Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

House panel, binawasan ng P1.3 B ang pondo ng OVP

SHARE THE TRUTH

 10,614 total views

Nagkaisa ang committee on appropriations ng Kamara na bawasan ang higit sa kalahati ng panukalang pondo ng Office of the Vice President Sara Duterte para sa susunod na taon.

Ang pangunahing dahilan ayon sa komite ay dahil sa ang mga programa ng tanggapan na kaparehas ng iba pang mga ahensya ng gobyerno, gayundin ang overextended offices na hindi naman kinakailangang pagkagastusan.

Sinabi ni Marikina City Rep. Stella Quimbo, senior committee vice chairperson, sa isang press conference, na nagpasya ang panel na i-rekomenda ang pagbabawas ng halos P1.3 bilyon mula sa panukalang P2.037 bilyon, na magiging P733 milyon na lamang ang matitira.

Ayon sa kaniya, kabilang sa mga ibinawas na pondo ang mga alokasyon sa financial assistance, professional services, na tumutukoy sa mga consultant, utilities, supplies and materials, at rentals/leases.

Paglilinaw naman ni Quimbo na ang alokasyon para sa “personal services,” o para sa mga sahod, ay nanatiling buo at hindi naapektuhan ng mga pagbabawas.

Paliwanag pa ni Quimbo, na ang buong pondo para sa financial assistance (FA) ng OVP na P947 milyon ay ililipat sa AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa medical assistance program ng Department of Health (DOH), kung saan ang dalawang ahensya ay makakatanggap ng halos magkaparehong bahagi ng tinatayang P646 milyon.

Dagdag pa ni Quimbo na ang budget sa FA ay ang pinagmumulan ng pondo para sa mga humihingi ng tulong sa mga gastusin sa libing, medikal, transportasyon, at iba pang katulad na pangangailangan.

Binibigyang-diin niya na ang OVP at ang mga benepisyaryo ng mga proyektong iyon ay maaari pa ring makuha ang parehong pondo na ililipat sa DSWD at DOH sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa dalawang kagawaran.

Base rin aniya sa report ng Commission on Audit (CoA), “di nagamit ng mabuti ang pondo at may redundancy ang mga programa, maraming problema sa implementation.”

“Ilipat na lang ang funds sa DSWD at DOH and we will ensure na meron syang sapat na allocation doon hanggang doon sa kayang ma-implement ng opisina nila,” ayon pa kay Quimbo.

Nakita at dama din naman din natin na subok na ang DSWD at DOH sa mga programang ito kaya kung ito ay makakatulong lalo na mas mapalawak ang pag-aabot ng tulong sa recipients, bagay na hindi naging klaro sa mga programa dati sa OVP base sa COA report,” dagdag pa ng lady solon.

Sinabi pa ni Quimbo, natuklasan din na ang OVP ay nagmimintine ng 10 satellite offices at dalawang extension offices.

We want them to return to the spending level in 2022, when the OVP maintained just one office,” saad pa nito.

Paliwanag nito, sa pagbabawas ng mga tanggapan ay mababawasan ang alokasyon sa upa o rental/lease mula P80 milyon sa P32 milyon.

Paliwanag pa niya, na ang mga pagbabawas ay “mga rekomendasyon lamang ng committee on appropriations” na pinamumunuan ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, at nakasalalay pa rin sa pag-apruba ng House of Representatives kapag magsimula ang plenary debates sa panukalang 2025 national budget sa Setyembre 16.

Paglilinaw pa niya na ang panukalang badyet ay mahaba at masusing proseso bago ito maaprubahan.

Magkakaroon pa ng isa pang round ng amendments ng budget amounts (sa plenary), at ito yung magiging recommendation namin ng (House) to the Senate. Matapos ang senate approval, meron pang bicameral (committee) approval. Babalik ulit sa (House) at Senate for ratification. And then for President’s approval,” ayon pa kay Quimbo.

Idinagdag niya na ang Pangulo ay may kapangyarihang gamitin ang line-veto o tanggihan ang mga panukalang alokasyon sa pondo.

So kitang kita po natin na napakahaba ng proseso at napakaraming tao na involved sa budget approval,” pagdidiin pa nito.

Gayundin ay nasa mga ahensya na ang desisyon kung paano nila gagamitin ang mga pondo na inilalaan sa kanila ng Kongreso at ng Pangulo.

“Budget execution is entirely by the executive branch,” saad nito.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Laban Kontra Corruption – Mahaba At Nakakapagod

 8,868 total views

 8,868 total views Kapanalig, ang korapsyon ay pangunahing salik o tanikala na pumipigil sa adhikain para matamasa ng Pilipinas at mamamayan nito ang “equitable development at economic prosperity”. Ang Pilipinas ay nasa ika-115 rank mula sa 80-bansa sa Asia at Pacific sa pinakahuling Corruption Perception Index (PCI) ng Berlin based-Transparency International noong February 2024 kung saan

Read More »

Inevitable Disaster

 15,977 total views

 15,977 total views CLIMATE CHANGE, ang epekto at panganib na dala nito ay hindi na isang babala kundi isang “distress call” na sa lahat ng tao sa mundo. Kapanalig, nawa habang tayo ay naghahanda at nagagalak sa pagdating ng ating panginoong Hesus ngayong Advent season… maging mabuti din sana tayong tagapangalaga ng sangnilikha. Base sa pag-aaral

Read More »

Walang patumanggang ganid

 25,791 total views

 25,791 total views Mga Kapanalig, walang patumanggang ganid ang uubos sa likas-yaman ng isla ng Palawan, ang tinaguriang “last ecological frontier” ng ating bansa. Tatlong obispo sa isla ang sama-samang naglabas ng isang liham-pastoral para ipaalam sa publiko, lalo na sa ating gobyerno, ang bantang kinakaharap ng napakayaman at napakagandang isla. Sila ay sina Puerto Princesa

Read More »

Sinong dapat humingi ng tawad?

 34,771 total views

 34,771 total views Mga Kapanalig, si Vice President Sara Duterte na mismo ang nagsabi: “Christmas is a season for forgiveness, love, and generosity.” Iyon daw ang mensahe at diwa ng Pasko. Pero hindi para sa kanya. Nasa sa ating mga pinaglilikuran niya bilang pangalawang pinakamakapangyarihan sa gobyerno kung tayo ay magiging mapagpatawad. Magkakaiba raw tayo. May

Read More »

Tutukan ang latest

 35,607 total views

 35,607 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang latest? Marami na siguro sa inyo ang nakakalam ng pinakahuling update sa mga balitang showbiz. Bakit naghiwalay ang isang loveteam? Sino ang nag-cheat sa kanilang karelasyon? Paano nabukó ang panloloko nila sa kani-kanilang kasintahan? May makakasuhan kaya ng paninirang-puri? O deserve ng mga nanlokong mapahiya sa

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Bagong Obispo ng Diocese of Cubao, pormal nang itinalaga

 6,228 total views

 6,228 total views Pormal nang itinalaga bilang ikalawang obispo ng Diocese ng Cubao si Bishop Elias Ayuban Jr. sa rito ng pagtatalaga na ginanap sa Mary Immaculate Cathedral sa Cubao, Quezon City. Ang misa ng pagtatalaga ay pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, katuwang sina Apostolic nuncio to the Philippine Charles Brown, kasama ang ilang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Clergy for Good Governance, ilulunsad sa Immaculate Conception Cathedral

 7,426 total views

 7,426 total views Tatlong daang pari, kabilang ang 12 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Luzon, Visayas, at Mindanao, ang lumagda bilang mga convenors ng Clergy for Good Governance (CGG), isang samahan na ilulunsad sa darating na Nobyembre 29. Ang Clergy for Good Governance, na may temang “Maka-Diyos, Maka-Filipino”, ay naglalayong isulong ang mga prinsipyo

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Kahinahunan, panawagan ng Obispo sa nagbabangayang Pangulong Marcos at VP Duterte

 6,729 total views

 6,729 total views Nananawagan ng kahinahunan si Military Bishop Oscar Jaime Florencio, kaugnay na rin sa mga pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa ilang pinuno ng pamahalaan, kabilang na ang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ikinagulat din ng obispo, ang mga binitawang salita ng bise presidente na aniya’y hindi naaakma sa isang mataas

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagpapanatili ng Rule of Law, panawagan ni Pangulong Marcos Jr., sa banta ni VP Duterte

 6,950 total views

 6,950 total views Nagsalita na rin ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga pahayag ni Vice-President Sara Duterte. Sa talumpati, binigyang-diin ng Pangulong Marcos, ang kahalagahan ng Rule of Law at ang pagtutol sa anumang uri ng karahasan o pagbabanta, kahit pa ito’y galing sa pinakamataas na opisyal ng pamahalaan. “Ito ay hindi dapat palampasin. Ang

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Set aside politics, panawagan ni Archbishop Jumoad sa nagbabangayang pulitiko

 6,970 total views

 6,970 total views Nanawagan si Archbishop Martin Jumoad ng Ozamis sa mga lider ng pamahalaan na itigil ang labis na pulitika at ituon ang kanilang atensyon sa paglilingkod sa taumbayan. Sa panayam ng Radyo Veritas, hinimok niya ang mga opisyal na gampanan ang kanilang tungkulin nang may dignidad at integridad upang maabot ang tunay na pag-unlad

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Makaraan ang 14-taong pagkakulong sa Indonesia: Veloso, makakauwi na ng Pilipinas

 8,011 total views

 8,011 total views Matapos ang mahigit sa isang dekadang pakikipag-usap at apela sa Indonesian government ay makakauwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Filipina Overseas Filipino Worker na naaresto nuong 2010 sa Indonesia at nahatulan ng parusang kamatayan. Ito ang inanunsiyo sa inilabas na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ng Pangulo

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Katarungan, hangad ng mga naulila ng EJK

 8,218 total views

 8,218 total views Umaasa ang mga naulilang biktima ng extra judicial killings na makakamit ang katarungan at mapapanagot ang mga nagkasala sa ipinatupad na marahas na drug war ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginaganap na pagdinig ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan. Ito ang panalangin ng mga naulila sa ginanap na Misa para sa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Simbahan, nakahandang makipagdayalogo sa mga kandidato

 8,343 total views

 8,343 total views Kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon, tiniyak ng simbahan ang kahandaan na makipagdayalogo sa mga kandidato, at sa nais na humingi ng panalangin. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangan ng sambayanan sa kasalukuyan ang mga pinunong may malakasakit, magtataguyod ng tunay at tapat na pamamahala na siyang pinaninindigan ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagkumpiska ng ilegal na nabiling ari-arian ng mga dayuhan, isinulong sa Kamara

 9,890 total views

 9,890 total views Inihain sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno na bawiin o kumpiskahin ang mga ari-arian na ilegal na nabili ng mga dayuhan, lalo na ang kaugnay sa mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Ang House Bill (HB) No. 11043, na kilala rin bilang “Civil Forfeiture Act,” ay

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

 11,190 total views

 11,190 total views Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine. Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning. Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Duterte, hindi maikailang ipinag-utos ang pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng droga

 12,077 total views

 12,077 total views Hindi maikakaila na may ipinag-utos ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na paslangin ang sinumang may kinalaman sa ilegal na kalakalan ng droga. Ito ang naging reaksyon ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs sa mga pahayag ni Duterte

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Caritas Manila, ikakasa ang 2nd-round na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 10,962 total views

 10,962 total views Naghahanda na ang Caritas Manila sa second-round ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bayong Kristine. Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng isinasagawang Typhoon Kristine Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas. Unang nagbahagi ng kabuuang 1.2 milyong piso cash ang social arm

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 18,861 total views

 18,861 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 11,236 total views

 11,236 total views Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province. Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Igalang ang labi ng mga yumao

 12,826 total views

 12,826 total views Mahalaga ang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga labi ng yumao, alinsunod sa mga turo ng simbahan. Ito ang mensahe ni Fr. Joel Saballa ng Diocese of Novaliches bilang reaksyon sa kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin niya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung magpapatuloy

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top