Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

International Youth Day 2024

SHARE THE TRUTH

 116,214 total views

Mga Kapanalig, ngayon ay International Youth Day o ang Pandaigdigang Araw ng Kabataan. (Iba po ito sa World Youth Day ng ating Simbahan.) Kasabay nito, itinakda ng Republic Act No. 10742 o Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 ang buong linggong ito bilang Linggo ng Kabataan. Layunin ng mga pagdiriwang na itong kilalanin at bigyang-diin ang mahalagang papel ng kabataan sa ating lipunan, lalo na sa pamamahala at pagsusulong ng kaunlaran. 

Sa taóng ito, ang tema ng International Youth Day ay “From Clicks to Progress: Youth Digital Pathways for Sustainable Development”. Sa modernong panahon kasi natin ngayon, dapat kilalanin ang malaking kontribusyon ng kabataan sa digitalization o ang sistematikong paggamit ng computers, internet, at iba pang digital technology para makamit ang pangmatagalan at ganap na kaunlaran. Mahalaga ang digital technology sa pagkamit natin ng Sustainable Development Goals (o SDGs). Ayon sa United Nations, ang digital technology ay nakatutulong sa pagkamit ng hindi bababa sa 70% ng 169 SDG targets. Maaari din daw mapababa ng digitalization at mga kaugnay na teknolohiya nito ang mga gastusin natin para maaabot ang SDG targets natin nang halos 55 trilyong dolyar. Sa madaling sabi, kung magagamit nating maigi at nang responsable ang digitalization, mas mapadadali ang pagsusulong ng kaunlaran. 

Siyempre, nangunguna sa digitalization ang kabataan na tinaguriang mga “digital natives”. Sa datos noong 2022, mayorya o halos 75% ng kabataan edad 15 hanggang 24 sa buong mundo ay gumagamit ng internet. Isinilang sila sa panahong nakukuha at nalalaman agad ang mga impormasyon sa pamamagitan lamang ng isang click. Mahabang oras din ang ginugugol online. Dahil dito, kabataan ang pinaka-strategic na puwersang maaaring magsulong ng kaunlaran sa pamamagitan ng digitalization

Gayunpaman, maraming hamon upang magampanan ng kabataan ang mahalagang papel na ito. Nariyan ang hindi pagkakapantay-pantay pagdating sa access sa mga gadgets at internet, lalo na sa mahihirap na bansa kung saan kakaunti sa mga kabataan ang may access sa mga ito. Umiigting pa ang hindi pagkakapantay-pantay pagdating sa kasarian—sa ilang bansa, mas maraming kabataang babae ang walang access sa gadgets at internet. Dagdag pa rito ang mga panganib na dala ng hindi responsableng paggamit ng teknolohiya katulad ng pagkalat ng fake news, online child abuse, at human trafficking

Naniniwala si Pope Francis na ang internet ay biyaya mula sa Diyos. Sa isang banda, paliwanag niya, nagbibigay ito ng maraming oportunidad para makipagkapwa at makipagkaisa. Sa kabila ng banda naman, maaari din itong maging hadlang sa isang tunay na pakikipag-ugnayan dahil sa pagkakanya-kanya at pagkakaiwan ng ilang sektor, lalo na ng mga walang access sa teknolohiya. 

Kaya hamon sa ating mga mananampalatayang siguruhing ginagamit ang internet at digitalization bilang mga instrumento sa pakikipagkaisa o solidarity, isang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Simbahan, at sa pagsusulong ng kaunlaran. Binibigyang-diin ito ng Catholic social teaching na Populorum Progressio: “the reality of human solidarity brings us not only benefits but also obligations.” Lahat tayo ay tinatawag na makibahagi sa kaunlaran at isulong ito nang magkakasama.

Ngayong International Youth Day, kinikilala natin ang lakas ng kabataan sa pakikibahagi nila sa kaunlaran. Dapat silang bigyan ng espasyo para makilahok, ng sapat na access sa gadget at mabilis na internet, at ng proteksyon mula sa fake news at iba pang krimeng kaugnay ng digitalization. Sama-samang tungkulin ang mga ito ng pamahalaan, paaralan, media, mga magulang, at maging ng Simbahan. 

Mga Kapanalig, ipinaalala ni Apostol San Pablo sa 1 Timoteo 4:12: “Huwag mong hayaang hamakin ka ng sinuman dahil sa iyong kabataan.” Nawa’y maipagkaloob natin sa kabataan ang ating suporta sa kanilang pagiging mga tagapagsulong ng kaunlaran sa modernong panahon. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 14,730 total views

 14,730 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 65,293 total views

 65,293 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 13,555 total views

 13,555 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 70,474 total views

 70,474 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 50,669 total views

 50,669 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 14,731 total views

 14,731 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 65,294 total views

 65,294 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 70,475 total views

 70,475 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 50,670 total views

 50,670 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 44,127 total views

 44,127 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 52,808 total views

 52,808 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 67,570 total views

 67,570 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 74,685 total views

 74,685 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 48,815 total views

 48,815 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 48,587 total views

 48,587 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 48,288 total views

 48,288 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 40,622 total views

 40,622 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 80,202 total views

 80,202 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 87,756 total views

 87,756 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 83,639 total views

 83,639 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top