Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isasara rin ba natin ang ating pinto kay Hesus?

SHARE THE TRUTH

 166 total views

Mga Kapanalig, isa sa mga unang kautusan o executive order na inilabas ng bagong pangulo ng Estados Unidos na si Ginoong Donald Trump ay ang pansamantalang hindi pagpapapasok sa mga refugees mula ng mga bansang karamihan sa mga mamamayan ay Muslim, partikular na ang Iraq, Iran, Libya, Somalia, Sudan, at Yemen. Indefinite ban naman ang isasakatuparan para sa mga refugees mula sa Syria, na hanggang ngayon ay nababalot pa rin ng karahasan at matinding kahirapan. Batay sa pamagat nito, layunin ng kautusan na pangalagaan ang Amerika mula sa bantang dala ng mga taong mula sa mga bansang para sa administrasyong Trump ay pinagmumulan ng mga terorista. Sa isang banda, inaasahan na ang ganitong uri ng hakbang ni Pangulong Trump lalo na’t noong kampanya ay ipinangako niyang uunahin ang interes ng kanyang bansa kahit pa mangailangan ito ng pagtatayo ng pader sa hangganan o borders ng Amerika at Mexico.

Gaya rin ng inaasahan, hindi naging maganda ang pagtanggap ng maraming Amerikano sa kautusan ni Pangulong Trump. Pagkatapos niyang lagdaan ang executive order, nagdagsaan sa mga paliparan ang mga Amerikano upang tuligsain ang kautusang anila ay katumbas ng pagbabawal sa mga Muslim na tumuntong sa Amerika. May mga abugado pang nag-alok ng tulong sa mga dayuhang ipiniit o ginipit ng mga awtoridad bilang pagsunod sa kautusan. Kumalat kasi ang mga ulat na maraming tao mula sa mga binanggit na bansa ang hindi na pinayagang magbiyahe papasok ng Amerika, habang ang mga lumapag naman sa mga paliparan ay kailangang dumaan sa butas ng karayom o kaya naman ay puwersahang pinabalik sa bansang kanilang pinanggalingan.

Sa harap ng isyung ito, hindi maiwasang maalala natin ang pangaral ni Hesus tungkol sa paghuhukom: magtitipun-tipon ang lahat ng tao, pagbubukud-bukurin, at aanyayahang pumasok sa kaharian ng Diyos ang mga pinagpala, sapagka’t, sasabihin ng Panginoon, “ako’y isang dayuhan at inyong pinatuloy” (Mateo 25:35). Ang hakbang ni Pangulong Trump ay isang pagtataboy sa mga dayuhan, sa mga taong nangangailangan at lubhang nagdurusa. Para na rin itong pagsasara ng pinto kay Hesus. Minsan nang sinabi ni Pope Francis na ang isang taong nag-iisip na magtayo ng pader upang harangan ang pagpasok ng kanilang kapwa, sa halip na magtayo ng tulay na tatanggap sa kanila, ay hindi maka-Kristiyano. Salungat ito sa mensahe ng Ebanghelyo.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ng mga namumuno ng United States Conference of Catholic Bishops o USCCB ang kanilang pakikiisa sa mga Muslim refugees na matinding maapektuhan ng kautusan ni Pangulong Trump. Naniniwala silang bagama’t tungkulin ng gobyernong tiyaking ligtas ang kanyang mga mamamayan, dapat pa rin nitong igalang ang pananampalataya ng mga tao at hindi dapat gamitin ang relihiyon bilang batayan ng paghihigpit at panggigipit. Ang kailangang tugunan, ayon sa mga obispo sa Amerika, ay ang kapakanan ng mga taong desperadong takasan ang karahasan at matinding kahirapan sa kanilang bayan. Ang pagtanggap sa mga dayuhang nangangailangan ay nasa kaibuuturan ng tunay na buhay-Kristiyano.

Pagnilayan natin, mga Kapanalig, ang mga nangyayari dito sa ating lipunan. Sa anu-anong pagkakataon natin ipinipinid ang pinto para sa mga kapwa nating nangangailangan? Sa aling mga pagkakataon natin itinataboy ang mga taong nanganganib ang buhay? Isinasara rin ba natin ang ating mga pinto kay Hesus?
Totoong karapatan nating mamuhay nang ligtas at matiwasay. Kailangan din nating protektahan ang ating mga sarili mula sa anumang panganib. Ngunit sa pagkamit natin ng ating kaligtasan, may mga tao ba tayong itinataboy papalayo? May mga tao ba tayong tinatalikuran? Hindi lamang ito tumutukoy sa mga dayuhan; kahit ang mga kapitbahay natin, ang mga kapwa Pilipino natin, lalo na ang mga mahihirap at nangangailangan, ay madalas na talikuran ng marami sa atin. Kung wala tayong pakialam sa iba, kung hinahayaan lang nating saktan, takutin, at patayin sila sa ngalan ng kaayusan, isinasantabi, itinataboy, at hinahayaan nating patayin si Hesus.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 39,989 total views

 39,989 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 51,064 total views

 51,064 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 57,397 total views

 57,397 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 62,011 total views

 62,011 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 63,572 total views

 63,572 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 39,990 total views

 39,990 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 51,065 total views

 51,065 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 57,398 total views

 57,398 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 62,012 total views

 62,012 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 63,573 total views

 63,573 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,629 total views

 43,629 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,291 total views

 66,291 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,867 total views

 71,867 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,348 total views

 77,348 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,461 total views

 88,461 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,460 total views

 84,460 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,162 total views

 72,162 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,644 total views

 80,644 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,703 total views

 73,703 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,627 total views

 80,627 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top