4,353 total views
Naninindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi magiging katanggap-tanggap sa sambayanang Filipino ang mungkahi ng isang mambabatas na patayin na lamang ang mga kriminal sa lansangan habang wala pang death penalty.
Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, marami pang ibang alternatibong paraan na makatwiran at mas makataong pamamaraan upang labanan ang ilegal na droga at ang laganap na kriminalidad sa bansa.
Tinukoy ni Father Secillano ang pagkakaroon ng reporma sa sistema ng pagpapatupad ng katarungan at ikulong ang mga nahatulang guilty sa halip na patayin.
Sinabi ng pari na kailangang palakasin ng kasalukuyang pamahalaan ang penal and jail management systems para magkaroon ng epektibong reporma para sa mga bilanggo.
“Reform the justice system, put behind bars those guilty of crimes and strengthened our penal and jail management systems to make reformation of criminals effective. With due respect to our speaker, that idea wouldn’t even be entertained if not for his position as speaker of the House which he got through his closeness with the president or more properly because of political patronage. Filipinos are not fools to be swayed by such flawed logic and proposal. There are other alternatives that are more rational and more humane than the speaker’s idea”. pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas
Mariing tinuligsa ng CBCP ang umiiral na “reign of terror” sa Pilipinas na pinangangambahang maging kultura sakaling muling maisabatas ang parusang kamatayan.
Read: http://www.veritas846.ph/takot-pagsasawalang-kibo-sa-madugong-war-om-drugs-pinuna-ng-cbcp/
http://www.veritas846.ph/cbcp-pastoral-letter-deaths-killings/
Nabatid mula sa Amnesty International na tuluyang inalis ng 149-mga bansa ang death penalty dahil hindi ito naging epektibo sa pagsugpo ng krimen.