16,717 total views
Umapela ang opisyal ng Stella Maris Philippines sa mga Overseas Filipino Workers sa Lebanon na sundin ang anumang direktiba ng pamahalaan para sa kanilang kaligtasan.
Ayon kay CBCP Bishop Promoter of Stella Maris Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos kumikilos ang pamahalaan para maging ligtas ang mga OFW sa Lebanon sa kabila ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
“For your safety, please continue to follow the directives from the Philippine government, as they are working tirelessly to ensure your safe passage back to our country. Stay strong and keep faith. Your resilience is an inspiration to us all, and soon, you will be reunited with your families, where you can find peace and security once more,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos.
Hiniling ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga Pilipino na himukin ang kanilang mga kaanak at kaibigan sa Lebanon na umuwi ng Pilipinas habang bukas ang mga paliparan sa naturang bansa.
Nitong August 16 inabisuhan ng Philippine Embassy in Lebanon ang mga OFW na agad lisanin ang bansa dahil sa tumitinding tensyon habang ang mga hindi makiisa sa repatriation program ay lumikas sa mas ligtas na lugar sa labas ng Beirut, South Lebanon, at Bekaa Valley.
Tiniyak ni Bishop Santos sa mga OFW sa Lebanon na kaisa ang buong bansa at ang simbahang katolika sa pananalangin para sa kanilang kaligtasan mula sa anumang kapahamakang maidudulot ng karahasan.
“The entire nation stands with you, praying for your safety and swift return home. Your perseverance and unshakable spirit are a testament to the steadfast. Filipino heart. Each day you face with hope and determination brings you closer to the embrace of your loved ones and the comfort of home,” ani Bishop Santos.
Una nang sinabi ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na libu-libong Filipino migrants ang nagnanais makauwi ng Pilipinas kung saan 356 dito ang repatriated. Sa datos may 11, 000 ang mga Pilipino sa Lebanon kabilang na ang mga undocumented individuals.
Ipinagkatiwala ni Bishop Santos sa Panginoon ang ligtas na pag-uwi ng mga Pilipino sa bansa at sa makainang pagkalinga ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje.