Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 16,384 total views

25th Sunday in Ordinary Time Cycle B
Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37

Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga lumalapit sa kanya pero nagbibigay siya ng espesyal na effort para turuan ang kanyang mga alagad. Sila ang uutusan niyang magpatuloy ng kanyang mga aral. Narinig natin sa ating ebanghelyo ngayon na habang sila ay nagdaraan sa Galilea ayaw ni Jesus na malaman ng mga tao kung nasaan sila kasi nagbibigay siya ng espesyal na lesson sa kanyang mga alagad. Pinapaabot niya sa mga alagad niya kung ano ang mangyayari sa kanya. Siya ay ipinagkakanulo at papatayin ngunit mabubuhay naman siya muli sa ikatlong araw. Hindi ito naunawaan ng mga alagad niya. Bakit kaya?

Hindi kasi sila nagtatanong. Natatakot silang magtanong. Ano naman ang kinatatakutan nila? Mabait naman si Jesus at gusto pang magpaliwanag. Natatakot silang magtanong kasi iba ang concern nila. Habang sinisikap ni Jesus ipaliwanag ang paghihirap na mangyayari sa kanya, ang kanilang concern ay kung sino sa kanila ang pinakadakila! Ang mga alagad ay sumunod kay Jesus kasi naniniwala sila na darating na ang paghahari ng Diyos at si Jesus ay ang inaasahang darating na magtatayo nito. Gusto nila na magkaposisyon sa kaharian ng Diyos. Ang pinagtatalunan nila ay kung sino sa kanila ang magkakaroon ng pangunahing posisyon. Ibang-iba ang concern nila kaysa gustong iparating ni Jesus sa kanila. Kaya natatakot silang magtanong kay Jesus kasi natatakot silang makilala ni Jesus o natatakot silang basagin ni Jesus ang kanilang pangarap na kadakilaan.

Hindi naman sila pinagsabihan ni Jesus na huwag maghangad na maging dakila. Pero sinabi ni Jesus kung ano ang paraan upang maging dakila sa kanyang kaharian. Ang pagiging dakila sa kaharian ng Diyos ay hindi iyong kadakilaan na napapansin nila sa mga kaharian sa mundo, na sila ay may espesyal na puesto, na sila ay paglilingkuran, na sila ay susundin ng mga tao. Siguro nabigla sila noong sabihin ni Jesus: “Ang sinumang nagnanais na maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.”

Huwag tayong magtaka na ito ay hindi naintindihan ng labingdalawang apostol, kasi tayo, kahit na dalawang libong taong ipinapahayag ang ebanghelyo, ay hindi pa rin nakakaunawa dito. Kaya tayo sa simbahan ay nag-iisip din na mahalaga na may puwesto tayo sa simbahan, na may title tayo – na tatawaging obispo, o monsignor o president o chairman. Akala natin na ang katungkulan sa simbahan ay isang promotion o pag-akyat ng puwesto, at hindi isang paraan ng paglilingkod. Noong ako ay inannounce na maging obispo noong 2006, may nakatagpo ako na isang pari na classmate ko sa seminary. Ang bati niya sa akin ay: “Congratulations. Ang bilis ng promotion mo.” Pari na iyan, pero ang tingin pa sa pagka-obispo ay promotion! Kaya hanga ako kay Cardinal Rosales noong tinawag niya ako sa kanyang opisina at ibinalita sa akin na ako’y magiging obispo. Sabi niya: “Pinili ka ng Roma sa isang antas na paglilingkod, kung sa Inglis pa, to another level of service.” Ang pagka-obispo ay isang paglilingkod!

Kung ito ang nangyayari sa simbahan at sa mga taong simbahan ngayon na ang tingin sa posisyon ay isang karangalan at hindi isang responsibilidad, lalong hindi ito naiintindihan ng mga politiko kahit na sila ay Katoliko pa. Malapit nang mag-file ng certificate of candidacy ang mga tatakbo sa election sa Mayo 2025. Marami ay nagpaparamdam nang tatakbo. Marami, bagamat hindi sinasabi, ay tatakbo at gustong manalo kahit na sa anong paraan kasi ang posisyon sa pamahalaan ay isang karangalan at isang paraan na pagkakakitaan. Kaya ginagamit ang posisyon para sa kanilang sarili. Ang kanilang pinaglilingkuran ay mga kakampi, mga may pera at may posisyon din, at hindi ang mahihirap at ang maliliit na mga tao. Ibang iba ito sa sinabi ni Jesus: “Ang sinumang tumanggap sa isang maliit na batang alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin, at ang sinumang tumanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin.” At sino ang nagsugo kay Jesus? Ang Diyos Ama.

Dalawang libong taon na, hindi pa natin naiintindihan ang tunay na diwa ng pagiging dakila. Hindi naiintindihan ng mga masasamang tao at makamundong mga tao ang tunay na kahulugan ng paglilingkod. Hindi sa mahirap itong intindihin. Ayaw lang nilang tanggapin ang mabubuting tao na tunay na nagse-serve, kaya nilalayuan nila at ini-eliminate ang mga taong ito. Nakakakonsensya kasi sila. Sabi nila: “Pinamumukha nila sa atin na mali tayo.” Sa harap ng liwanag mas lumalabas ang kapangitan ng ugali nila. Sa ating unang pagbasa sa aklat ni Sirak galit ang masasamang tao sa mga matuwid. Sinisiraan nila ang mga ito. Hindi ba nangyayari din ito sa atin? Ngayong nagpapahiwatig na ang mga kandidato at nagkakaalaman na kung sinu-sino ang magkalaban, nagsisimula na ang siraan. Mga kapatid, hindi mabuting tao ang naninira sa kanyang kapwa. Sana sa pangangampanya sa politika ilahad lang ng mga kandidato ang kanilang programa at hindi siraan ng kalaban. Tanda na hindi mabuti ang isang tao ang naninira sa iba.

Pero bakit ba nandiyan ang paninira, nandiyan ang pag-aaway-away, at malala pa, na nandiyan ang patayan at digmaan? Sinulat ni Santiago sa ating ikalawang pagbasa na ang mga ito ay nanggagaling sa ating kalooban. Masasama ang mga salitang nasasabi natin kasi nandiyan ang kasamaan sa ating kalooban. Ang galit sa ating pagkilos ay nanggaling sa galit sa ating puso. Ang kayabangan sa ating ugali ay galing sa pagmamataas sa ating pag-iisip. Kaya mahalagang suriin ang ating budhi.

Hindi naman mahirap maintindihan ang mga aral ni Jesus kung may kabukasan tayo at kahandaan na gawin ang kanyang aral. Ang problema sa pag-unawa ay hindi lang dahil sa ating tainga, na hindi natin narinig. Hindi lang ito dahil sa ating isip, na hindi natin maabot na maintindihan. Madalas ito ay dahil sa ating puso, kamay at paa – ayaw nating gawin.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 9,901 total views

 9,901 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 24,557 total views

 24,557 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 34,672 total views

 34,672 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 44,249 total views

 44,249 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 64,238 total views

 64,238 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 4,590 total views

 4,590 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 5,687 total views

 5,687 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 11,292 total views

 11,292 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 8,762 total views

 8,762 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 10,810 total views

 10,810 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,138 total views

 12,138 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 16,812 total views

 16,812 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 17,872 total views

 17,872 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 19,182 total views

 19,182 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 21,911 total views

 21,911 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,097 total views

 23,097 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,577 total views

 24,577 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 26,987 total views

 26,987 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 30,265 total views

 30,265 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 28,987 total views

 28,987 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top