Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi ko gustong mamatay ang sinuman, wika ng Panginoon! (Ezekiel 18:32)

SHARE THE TRUTH

 179 total views

Isang liham pahayag ng CBCP

Minamahal na Bayan ng Diyos,

Labis kaming nababahala, kaming inyong mga Obispo, sa maraming namamatay at pinapatay sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot o droga. Totoong malaking problema ang droga. Dapat itong sugpuin at pagtagumpayan. Pero ang lunas ay wala sa pagpatay ng mga pinaghihinalaang gumagamit o nagtutulak ng droga. Hindi lang kami nababahala sa mga pinatay. Nakababahala din ang kalagayan ng mga pamilya ng mga nasawi. Mas lalong pinahirapan ang buhay nila. Nakababahala rin ang takot na naghahari sa maraming lugar ng mga mahihirap. Marami ang nasasawi na hindi naman droga ang dahilan. Hindi na napananagot ang mga pumapaslang. Mas lalong nakababahala ang pagiging manhid ng marami sa ganitong katiwalian. Itinuturing na lang na ito ay normal, at ang masama pa ay iniisip ng marami na nararapat lang daw itong gawin.

Nakikiisa kami sa layuning pagbabago na hinahangad ng marami nating mga kababayan. Ngunit ang pagbabago ay dapat gabayan ng katotohanan at katarungan. May mga batayang aral na ating pinaninindigan. Ang mga aral na ito ay nakaugat sa ating pagka-tao, pagka-Pilipino at pagka-Kristiyano:

1. Ang buhay ng bawat tao ay galing sa Diyos. Ito ay kanyang kaloob at Siya lang ang makababawi nito. Kahit ang pamahalaan ay walang karapatan na kumitil ng buhay sapagkat siya ay katiwala lamang ng buhay at hindi ang may-ari nito.

2. Hindi nawawala sa bawat tao ang pagkakataong magbago. Ito ay dahil maawain ang Diyos, katulad ng paulit-ulit na itinuturo ng ating Santo Papa Francisco. Katatapos lamang nating ipagdiwang ang Taon ng Jubileo ng Awa at angWorld Apostolic Congress on Mercy. Ang mga ito ay nagpalalim sa ating kamalayan na ang Panginoong Hesukristo ay nag-alay ng sariling buhay para sa mga makasalanan upang sila ay tubusin at bigyan ng kinabukasan.

3. Ang pagsira ng sariling buhay at ng buhay ng iba ay isang malaking kasalanan at nagdudulot ng kasamaan sa lipunan. Ang paggamit ng droga ay tanda ng pagpapawalang-halaga sa sariling buhay at nagbibigay ng panganib sa buhay ng iba. Dapat pagtulung-tulungan nating lahat na malutas ang problema sa droga at suportahan ang rehabilitasyon ng mga nalulong dito.

4. Ang bawat isa ay may karapatang maturing na walang sala hanggang mapatunayan na siya ay nagkasala. Ang lipunan ay may pamamaraan at proseso upang mahuli, mapatunayan ang kasalanan, at maparusahan ang gumagawa ng krimen. Ang prosesong ito ay dapat sundin, lalo na ng mga alagad ng batas.

5. Ang anumang pagkilos na nakasasama sa iba ay mabigat na kasalanan. Mabigat na kasalanan ang pagtutulak ng droga at mabigat ding kasalanan ang pagpatay. Hindi maitutuwid ang isang masama sa pag-gawa ng isa pang kasamaan. Anumang mabuting layunin ay hindi nagbibigay ng dahilan na gumamit ng masamang paraan. Mabuti ang paglutas sa drug problem ngunit ang pagpatay upang ito ay matamo ay masama.

6. Ang malalim na ugat ng problema ng droga at ng kriminalidad ay ang kahirapan ng nakararaming mga tao, ang pagkasira ng pamilya, at ang korapsyon sa lipunan. Ang nararapat na hakbang na dapat nating gawin ay sugpuin ang kahirapan, lalo na ang pagbibigay ng permanenteng trabaho at sapat na sahod sa mga manggagawa. Palakasin at itaguyod ang pagkakaisa at pagmamahalan ng mga mag-anak. Huwag payagan ang mga batas na lulusaw sa pagkakaisa ng mga pamilya. Dapat ding unahin ang pagtatama at pagtatanggal sa mga tiwaling pulis at korapsyon sa mga hukuman. Ang napakabagal napagsulong ng mga kaso sa hukuman ay isang malaking dahilan ng paglaganap ng kriminalidad at kawawang kalagayan ng mga nasa kulungan. Kadalasan ang mga mahihirap ang nagdurusa sa ganitong sistema.Nananawagan din kami sa mga nahalal na mga politiko na paglingkuran ang pangkalahatang kabutihan ng bayan at hindi ang sariling interes.

7. Ang pagsang-ayon at pagsasawalang-kibo sa kasamaan ay pakikiisa na rito. Kapag pinabayaan natin ang mga nalulong sa droga at nagtutulak nito, tayo ay bahagi na ng drug problem. Kapag sinang-ayunan o pinabayaan natin ang patuloy na pagpatay sa mga itinuturing nalulong sadroga at mga nagtutulak nito, kasama na tayong mananagot sa pagpatay sa kanila.

Tayo sa Simbahan ay magpapatuloy na magsasalita laban sa kasamaan habang kinikilala at pinagsisisihan din natin ang ating mga pagkukulang. Gagawin natin ito kahit na ito ay magdadala ng pag-uusig dahil tayo ay magkakapatid at may pananagutan sa bawat-isa. Tutulong tayo sa mga nalulong sa droga upang sila ay magamot at makapagbagong-buhay. Dadamayan at kakalingain natin ang mga naulila ng mga napatay at ang mga biktima ng mga drug addicts. Pagtitibayin natin ang mga gawain upang patatagin ang mga pamilya.

Pagsusumikapan naming mga namumuno sa Simbahan naisulong at ipagpatuloy pa ang mga programa na makatutulong sa pag-aangat sa kalagayan ng mga mahihirap, tulad ng mga programang pangkabuhayan, edukasyon at pangkalusugan. Higit sa lahat, isasabuhay namin, at nating lahat, ang pagiging tunay na Simbahan ng mga Dukha.

Huwag sanang mamayani sa atin ang takot at pagsasawalang-kibo. Pairalin sana natin hindi lang ang lakas ng loob, kundi ang lakas na dulot ng pananampalatayang Kristiyano. Nangako ang ating Panginoong Jesus: “Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan.” (Juan 16:33) “Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? ….Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo’y magtatagumpay sa pamamagitan niya(ni Cristo) na nagmamahal sa atin.” (Roma 8:35,37) Oo nga, “sapagkat ang Espiritung nasa inyo ay mas makapangyarihan sa espiritung nasa mga makasanlibutan.” (1 Juan 4:4)

Ngayong inaala-ala natin ang ika-Isang Daang Taon ngPagpapakita ng Mahal na Birheng Maria sa Fatima, tumugon tayo sa kanyang panawagan ng panalangin, pagbabalik-loobat penitensiya para sa kapayapaan sa ating mga sambayanan at sa ating bayan na nababalot sa dilim ng bisyo at kamatayan.

Maria, Ina ng Laging Saklolo, ipanalangin mo kami.

Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)
Ika-30 ng Enero, 2017

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 40,059 total views

 40,059 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 51,134 total views

 51,134 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 57,467 total views

 57,467 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 62,081 total views

 62,081 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 63,642 total views

 63,642 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Pastoral Letter
Riza Mendoza

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 19,349 total views

 19,349 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All elections are important. Each vote is the power of the people to choose their leaders. It is the backbone of democracy. The candidates are job applicants for vacant positions. They

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

GOD IS LOVE

 19,262 total views

 19,262 total views Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan: Through social media, you have been sadly exposed to the cursing, threats and shaming by the President of our country. Choose to love him nevertheless, but stay in the

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

HE IS INSANE. HE IS POSSESSED.

 19,242 total views

 19,242 total views Gospel Meditation for Sunday June 10, 2018 based on Mark 3:20 Jesus was thought to be insane by his relatives. They wanted to bring Him home by force. Jesus was thought to be possessed by the Scribes because His powers looked superhuman. Jesus had been called many names and accused of many crimes

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

TURNING TO MARY IN OUR NEED

 19,242 total views

 19,242 total views Today is the feast of Mary Help of Christians. Mary the Helper is as old as the title Mary the Mother. This devotion was the armament of the Popes in the past against the attacks of kings and emperors on the Church. The devotion to Mary Help of Christians has been the recourse

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

CBCP President Message for Lent and Easter

 19,364 total views

 19,364 total views Lent and Easter My brothers and sisters in the Lord! I am grateful for this opportunity to share with you myLenten and Easter message, my thoughts and reflections these days. I have to tell you that I have been very much inspired by the Lenten Message of our Holy Father for us this

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

Should you blindly follow those Holy Week traditions?

 28,994 total views

 28,994 total views By: Archbishop Socrates Villegas Holy Week is about what Christ has done for humanity. Let the memory of God’s mercy sink in without any compulsion to do something. Just relish His mercy and bask in the radiance of His love. During Holy Week, tell God “Thank you.” Holy Week is not what men

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

FILIPINO CITIZENS AND CITIZENS OF HEAVEN

 19,234 total views

 19,234 total views Pastoral Moral Guidelines for Our Catholic Faithful in the Archdiocese of Lingayen Dagupan Dear brothers and sisters in Christ: For some time now, the President and his followers have campaigned aggressively for the revision of the Constitution to establish a federal government. As your pastor, I discern the responsibility to enlighten in the

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

INVITATION TO START THE HEALING

 19,233 total views

 19,233 total views Our Catholic Bishops in the Philippines appealed for a season of mourning and prayers for the dead from September 23 until November 1 this year, by daily rosary, church bell ringing and candle lighting at eight o’clock each night for the victims of the spreading culture of killings. The whole message of this

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

LORD HEAL OUR LAND(cf. 2 Chronicles 7:14)

 19,250 total views

 19,250 total views Our brothers and sisters in Christ: Kian, Carl, Reynaldo…they were young boys, enjoying life, loving sons of parents who doted on them. Now an entire nation knows them by name because their lives have been snuffed out so cruelly, their dreams and aspirations forever consigned to the sad realm of “what could have

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

ANG KAMPANA NG KONSENSIYA!

 19,216 total views

 19,216 total views Panawagan sa Bayan ng Diyos sa Archdiocese ng Lingayen Dagupan Ang gulo ng bayan! Parami nang parami ang mga ulila sa magulang, sa asawa at sa anak. Pakiusap na “Huwag po!” naririnig sa mga eskinita at tambakan. Patayan sa magdamag. Panaghoy at hikbi sa madaling araw galing sa mga ulila. Ang multo ng

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

CONSECRATE THEM IN THE TRUTH

 19,259 total views

 19,259 total views Brothers and sisters in Christ: A key dimension of Jesus’ mission was to preach the truth, and in His high priestly prayer, He prayed that His disciples might be consecrated in the truth. We, the Filipino nation, are part of the community of disciples for whom He prayed. At his trial, the question

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

AND GOD SAW THAT IT WAS GOOD…

 19,225 total views

 19,225 total views God saw all that he had made…and it was all very good! The Christian must nurture earth and care for creation, for so is the Creator paid homage and done reverence. Creation bears the Divine imprint, and they who deface it transgress against God’s sovereignty. For too long now, we have dealt with

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

Post-Permanent Council Meeting CBCP Pastoral Statement on Death Penalty

 19,230 total views

 19,230 total views “God proved his love for us that while we were still sinners, Christ died for us.” (Rom 5:8) On this third Sunday of Lent, the Gospel of John tells us how the Samaritan woman—having found in Jesus the “living water” she had longed for—left her jar of water by the well (John 4:28).

Read More »
Pastoral Letter
Riza Mendoza

Prayer To Heal Our Land

 19,240 total views

 19,240 total views We turn to God in fervent prayer to heal our land. We beg the Lord to pour forth upon us the passion NOT for vengeance but for justice. We humbly pray to the Lord who called Himself the Truth to set our hearts aflame for the truth, the truth that sets all of

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top