Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag Ipagbili ang Ating Bayan

SHARE THE TRUTH

 6,146 total views

THE VICAR APOSTOLIC OF TAYTAY
Bishop’s Residence, Curia Bldg.,
AVT Mission Center, St. Joseph the Worker Village
Montevista, Poblacion, 5312 Taytay, Palawan, Philippines
AVT Liham Pastoral: Huwag Ipagbili ang Ating Bayan

“Gawin mo ang matuwid, hindi ang masama, upang ikaw ay mabuhay.
Sa gayon sasaiyo ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat.”
(Amos 5:14)

Mahal kong Bayan ng Diyos sa Bikaryato ng Taytay,

Pinaghahandaan na po ang Halalan ng Mayo 2025. Nagpaparamdam na ang mga
kandidatong tatakbo. Isa pong masamang nangyayari sa halalan dito sa ating bansa
ay ang bilihan ng boto. Talamak na itong nangyayari. Nangyayari po ito kasi may
mga kandidato na namimili ng boto at may mga taong nagbebenta ng kanilang boto.
Masama po ang mga kandidato na namimili ng boto at ang mga taong nagpapabili
ng kanilang boto. Kasama po ba tayong nagpapabili ng ating boto? Nabibili ba tayo?
Pinagbibili ba natin ang ating bayan?

Hindi pa tayo nabibili kung tumatanggap lang tayo ng pera. Hindi naman tayo
humihingi ng pera. Ito ay inaalok at inaabot sa atin. Ang masama ay kung bumoboto
tayo ayon sa perang tinanggap natin. Tanggapin po natin ang binibigay sa atin at
magpasalamat pa nga tayo. Pero huwag tayong magpadala dahil sa may natanggap
tayo. Panatilihin natin ang ating kalayaan na bumoto ayon sa mga taong matuwid na
sa ating palagay ay ang mga taong dapat mapagkakatiwalaan natin na magpapalakad
sa ating bansa ng matuwid.

Wala po tayong utang na loob sa mga taong nagbigay sa atin ng pera. Una sa lahat,
masama ang namimigay ng pera para iboto sila. Labag sa batas ang mamili ng boto.
Kaya huwag tayong sumunod sa kanila at huwag tayong magpatakot sa kanila. Sila
ang gumagawa ng masama, hindi tayo.

Huwag din tayong matakot at magpatakot sa politiko at mga tauhan nila. Hindi tayo
gumawa ng masama sa ating pagtanggap ng perang ibinigay sa atin at sa pagboto ng
napupusuan natin. Wala tayong kasunduan sa kanila kasi hindi tayo maaaring
gumawa ng kasunduan sa masama na ipagbili natin ang ating boto sa kanila. Kahit
na may pinirmahan pa tayo sa kanila. Walang bisa ang pirmang iyon.

Walang makakaalam kung sino ang binoto natin kung hindi naman natin ito sasabihin. Hindi
naman tayo mapipilit na sabihin ang binoto natin kasi ito ay isang personal na
desisyon natin. Panindigan natin ang ating boto. Ito ay ginagawa natin sa harap ng
Diyos para sa ikabubuti ng ating bayan. Huwag lang tayo mag-ingay kung kanino
tayo boboto. Kahit na tayo ay kunin na watcher o sa anumang gawain ng isang
politiko, wala tayong obligasyon na botohin siya kung hindi naman siya karapat
dapat. Trabaho lang naman ang ating hinahanap. Huwag lang magsabi kung sino ang
bobotohin natin. Hindi nila iyon malalaman. Huwag magpatakot na may paraan
silang malaman iyon. At kahit na malaman pa nila, ano naman ang magagawa nila
sa atin? Hindi nila maoobliga na ibalik ang pera kasi sila ang gumagawa ng masama
at hindi tayo.

Napakita na po natin dito sa Palawan na hindi nananalo ang namimigay ng pera.
Noong plebisito sa paghahati ng lalawigan, ang mga sumusulong na hatiin ang
Palawan sa tatlong lalawigan ay namigay ng pera. Mayayaman sila at nasa poder pa.
Ang nananawagan na isa lang ang lalawigan ng Palawan ay hindi namigay ng pera.
Natalo ang namigay ng pera. Hindi nabibili ang mga Palaweño!
Kung maranasan ng mga politiko na hindi na nila maloloko, mabibili at matatakot
ang mga tao dahil sa perang ibinigay nila, maaaring matigil natin ang kalakaran ng
pamimili ng boto. Mahalin natin ang ating bayan. Sa ganitong paraan pinapakita
natin na mahal natin ang Diyos.

Ang inyong kapwang mamamayan,
MOST REV. BRODERICK S. PABILLO, DD
Obispo ng Bikaryato ng Taytay
Ika-21 ng Setyembre taong 2024

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 39,314 total views

 39,314 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 50,389 total views

 50,389 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 56,722 total views

 56,722 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 61,336 total views

 61,336 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 62,897 total views

 62,897 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Pastoral Letter
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Liham Pastoral: Pangangalaga ng mga Punong Kahoy

 42,547 total views

 42,547 total views “Gumawa ang Panginoong Diyos ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang…Inilagay ng Panginoong Diyos ang tao sa halamanan ng Eden upang ito’y pagyamanin at pangalagaan.” (Gen 2:8.15) Mahal kong bayan ng Diyos sa Bikaryato ng Taytay, Naranasan po natin sa loob ng tatlong buwan ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top