176 total views
Ikinabahala ng Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Mission ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kung walang death penalty ay patayin na lamang ang mga kriminal sa lansangan.
Ayon kay Bishop Arturo Bastes, nakakatakot at nakakaalarma ang mensaheng ipinaparating ng pahayag ng House Speaker.
Iginiit ni Bishop Bastes na nakakatakot ang mindset ng mambabatas na ibinanalik ang bansa sa “barbaric age”.
Kinokondena ng Obispo ang nais ng administrasyong Duterte na balewalain ang mga batas at maging normal na lamang ang pagpatay sa lipunan.
“I have the same fear and concern as yours. The Speaker is reversing the country to barbaric ages! This is a horrible statement from a legislator! There are no more rules! We will be a bunch of mules!”pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas
Paulit-ulit na isinusulong ng Simbahang Katolika ang Restorative Justice para sa mga nakagawa ng krimen at mariing tinututulan ang pagsusulong ng death penalty na magdudulot lamang ng kultura ng kamatayan sa bansa.
Para kay House Speaker Alvarez ay OK ang vigilante killing na kawalan ng paggalang sa due process at batas na umiiral sa bansa.