14,160 total views
Hinimok ng Obispo mula sa Mindanao ang tele-evangelist na si Pastor Apollo Quiboloy-pinuno ng Kingdom of Jesus Christ na sumuko at harapin ang kasong isinampa laban sa kaniya.
Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, ito ay para sa kapakanan ng kanyang mga tagasunod at upang matigil na ang karahasan.
Sinabi ng Obispo na mas makabubuting sa hukuman na magpaliwanag at linisin ng pastor ang kaniyang pangalan laban sa mga kasong isinampa laban sa kaniya.
“Pastor Quiboloy must surrender now for the sake of his people and to stop more loss of lives and damages of property. If he is innocent, there is the court. Rule of Law must prevail and must be respected and obeyed,” ayon sa mensahe ng obispo sa Radyo Veritas.
Una na ring nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng pulisya at mga tagasunod ni Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ compound sa Davao City, nang isilbi ng mga pulis ang arrest warrant laban sa pastor.
Bagama’t bigo pa rin ang pulisya na maaresto si Quiboloy, dalawang hinihinalang biktima naman ng human trafficking ang nailigtas ng pulisya at Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula sa loob KOJC compound sa Davao City.
Ang rescue operation ay isinagawa kasabay ng paghahain ng warrant of arrest laban kay Quiboloy at kasamang mga akusado na nahaharap sa kasong child abuse at human trafficking.