201 total views
Tinutulan ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang planong increase ng value added tax sa mga service fee ng remittances ng Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, ang dagdag na 12-percent sa VAT ng ipinapadalang pera ng mga OFW ay dagdag pasanin at magpapahirap sa mga kababayan nating migrante.
Iginiit pa ni Bishop Santos na sa halip na pahirapan ng pamahalaan ang mga OFW ay dapat i-angat ang kanilang kondisyon upang hindi na sila mangibang bansa at mai-sakripisyo ang kanilang pamilya.
“The 12% value added tax for remittances to our OFW when they send money is senseless burden and added sufferings to them. It is not to help them but to hurt them with their earnings. What our government officials should think is uplift the condition of our OFW and not to inflict harm and another sufferings to them.”pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.
Noong 2015 umaabot sa $26.92 billion ang remittances ng mga OFW sa ¬apat na sulok ng mundo na isa sa mga dahilan kung bakit sumisigla ang ekonomiya ng bansa at luma¬laki ang dollar reserve ng Pilipinas.
Samantala, nauna na ring kinilala ng kanyang kabanalan Francisco ang kabayanihan ng mga OFW at nanawagan ito sa pamahalaan na sila ay pahalagahan at gumawa ng programang makatutulong sa kanila.