20,268 total views
Nanawagan ang dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng patuloy na pananalangin para sa kapakanan at kabutihan ng bansa.
Ito ay kaugnay na rin sa pagtatapos ng 50-Day Rosary Campaign for Peace, bilang panalangin ng sambayanan sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa West Philippine Sea.
Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, bagamat nagtapos na noong August 15, ang 50-araw na Rosary campaign ay hindi dapat na magtapos ang pagdarasal ng bawat isa para sa pagpapanatili ng kapayaan ng bansa.
“We have come to the final day of our prayer campaign, but we must not stop. I encourage you to keep on praying beyond August 15. Pray without ceasing. Pray every day.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Villegas.
Paliwanag ng Arsobispo, mahalagang patuloy na magkaisa ang bawat Pilipino sa pananalangin at pagsusumamo sa Panginoon na tuwinang gabayan, at pangalagaan ang bansa sa kaguluhang dulot ng inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea.
Dagdag pa ng arsobispo; “Thank you for praying. Thank you for praying the rosary. Thank you for reaching out to the poor with acts of mercy. Thank you for loving one another. Our love for Our Lady is translated by praying for our country, especially for peace. At Fatima, Our Lady promised peace for the world if we pray and do penance.”
Una ng inihayag ng Arsobispo na ang pag-usal ng Santo Rosaryo ay isang paraan upang maipaabot ng bawat Filipino ang pasasalamat, at pagsusumamo sa Panginoon sa pananaig ng katarungan, katotohanan at kapayapaan kaugnay sa soberenya ng Pilipinas.
Nagsimula ang 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa West Philippines Sea noong June 27-kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo at nagtapos ng August 15 kasabay ng Solemnity of the Assumption of the Blessed Virgin Mary.