175 total views
Magiging palpak ang paglaban ng pamahalaan sa illegal drugs hanggang hindi nalilinis sa scalawag cops sa hanay ng Philippine National Police.
Iginiit ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos na dapat maparusahan ang mga pulis na sangkot sa iligal na gawain at sa mga extra-judicial killing sa bansa.
“It is commendable that they clean and police their ranks, prosecute and punish the guilty.”pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Tinitiyak naman ng Obispo na magiging kapaki-pakinabang na nagkakaisang nagta-trabaho at nagkakaunawaan ang estado at simbahan sa halip na maging kritikal sa bawat isa.
“The church and government can work together, cooperate and collaborate, not being critical to one another.”
Inihalimbawa ng Obispo ang ugnayan at pagtutulungan ng Diocese sa local government sa pamamagitan ng kanilang pagsasagawa ng banal na misa sa provincial jail at maging sa headquarters ng PNP Bataan.
Nagbibigay din ang Diocese ng Balanga ng spiritual guidance sa mga rehabilitation centers ng lokal na pamahalaan.
“Here in our Diocese we have every 1pm Sunday Holy Mass at the provincial jail, every 1st Monday holy mass at provincial PNP camp and we attend to the spiritual needs of those at drug rehabilitation centers here in the towns of Pilar and Dinalupihan.”pahayag ng Obispo.
Unang hinamon ng Malakanyang ang CBCP na magbigay ng mga mungkahi sa pamahalaan upang masolusyunan ang mga reported extra-judicial killing cases bago husgahan ang kampanya laban sa illegal na droga.
Sa datos ng Philippine National Police au umaabot na sa 7,080 ang napatay sa war on drugs ng pamahalaan.