Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsasabatas ng Magna Carta for Filipino Seafarers, pinuri ng Obispo

SHARE THE TRUTH

 609 total views

Kinilala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo,chairman ng Catholic Bishop Conference of the Philippines Episcopal Office on Stewarship ang mga Filipino Seafarer at ang Maritime Industry.

Ipinaabot ng Obispo ang pagpupugay sa Filipino Seafarers sa paggunita ng National Seafarers Sunday sa ika-29 ng Setyembre at World Maritime day sa ika-26 ng Setyembre, 2024.

Inihayag ni Bishop Pabillo na ang paghahanapbuhay ng mga Pilipinong mandaragat sa mga karagatan sa Pilipinas at ibayong dagat ay nakakatulong sap ag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

“Alam po natin ang mga Pilipino ay in-demand sa kanilang pamamalakaya sa halos daw sa araw-araw. May mga 300-thousand to 400-thousand na mga Pilipinong mamamalakaya sa ibat-ibang mga barko sa buong mundo, kaya ito po ay malaking tulong sa ekonomiya ng bansa sa at sa mga pamilya nila, kaya pasalamat tayo sa Diyos sa kanilang trabaho sa dagat bilang mandaragat,” ayon sa mensahe ni Bishop Pabillo.

Bukod sa pagkilala, hinimok ng Obispo ang mga mananampalataya na ipanalangin ang kabutihan at kaligtasan ng mga Filipino Seafarer na nahaharap din sa ibat-ibang suliranin at pagsubok.

Ayon kay Bishop Pabillo, dumaranas din ang mga Filipino seafarer ng kalungkutan sa pagkakalayo sa pamilya at pagsalubong sa masamang panahon habang naglalayag.

Nahaharap din ang mga ito sa sigalot o naiipit sa digmaan at panganib sa banta ng mga pirata sa kanilang paglalayag.

“Alam naman natin na mahirap din ang kanilang trabaho at iyan po ay nakakakalungkot na trabaho at marami pong mga panganib ngayon, panganib sa barko at panganib sa pirates at kung minsan natatamaan din sila sa mga gulo na nangyayari tulad ng sa Red Sea. Kaya po ipagdasal po natin sila, kaya ngayon habang nagpapasalamat tayo sa Diyos sa trabahong naibibigay sa kanila at tulong sa kanilang mga pamilya, ipagdasal po natin ang kanilang kalagayan na sila’y maging palaging ligtas at sila’y sana makatulong sa pamilya at hindi masira ang kanilang pamilya dahil sa kanilang trabaho “paanyaya ni Bishop Pabillo.

Pinuri din ng Obispo ang paglagda ng pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang batas sa Magna Carta for Filipino Seafarers o Republic Act (RA) No.12021.

Sa datos ng pamahalaan ngayong 2024, umaabot na sa 578,600 ang bilang ng mga Filipino Seafarer sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

Patuloy naman ang CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People at Stella Maris Philippines sa pangangalaga sa kanilang espiritwal na pangangailan at paghahandog ng tulong sa pamilyang naiiwan sa Pilipinas.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iligtas ang mga bata

 15,424 total views

 15,424 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 24,712 total views

 24,712 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »

Serbisyo, hindi utang na loob

 12,317 total views

 12,317 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »

Tao ang sentro ng trabaho

 51,306 total views

 51,306 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 55,439 total views

 55,439 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Jerry Maya Figarola

Economy of Francesco, itinalagang Economy of Francesco Foundation ni Pope Francis

 494 total views

 494 total views Inaprubahan ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang pagbabago ng Economy of Francesco bilang ‘Economy of Francesco Foundation’ o EoF Foundation. Ayon kay Pope Francis, ito ay upang mapalaganap ng mga kabilang sa EoF Foundation ang pagbabago sa pandaigdigang ekonomiya tungo sa sama-samang pag-unlad. Itinalaga ni Pope Francis si Diocese of Assisi Bishop Domenico Sorrentino

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Mamamayan, inaanyayahang makiisa sa Segunda Mana Bazaar

 1,011 total views

 1,011 total views Inaanyayahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga mamamayan ng Quezon City o Qcitizens na makiisa sa idinadaos na Segunda Mana Bazaar sa Quezon City Hall. Matatagpuan ito sa Quezon City Hall Inner Lobby na nagsimula noong September 23 at magtatagal hanggang 27 kung saan maari ding mamili ang mga mamamayan sa

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Simbahan at farmers group, nababahala sa mababang “farm gate price” ng palay

 1,047 total views

 1,047 total views Nakikisimpatya ang Simbahang Katolika sa dinaranas na pagkalugi ng mga rice farmer sa buong bansa. Ikinalulungkot ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud at San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang kawalan ng pagkilos ng pamahalaan sa mababang presyo o farm gate ng palay lalu na sa Nueva Ecija na tinaguriang “rice grannery” ng

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

ACED services, ilulunsad ng DA sa buong Pilipinas

 1,973 total views

 1,973 total views Itataguyod ng Department of Agriculture ang Agricultural Cooperative Enterprise Development Services o ACED sa buong Pilipinas. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, layunin ng inisyatibo na higit pang bigyan ng pagkakakitaan at pamamaraan upang umunlad ang mga magsasaka at mangingisda ng bansa. Sinabi ng kalihim na layon nitong makamit ang food

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

World Maritime day at National Seafarers Sunday,ipinagdiwang ng PCG

 2,035 total views

 2,035 total views Inilunsad ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang linggong paggunita sa World Maritime Day sa September 27 at National Seafarers Sunday sa September 29. Sinimulan ng PCG ang paggunita sa 25th National Maritime Week celebration noong ika-20 ng Setyembre na magtatapos sa ika-27 ng nasabing buwan. Kinilala ng P-C-G ang malaking kontribusyon ng

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Simbahan, tiniyak ang pakikilakbay sa mga Filipino seafarers

 2,789 total views

 2,789 total views Tiniyak ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na kasama ng mga Filipino Seafarer ang simbahang katolika saanmang paglalakabay nila sa buhay. Ito ang mensahe ng Obispo na siya ring Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines para sa paggunita ng Pilipinas sa National Seafarers Sunday sa September 29. Ayon

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Susunod na “servant leader”,hinuhubog ng Caritas Manila

 2,824 total views

 2,824 total views Isinusulong ng Caritas Manila Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) ang pagkakaroon ng mga susunod na lider sa lipunan na handang makinig at tugunan ang hinaing ng mga mahihirap. Ito ang tiniyak ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas sa patuloy na pagpapalawig

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Sustainable future ng mahihirap na Pilipino, tinututukan ng Caritas Manila

 3,595 total views

 3,595 total views Tiniyak ng Caritas Manila na hindi lamang sa pagtulong sa mga mahihirap natatapos ang tungkulin ng social arm ng Archdiocese of Manila. Inihayag ni Fr.Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila na natuon ang institusyon sa “sustainable future” at hindi dole-out. Tinukoy ng Pari ang matatag na Caritas Damayan Program na mabilis

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

EILER, dismayado sa mababang wage hike

 4,079 total views

 4,079 total views Nanindigan ang Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) na hindi sapat ang mabagal at mababang wage hike na ipinapatupad sa magkakaibang rehiyon sa bansa. Inihayag ng EILER na ang mababang wage hike ay hindi makasabay sa mabilis na inflation rate na pinapataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. Ayon

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Pagbuwag sa Provincial at Regional Tripartite and Productivity Board, iminungkahi ng Simbahan

 3,977 total views

 3,977 total views Nanindigan si Fr.Erik Adoviso – Minister ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern na kinakailangan ng manggagawa na magkaroon ng iisang national minimum wage. Tinukoy ng Pari ang patuloy na nararanasang mataas na inflation rate ng mga manggagawang Pilipino na nagpapataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa buong Pilipinas. Nangangamba

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Equal pay ng babae at lalaki, panawagan ng CBCP-Office on Women sa pamahalaan

 4,361 total views

 4,361 total views Hinamon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Office on Women ang pamahalaan sa pantay na sahod at benepisyo ng mga kababaihan. Ito ang panawagan ni Marichi De Mesa – Executive Secretary ng CBCP Office on Women sa paggunita ng International Day of Equal Pay sa September 18. Ayon kay De Mesa,

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Pantay na sahod at benepsisyo, panawagan ng CBCP-Office on Women sa pamahalaan

 4,706 total views

 4,706 total views Isinusulong ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Office on Women ang karapatan ng kababaihan upang matanggap ang pantay na sahod at benepisyo. Ito ang panawagan ni Marichi De Mesa – Executive Secretary ng CBCP Office on Women sa paggunita sa September 18 ng International Day of Equal Pay. Ayon kay De

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Pangangalaga sa spirituality ng ROTC cadets, tiniyak ng Philippine Army Chaplaincy

 4,780 total views

 4,780 total views Tiniyak ng Philippine Army Chaplaincy ang pangangalaga sa espiritiwal na pangangailangan ng mga estudyanteng napapabilang sa mga Reserve Officers’ Training Corps (ROTC). Personal na binibisita at nagdaraos ng banal na misa ni Army Chief Chaplain Col. Roy L. Onggao sa mga ROTC Cadet upang mapalalim at mapatatag ang kanilang panananmpalataya. Huling nagdaos ng

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

LASAC, nangangailangan ng suporta

 5,392 total views

 5,392 total views Nanawagan ang Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) sa mga mananampalataya na makiisa sa Adopt-a-child Scholarship Project. Ayon kay Paulo Ferrer – LASAC Program Officer, sa pamamagitan ng programa napapaaral ng buong school year ang mahihirap na benepisyaryong mag-aaral sa elementary at high school sa halagang 1,500-pesos. “Ang Adopt-a-Child Scholarship Project ng LASAC

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila, kinilala ng Metrobank

 6,986 total views

 6,986 total views Tinanggap ng Caritas Manila ang pagkilalang George S.K. Ty Grant mula sa Metrobank Foundation, Inc. (MBFI) at GT Foundation, Inc. (GTFI). Sa awarding ceremony na mayroong temang “Engaging Partnerships, Empowering Communities,” tinanggap ni Father Anton CT Pascual – Executive Director ng Caritas Manila at ni Gilda Garcia – Caritas Manila Damayan Program Officer

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top