14,890 total views
Inaanyayahan ng opisyal ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy sa Oktubre, 2024.
Ayon kay WACOM Asia Director, Antipolo Bishop Ruperto Santos, nawa’y gamiting pagkakataon ng mananampalataya ang nasabing pagtitipon upang higit na maunawaan at madama ang diwa ng habag at awa ng Panginoon lalo na sa kasalukuyang panahon na maraming hamon ang kinakaharap ng daigdig.
“Our dearest kapanalig as we are preparing for this grace-filled event the 5th Asian Apostolic Congress on Mercy which will be hosted by the Archdiocese of Cebu this October 14-19, we are so happy to invite you all and we will be honoured by your gracious presence and active participation,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Ibinahagi ni 5th AACOM secretary-general Fr. Mhar Vincent Balili na ilan sa mga magbibigay ng panayam sa anim na araw na pagtitipon sa temang ‘Divine Mercy: Pilgrimage of Hope in Asia’ sina Malolos Bishop Dennis Villarojo, San Jose de Antique Bishop Marvyn Maceda, Fr. Chris Alar, MIC, Fr. Patrice Chocholski, Fr. Kazimierz Chwalek, at maging si dating Supreme Court Justice Hilario Davide.
Bubuksan ang gawain sa alas kuwatro ng hapon ng October 14 sa isang Banal na Misa sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown at magtatapos sa isang foot procession sa alas tres ng madaling araw ng October 19 mula sa harapan ng Cebu Provincial capitol na susundan ng closing mass sa alas sais ng umaga sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu.
“It will surely be moments of mercy and immense blessings to all of us. Right now, let us think of mercy, speak of mercy and perform mercy,” ani Bishop Santos.
Sa kasalukuyan humigit kumulang 1, 500 na ang nagpatala sa ikalimang AACOM kabilang na ang 124 na international delegates.
Sa mga nais dumalo at makiisa sa AACOM na gaganapin sa IEC Convention Center sa Cebu City makipag-ugnayan lamang kay Rev. Fr. Andrei Ventanilla +639438494111, Divine Mercy Archdiocese of Cebu Office – 346-5442, Sis Imma Alfon – (0917) 594-3002, Sis Liza Rago – (0915) 905-0575, Kathrina Buletin +639957662168, at Jinnie Pahuriray +639562718128.
Maari ring mag email sa [email protected] o i-click ang registration link https://bit.ly/5thAACOMRegistrationForms o i-scan ang QR code para sa makapagpapatala.