Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Administrasyong Marcos, hinamong itigil na ang militarisasyon sa katutubong pamayanan

SHARE THE TRUTH

 14,573 total views

Nananawagan sa mga kinauukulan ang Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) at Panaghiusa Philippine Network to Uphold Indigenous Peoples’ Rights upang magpatupad ng mga hakbang na makatitiyak sa karapatan at kaligtasan ng mga katutubo sa bansa.

Sa pinagsamang pahayag ng LRC at Panaghiusa, iminumungkahi nito sa pamahalaan na tutukan ang pagtataguyod sa karapatan ng mga katutubo para sa tunay na free, prior, and informed consent (FPIC) at tugunan ang iba’t ibang suliranin patungkol sa mga katutubong lupain.

Kabilang rito ang mga proyektong tulad ng Didipio Copper-Gold Project ng Oceanagold sa Nueva Vizcaya; Tampakan Copper-Gold Project sa South Cotabato ng Mindanao Sagittarius Mines, Inc. (SMI); Ipilan Nickel Project sa Palawan; at Kaliwa-Kanan Dam Projects sa Rizal at Quezon.

Ang panawagan ng dalawang grupo ay kasabay ng pagdiriwang sa National Indigenous Peoples’ Day at International Day of the World’s Indigenous Peoples nitong August 9.

“Destructive corporate and government projects on mining, dams, energy, infrastructure, agribusiness, and other conflicting land uses encroached into ancestral domains while circumventing or manipulating FPIC and other public consultation and participation processes,” pahayag ng LRC at Panaghiusa.

Hinihiling din ng LRC at Panaghiusa ang pagpapahinto sa militarisasyon sa mga katutubong pamayanan, at ang red-tagging at kriminalisasyon sa Indigenous Peoples’ Human Rights Defenders (IPHRDs), at mga tagapagtanggol ng karapatan ng mga katutubo.

Gayundin ang pagpapawalang-bisa sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pamamagitan ng pagbawi sa Executive Order No. 70, at pagsasantabi sa Anti-Terrorism Law.

Iginiit ng dalawang grupo na patuloy na pinaparatangan ng maling akusasyon ang mga katutubo na naglalagay sa kanilang kapahamakan, at isinasantabi na lamang ang mahalagang gampanin ng mga ito sa pangangalaga sa kalikasan sa gitna ng kinakaharap na krisis sa klima.

“Indigenous territories are contested precisely because of the natural wealth they hold, while their contributions to climate adaptation and mitigation are on the other hand ignored,” ayon sa pahayag.

Una nang nanawagan sa pamahalaan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples chairman, Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na dinggin at pagtuunan ng pansin ang hinihiling na kaligtasan at karapatan ng mga katutubo sa bansa.

Oktubre 2015 nang lagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act no. 10689 na nagdedeklara sa Agosto 9 ng bawat taon bilang National Indigenous Peoples’ Day upang higit na isulong ang pangangalaga at pagbibigay-pansin sa karapatan ng mga katutubo sa bansa.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 15,814 total views

 15,814 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 66,377 total views

 66,377 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 14,558 total views

 14,558 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 71,558 total views

 71,558 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 51,753 total views

 51,753 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Diocese of Marbel, nagdeklara ng climate emergency

 512 total views

 512 total views Nagdeklara ng climate emergency ang Diocese of Marbel bilang panawagan laban sa umiiral na suliraning pangkalikasan sa kinasasakupang mga lalawigan sa Soccsksargen Region. Noong ika-15 ng Setyembre 2024, inatasan ni Bishop Cerilo “Alan” Casicas ang mga saklaw na parokya na basahin ang deklarasyon ng climate emergency sa mga Banal na Misa, bunsod ng

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Grand Marian exhibit, isasagawa ng Radio Veritas

 813 total views

 813 total views Muling inaanyayahan ng Radio Veritas 846 ang mga kapanalig sa isasagawang Grand Marian Exhibit katuwang ang Fisher Mall sa Quezon City. Ito ang Mary and the Healing Saints exhibit kung saan itatampok ang nasa 100 imahen ng Mahal na Birheng Maria at mga mapaghimala at nagpapagaling na santo, tulad ng Mahal na Birhen

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan, hinimok ng Obispo na makibahagi sa “one believer,one tree”

 1,750 total views

 1,750 total views Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagtatanim ng mga puno kasabay ng pagdiriwang ng simbahan sa Season of Creation. Ayon kay Bishop Uy, layunin ng “One Believer, One Tree” campaign ng Diyosesis ng Tagbilaran na itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan upang mapanumbalik ang sigla ng mga kagubatan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pamahalaan, hinimok ng MAO na mamuhunan sa malinis na hangin

 6,095 total views

 6,095 total views Hinimok ng Move As One (MAO) Coalition ang pamahalaan na tumugon sa pandaigdigang panawagang mamuhunan sa malinis na hangin. Iginiit ng grupo ang pamumuhunan sa malinis na hangin sa pamamagitan ng pagtataas ng pondo para sa mga low-carbon transport modes upang makinabang ang mamamayan sa mga benepisyong pangkalusugan, pang-ekonomiya, at pangkalikasang dulot ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Illegal quarrying at deforestation, pinuna ni Bishop Santos

 6,121 total views

 6,121 total views Kalakip ng paglikha ng Diyos sa mundo ang dakilang tungkuling pangalagaan, panatilihin, at pagyabungin ang sangnilikha. Ito ang pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat sa bansa na kasabay rin

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

To renew and restore creation, mensahe ng Caritas Bike for Kalikasan

 7,608 total views

 7,608 total views Naghahanda na ang social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa isasagawang 3rd Caritas Bike for Kalikasan sa Cagayan de Oro. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, maituturing na mahalaga ang gawaing ito lalo na sa konteksto ng nagpapatuloy na krisis sa kalikasan. Sinabi

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan ng Bohol, pinakikilos ng Obispo laban sa dengue

 8,600 total views

 8,600 total views Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang pagtutulungan ng mamamayan upang maligtas sa banta ng tumataas na kaso ng dengue sa Bohol. Ang panawagan ni Bishop Uy ay matapos ideklara ang dengue outbreak sa buong lalawigan bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso na umabot na sa higit 450-porsyento mula noong Enero.

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pakikinig at pagkilos para sa kalikasan, hamon ni Cardinal Advincula sa mga Pilipino

 8,799 total views

 8,799 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang banal na Misa sa pagbubukas ng ika-11 taong pagdiriwang ng Season of Creation sa Archdiocese of Manila. Ginanap ito sa St. Francis of Assisi Parish sa Mandaluyong City noong August 31, 2024, isang araw bago ipagdiwang ang World Day of Prayer for the

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Iba’t-ibang social action centers ng simbahan, kaagapay ng mga apektado ng bagyong Enteng

 8,650 total views

 8,650 total views Patuloy na nananawagan ng panalangin ang mga diyosesis sa Bicol Region matapos ang pananalasa ng Bagyong Enteng at Habagat. Sa situational report ng Caceres Archdiocesan Social Action Center o Caritas Caceres, umabot sa 254 pamilya o halos 2,700 indibdiwal mula sa 47 barangay ng 13 bayan at dalawang lungsod ng Camarines Sur ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ika-11 Season of Creation, bubuksan ng Archdiocese of Manila

 10,206 total views

 10,206 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila Ministry on Integral Ecology ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagbubukas sa ika-11 Season of Creation sa arkidiyosesis. Magaganap ito sa August 31, 2024 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa Lourdes School of Mandaluyong sa Mandaluyong City. Mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

400 energy experts, magbabagi ng kaalaman sa 3rd Clean Energy Philippines Expo 2024

 10,550 total views

 10,550 total views Magtitipon ang nasa 400 mga opisyal at dalubhasa mula sa energy companies sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo upang muling talakayin ang mga pag-unlad at iba pang usapin hinggil sa pagnanais na magkaroon ng malinis na enerhiya. Ito ang 3rd Clean Energy Philippines Conference | Expo 2024 na gaganapin sa September

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

DILG, nanindigang walang nilalabag ang PNP sa pagsisilbi ng arrest warrant kay Quiboloy

 11,311 total views

 11,311 total views Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang karapatang-pantao ang nalalabag sa kabila ng operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City. Ang pahayag ng DILG ay kaugnay sa inilabas na Temporary Protection Order (TPO) ng Davao City Regional Trial Court

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mamamayan, inaanyayahan sa “Ecumenical Walk for Creation”

 11,636 total views

 11,636 total views Muling inaanyayahan ng Laudato Si’ Movement Pilipinas (LSMP) ang lahat ng Kristiyanong mananampalataya na makibahagi sa Ecumenical Walk for Creation 2024 bilang bahagi ng pagdiriwang sa Season of Creation. Gaganapin ito sa September 2, mula 4:00 hanggang alas-6:30 ng umaga sa St. Andrew’s Theological Seminary sa Quezon City. Layunin ng gawaing ipalaganap ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinimok na makiisa sa “Season of Creations”

 14,363 total views

 14,363 total views Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na palalimin ang kamalayan at ugnayan sa sangnilikha ng Diyos sa pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon. Sa mensahe ni CBCP president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, hinikayat ng obispo ang lahat na makibahagi sa pagdiriwang, sama-samang manalangin at kumilos upang tugunan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinamong kumilos para sa kalikasan

 14,934 total views

 14,934 total views Nananawagan ang Caritas Philippines sa mamamayan sa agarang pagkilos at pagkakaisa kasabay ng pagdiriwang sa 2024 Season of Creation. Ayon sa social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, bilang mga katiwala ng sangnilikha, tungkulin ng bawat isang kumilos para sa kapakanan ng mga lubhang apektado ng pagkasira ng kalikasan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top