184 total views
Nagagalak ang Prolife Philippines na may mga kabataan ng umaanib sa kanilang samahan na nagtatanggol sa buhay.
Ayon kay Prolife Philippine President Bro. Eric Manalang, sa katunayan sa kanilang Prolife Month, maraming mga kabataan ang nakibahagi na kailangan ng grupo para na rin mapatagal pa ang ipinaglalaban nito.
“Well, ang aming Pro-Life Month nag-start nitong February. As a matter of fact kahapon nagkaroon kami ng opening Mass sa St. Francis Church sa Mandaluyong at nagagalak akong sabihin na ang aming Pro-Life Board ay maraming kasamang mga kabataan. Hindi na kaming mga senior lang. Well, because we feel that to be able to sustain our pro-life advocacy we have to have a good pipeline of young people coming in, new blood. Syempre may hangganan din kaming mga matatanda.” pahayag ni Manalang sa panayam ng Radio Veritas.
Nagpapasalamat din si Manalang dahil kahit mga kabataan lamang ay pumopronta na ngayon na maituturing na ring leaders na nakikipaglaban para sa buhay at karapatang pantao ng bawat isa lalo na sa usapin ng extrajudicial killings kaugnay ng Oplan Tokhang.
“Kumbaga kung ang age role average namin ay dahil sa matatanda kami mga nasa 30s, 50 to 55, ngayon nasa 30-35 average age. Ang mga kabataan namin ngayon mga leaders na sila, subok na. They have their own vocation at they’ve been a Pro-lifers after the longest time but never in the forefront. Ngayon eh nasa harap na sila ng kumbaga sa facing the reality of family and life issues lalong lalo na itong pinag uusapan natin ngayon yung tungkol sa extrajudicial killings at ang estado mismo ang nagbibigay ng sponsorship sa ganitong mga klaseng pangyayari.” pahayag ni Manalang sa panayam ng Radio Veritas.
Sinabi naman ng Prolife Philippines na dapat sa paglutas ng problema, kailangan tukuyin ang ugat at hindi ang epekto nito.
Sa EJK lamang at lehitimong operasyon ng Pulisya kontra iligal na droga, nasa mahigit 7,000 na ang kaso ng mga napatay sa loob ng unang 7 buwang ng administrasyong Duterte.