Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tao ang sentro ng trabaho

SHARE THE TRUTH

 90,041 total views

Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan?

Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag pumasok ka bilang trabahador, gampanan mo.” Hindi raw dapat magdahilan ang mga manggagawa na parang mga estudyante na kaunting baha lang o simpleng sipon lang ay hindi na papasok. Dagdag ng netizen, palagi raw dapat isipin ng mga manggagawa ang kanilang trabaho bilang isang responsabilidad. Para sa kanya, “pagmamahal” sa kompanya, halimbawa, ang pagpasok kahit matindi ang ulan o kahit may karamdaman. Pagpapahalaga raw iyon sa trabahong dahilan kung bakit kumikita at nagkakapera ang isang manggagawa. 

Burado na ang naturang post. Pinutakti kasi siguro ng mga negatibong komento at batikos ang mga sinabi ng netizen na tila mas pinahahalagahan ang dedikasyon sa pinagtatrabahuhan kaysa sa kapakanan ng mga trabahador. 

Anong say n’yo rito, mga Kapanalig?

Una sa lahat, ang pagtatrabaho ay karapatan at obligasyon. Sa lente ng ating pananampalataya, mahalaga ang pagtatrabaho dahil sa pamamagitan nito, nakakakain at nabubuhay ang tao. Iyan ang unang pangungusap sa Catholic social teaching na Laborem Exercens. Sa pagtatrabaho, dagdag ng ensiklikal na ito, nakapag-aambag ang tao sa pag-unlad ng lipunang kinabibilangan niya. Sa simula pa lamang, ang tao ay tinawag na ng Diyos para magtrabaho; mababasa natin ‘yan sa Genesis 2:15. Ito ang nagtatangi sa tao sa ibang nilaláng na nabubuhay lamang batay sa kanilang kagyat na pangangailangan, walang kalayaang ginagamit o konsensyang pinakikinggan. Sa madaling salita, ang tao ay tao dahil sa pagtatrabaho. 

Walang trabaho na walang kaakibat na hirap. Sa Filipino nga, “pagbabanat ng buto” ang tawag din natin sa trabaho—kailangang gumalaw, kailangang kumilos, kailangang magsumikap. Mahirap ang magtrabaho, pero ibang usapin na kung nagpapahirap ang magtrabaho. Sa Laborem Exercens, kinikilala ng Simbahan na ang pagtatrabaho ay maaaring gamitin upang pahirapan at pagsamantalahan ang tao.

Maituturing na nagpapahirap ang pagtatrabaho, halimbawa, kapag mas matimbang ang dami ng magagagawa ng mga trabahador na magbubunga ng dagdag-kita sa isang negosyo kaysa sa kaligtasan at kalusugan ng mga taong kumakayod. Sa ekonomiya natin ngayon, biyaya ang pagkakaroon ng trabaho, at dapat nating ipagpasalamat kung may pinagkukunan tayo ng ating pang-araw-araw na pangangailangan. Pero hindi ito dapat maging dahilan para ituring natin ang ating trabaho bilang mas mahalaga kaysa sa ating kapakanan. 

Tao ang nasa sentro ng trabaho. Mas mahalaga ang dignidad ng tao kaysa sa trabaho. Ito ang tinatawag ng Laborem Exercens na subjective dimension ng pagtatrabaho. Ang katapat naman nitong objective dimension ay tumutukoy sa mga ginagamit para makapagtrabaho gaya ng teknolohiya o makinarya at kapital o puhunan. Mahalaga rin ang mga ito, pero para sa Simbahan, ang ating dignidad bilang manggagawa ay nasa pagpapahalaga sa ating dignidad bilang tao.

Kaya kapag masama ang panahon o malalagay sila sa panganib, kaligtasan at kalusugan ng mga trabahador ang dapat unahin. Hindi sila dapat piliting pumasok. Hindi rin dapat obligahin ng mga manggagawa ang kanilang sarili dahil lamang sa dedikasyon o katapatan sa kanilang pinagtatrabahuhan. May advisory pa nga ang ating Department of Labor and Employment (o DOLE) na nagpapaalalang karapatan ng mga trabahador na lumiban kapag masama ang panahon. Saad ng advisory: “Employees who fail fail or refuse to work by reason of imminent danger resulting from weather disturbances and similar occurrences shall not be subject to any administrative sanction.”

Mga Kapanalig, huwag nating ipagpalit ang ating kapakanan sa trabahong ginagawa natin, lalo na kung nagpapahirap ito sa atin.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Laban Kontra Corruption – Mahaba At Nakakapagod

 7,722 total views

 7,722 total views Kapanalig, ang korapsyon ay pangunahing salik o tanikala na pumipigil sa adhikain para matamasa ng Pilipinas at mamamayan nito ang “equitable development at economic prosperity”. Ang Pilipinas ay nasa ika-115 rank mula sa 80-bansa sa Asia at Pacific sa pinakahuling Corruption Perception Index (PCI) ng Berlin based-Transparency International noong February 2024 kung saan

Read More »

Inevitable Disaster

 14,831 total views

 14,831 total views CLIMATE CHANGE, ang epekto at panganib na dala nito ay hindi na isang babala kundi isang “distress call” na sa lahat ng tao sa mundo. Kapanalig, nawa habang tayo ay naghahanda at nagagalak sa pagdating ng ating panginoong Hesus ngayong Advent season… maging mabuti din sana tayong tagapangalaga ng sangnilikha. Base sa pag-aaral

Read More »

Walang patumanggang ganid

 24,645 total views

 24,645 total views Mga Kapanalig, walang patumanggang ganid ang uubos sa likas-yaman ng isla ng Palawan, ang tinaguriang “last ecological frontier” ng ating bansa. Tatlong obispo sa isla ang sama-samang naglabas ng isang liham-pastoral para ipaalam sa publiko, lalo na sa ating gobyerno, ang bantang kinakaharap ng napakayaman at napakagandang isla. Sila ay sina Puerto Princesa

Read More »

Sinong dapat humingi ng tawad?

 33,625 total views

 33,625 total views Mga Kapanalig, si Vice President Sara Duterte na mismo ang nagsabi: “Christmas is a season for forgiveness, love, and generosity.” Iyon daw ang mensahe at diwa ng Pasko. Pero hindi para sa kanya. Nasa sa ating mga pinaglilikuran niya bilang pangalawang pinakamakapangyarihan sa gobyerno kung tayo ay magiging mapagpatawad. Magkakaiba raw tayo. May

Read More »

Tutukan ang latest

 34,461 total views

 34,461 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang latest? Marami na siguro sa inyo ang nakakalam ng pinakahuling update sa mga balitang showbiz. Bakit naghiwalay ang isang loveteam? Sino ang nag-cheat sa kanilang karelasyon? Paano nabukó ang panloloko nila sa kani-kanilang kasintahan? May makakasuhan kaya ng paninirang-puri? O deserve ng mga nanlokong mapahiya sa

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Laban Kontra Corruption – Mahaba At Nakakapagod

 7,723 total views

 7,723 total views Kapanalig, ang korapsyon ay pangunahing salik o tanikala na pumipigil sa adhikain para matamasa ng Pilipinas at mamamayan nito ang “equitable development at economic prosperity”. Ang Pilipinas ay nasa ika-115 rank mula sa 80-bansa sa Asia at Pacific sa pinakahuling Corruption Perception Index (PCI) ng Berlin based-Transparency International noong February 2024 kung saan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inevitable Disaster

 14,832 total views

 14,832 total views CLIMATE CHANGE, ang epekto at panganib na dala nito ay hindi na isang babala kundi isang “distress call” na sa lahat ng tao sa mundo. Kapanalig, nawa habang tayo ay naghahanda at nagagalak sa pagdating ng ating panginoong Hesus ngayong Advent season… maging mabuti din sana tayong tagapangalaga ng sangnilikha. Base sa pag-aaral

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang patumanggang ganid

 24,646 total views

 24,646 total views Mga Kapanalig, walang patumanggang ganid ang uubos sa likas-yaman ng isla ng Palawan, ang tinaguriang “last ecological frontier” ng ating bansa. Tatlong obispo sa isla ang sama-samang naglabas ng isang liham-pastoral para ipaalam sa publiko, lalo na sa ating gobyerno, ang bantang kinakaharap ng napakayaman at napakagandang isla. Sila ay sina Puerto Princesa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sinong dapat humingi ng tawad?

 33,626 total views

 33,626 total views Mga Kapanalig, si Vice President Sara Duterte na mismo ang nagsabi: “Christmas is a season for forgiveness, love, and generosity.” Iyon daw ang mensahe at diwa ng Pasko. Pero hindi para sa kanya. Nasa sa ating mga pinaglilikuran niya bilang pangalawang pinakamakapangyarihan sa gobyerno kung tayo ay magiging mapagpatawad. Magkakaiba raw tayo. May

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tutukan ang latest

 34,462 total views

 34,462 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang latest? Marami na siguro sa inyo ang nakakalam ng pinakahuling update sa mga balitang showbiz. Bakit naghiwalay ang isang loveteam? Sino ang nag-cheat sa kanilang karelasyon? Paano nabukó ang panloloko nila sa kani-kanilang kasintahan? May makakasuhan kaya ng paninirang-puri? O deserve ng mga nanlokong mapahiya sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost Beneficiaries

 44,015 total views

 44,015 total views Kapanalig, bakit tayong mga Pilipino ay mahilig o may ugaling mapanlinlang? Sa gobyerno usong-uso ang “falsification of public documents? Ito ba ay kultura na natin o ugaling hindi na kayang mababago? Sa University belt area, anytime makakakuha ka ng pekeng “college diploma”, sa alinmang Land Transportation Office (LTO) sa bansa makakakuha ng pekeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Traffic Armmageddon

 41,476 total views

 41,476 total views Kapanalig, bago pa ba sa inyo ang hindi masolusyunan na problema sa traffic hindi lamang sa Metro Manila maging sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas? Sa Metro Manila, ang mabagal na usad ng trapiko ay normal na araw-araw…walang itong holiday. Sa mga ordinaryong mamamayan, bahagi na ito ng kanilang pang-araw-araw na laban sa buhay.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Eat Healthy This Christmas 2024

 57,714 total views

 57,714 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpapanagot kay VP Sara

 76,727 total views

 76,727 total views Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 52,567 total views

 52,567 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pueblo Amante de Maria

 55,191 total views

 55,191 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

POGO’s

 63,943 total views

 63,943 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Waste

 48,637 total views

 48,637 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trustworthy

 56,653 total views

 56,653 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi biro ang krisis sa klima

 51,225 total views

 51,225 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top