12,397 total views
Nagkaisa ang 39 na State Universities and Colleges (SUCs) sa panawagan sa pagpapanumbalik ng mga bawas sa budget ng SUCs at pagdaragdag ng pondo para sa higher education para sa susunod na taon.
Ang nilagdaang ‘unity statement’ ay isinulat ng Kabataan Partylist Partylist, na nilagdaan naman ng mga tagapamahala ng mga kolehiyo at pamantasan.
Ang panawagan ay matapos na ang isinagawang executive session ng House Committee on Appropriations kaugnay sa ilang mga usapin at ang pagpopondo sa SUC’s sa fiscal year 2025.
Sinasaad ng nagkakaisang pahayag, ang dinaranas na krisis sa edukasyon sa Pilipinas, partikular sa higher education na sanhi ng pagbabawas ng pondo dahilan sa pagsasara ng ilang institusyon.
Ito ay nakakaapekto sa mga tagapamahala, guro, mag-aaral at iba pang mga kawani.
Ayon pa sa pahayag, higit kailanman, mahalaga na kilalanin, igalang, at panatilihin ng pamahalaan ang karapatan ng mga Pilipino sa edukasyon.
“Education is a fundamental right that should be accessible to all, regardless of socio-economic status. It plays a vital role in empowering individuals and shaping a just society. However, the current state of our education system fails to adequately cater to the needs of our students due to inadequate financial support,” ayon pa sa unity statement.
Ayon sa National Expenditure Program para sa fiscal year 2025, ang mga State Universities and Colleges (SUCs) ay makakaranas ng malaking pagbabawas sa kanilang pondo na may kabuuang higit sa P14 bilyon na ang karamihan sa mga bawas na ito ay nakatuon sa mga gastusin sa mga pasilidad, kagamitan, at iba pang investments sa mga institusyong ito.
Ito ay sa kabila ng iminungkahing pagtaas ng pondo para sa Free Higher Education Program, na nangangahulugang kinikilala ng administrasyong Marcos, Jr. ang pagtaas ng bilang ng mga enrollees sa susunod na taon.
“Additional budget is needed for our learning institutions to regain their public character and provide ample support for student services and faculty development. If our SUCs are expected to carry out their duties as higher education institutions, they must be funded accordingly.”.