaman na ikaw nga ang pinadala ng Diyos. Alam namin na si Moises ay pinadala ng Diyos. Binigyan niya ang aming mga ninuno ng pagkain mula sa langit.
Pinapaalaala sa atin sa unang pagbasa ang nangyari sa disyerto noong ang mga Israelita ay naglalakbay sa disyerto. Dumating sa punto na wala na silang makain sa ilang. Nagreklamo sila kay Moises at kay Aaron na mamamatay sila ng gutom sa disyerto. Mabuti pang pinabayaan na lang sila sa Egipto. Kahit na sana alipin sila pero hindi naman sila mamamatay sa gutom. Pinaabot ni Moises ang kanilang reklamo sa Diyos at pinadalhan sila ng pugo na naging pagkain nila sa loob ng isang buwan at ng tinapay na hindi nila alam na naging pagkain nila sa loob ng apatnapung taon ng kanilang paglalakbay. Hindi nila alam kung ano ang pagkaing ito kaya tinawag nila ito na “Manna,” sa Salitang “Manhu” na ang ibig sabihin ay “ano ito?”

Sabi ni Jesus sa mga tao sa Capernaum: “Hindi naman talaga si Moises ang nagbigay sa mga ninuno ninyo ng Manna, ang pagkain na mula sa langit. Ang pagkaing iyon ay binigay ng Diyos Ama, at ngayon may pagkain uli na galing sa Diyos Ama sa langit. Ang kakain nito ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ang mga ninuno ninyo na kumain ng manna ay lahat namatay sa disyerto.” Pero ang pagkaing ibibigay ni Jesus ay magbibigay buhay sa sanlibutan at hindi na sila mamamatay.

Ang galing ng pagkaing ito, kaya nagkaisa silang lahat na nagsabi: “Bigyan ninyo kami palagi ng pagkaing ito!” At napakaganda ng sagot ni Jesus: “Ako ang pagkain ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na mamamatay at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw.”

Sana po lumalapit tayo kayo Jesus, hindi lang dahil sa material na mga bagay na ating inaasahan sa kanya. Hindi lang trabaho, o kalusugan, o pagkapasa sa pag-aaaral, o kaaliwan sa buhay ang maibibigay ni Jesus. Lumapalit tayo sa Diyos para sa buhay na walang hanggan. Hinahangad ba natin ito? Mga kapatid, ang buhay dito sa mundo ay pansamantala lamang. Hindi ito tatagal. Gusto ng Diyos na ibigay sa atin ang talagang mahalaga, ang buhay na hindi magtatapos. Gusto niyang ibigay sa atin ang pagkain na magdadala sa atin sa ganitong buhay. Si Jesus ang daan, ang buhay at ang katotohanan. Sa kanya tayo makakatagpo ng katotohanan. Siya ang daan patungo sa tunay na buhay. Tanggapin natin siya ng buong tiwala.

Oo, lumapit tayo kay Jesus. Magandang baitang na ito, pero lumapit tayo sa kanya sa wastong dahilan. Hanap-hanapin natin siya at may ibibigay siya sa atin na tunay na mahalaga na hindi na mawawala sa atin.

Lumalapit tayo kay Jesus kung tayo ay nakikinig sa kanyang salita sa Banal na Kasulatan at sa katuruan ng simbahan. Lumalapit tayo sa kanya kung nakikiisa tayo sa simbahan. Ang simbahan ay ang katawan ni Kristo. Sa ating pakikiisa at paglilingkod sa simbahan nagiging malapit tayo kay Jesus. Lumalapit tayo kay Jesus sa ating pagtanggap sa mga mahihirap at nangangailangan. Ang ginagawa natin sa kanila ay ginagawa natin kay Jesus. Lumalapit tayo kay Jesus kapag tumatanggap tayo ng mga sakramento. Ang mga sakramento – kumpil, kumpisal, kasal ay pakikipagtagpo kay Jesus, lalo na ang pagtanggap ng Banal na Komunyon sa Misa. Dito siya nagiging pagkain na nagbibigay buhay.

Natatangap natin si Jesus sa Banal na Misa dahil sa mga pari na nagmimisa sa atin, lalo na ang mga parish priest na sila ang nangangalaga ng ating kaluluwa. Ngayon ay kapistahan ni St. John Maria Vianney, ang patron ng mga parish priests. Ipagdasal natin ang mga Kura Paroko natin na maging banal at tapat sila sa kanilang panunungkulan na dalhin tayo kay Jesus. May second collection tayo ngayon para po sa patuloy na paghuhubog sa mga kaparian at matugunan din ang kanilang pangangailangan lalo na ang kanilang kalusugan.

Mahalaga ang gampanin ng mga pari sa atin. Inaalay nila ang kanilang buhay upang ang pangako ni Jesus na buhay na walang hanggan ay mapasaatin. Ipagdasal natin na sila ay maging tapat sa magandang tungkuling ito. Pero huwag natin silang ikonsente sa kanilang kahinaan o pagkakamali. I-challenge natin sila na maging tunay silang larawan ni Kristo. Sa ganitong paraan lamang magiging mabisa sila sa kanilang gawain sa ubasan ng Panginoon. Ang aming layunin sa buhay ay sana masabi namin ang sinabi ni San Pablo: “Hindi na ako ang nabubuhay kundi si Kristo na ang nabubuhay sa akin.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Agri transformation

 25,453 total views

 25,453 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 36,499 total views

 36,499 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »

Political Mudslinging

 41,299 total views

 41,299 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »

Buksan ang ating puso

 46,773 total views

 46,773 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 52,234 total views

 52,234 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 7,338 total views

 7,338 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 8,435 total views

 8,435 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 14,040 total views

 14,040 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 11,510 total views

 11,510 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 13,558 total views

 13,558 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 14,886 total views

 14,886 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 19,132 total views

 19,132 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 19,560 total views

 19,560 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 20,620 total views

 20,620 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 21,930 total views

 21,930 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 24,659 total views

 24,659 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,845 total views

 25,845 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 27,325 total views

 27,325 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 29,735 total views

 29,735 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 29,121 total views

 29,121 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top