Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Linggo, Oktubre 6, 2024

SHARE THE TRUTH

 3,417 total views

Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Genesis 2, 18-24
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6

Tayo nawa ay basbasan
ng Poon magpakailanman.

Hebreo 2, 9-11
Marcos 10, 2-16
o kaya Marcos 10, 2-12

Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Genesis 2, 18-24

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sinabi ng Panginoong Diyos: “Hindi mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong.” Kaya, lumikha siya ng mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid, inilapit sa tao, at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itawag, iyon ang magiging pangalan nila. Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at mga hayop, maging maamo o mailap. Ngunit wala isa man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya.

Kaya’t pinatulog ng Panginoon ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo’y ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki. Sinabi ng lalaki,

“Sa wakas, narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto; babae ang siyang itatawag sa kanya sapagkat sa lalaki nagmula siya.”

Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina upang sumama sa kanyang asawa, sapagkat sila’y nagiging iisa.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6

Tayo nawa ay basbasan
ng Poon magpakailanman.

Mapalad ang bawat tao na sa Diyos ay may takot,
ang maalab na adhika’y sumunod sa kanyang utos.
Hindi siya magkukulang sa anumang kailangan,
ang buhay ay maligaya’t uunlad ang kanyang buhay.

Tayo nawa ay basbasan
ng Poon magpakailanman.

Sa tahanan, ang asawa’y parang ubas na mabunga.
Bagong tanim na olibo sa may dulang ang anak n’ya.

Tayo nawa ay basbasan
ng Poon magpakailanman.

Ang sinuman kung ang Diyos buong pusong susundin,
buhay niya ay uunlad at laging pagpapalain.
Mula sa Sion, pagpapala nawa ng Diyos ay tanggapin,
at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem.

Tayo nawa ay basbasan
ng Poon magpakailanman.

Ang magiging iyong apo, nawa ikaw ay abutin,
nawa’y maging mapayapa itong bayan ng Israel!

Tayo nawa ay basbasan
ng Poon magpakailanman.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 2, 9-11

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, alam nating si Hesus, bagamat sandaling panahong pinababa kaysa mga anghel, ay binigyan ng karangalan at kadakilaan dahil sa kanyang pagkamatay. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, niloob niya na si Hesus ay mamatay para sa ating lahat. Sa pamamagitan ng mga pagtitiis, siya’y pinapaging-ganap ng Diyos na lumikha at nangangalaga sa lahat ng bagay, upang makapagdala ng marami sa kaluwalhatian. Marapat lamang na gawin niya iyon sapagkat si Hesus ang pinagmumulan ng kanilang kaligtasan.

Si Hesus ang nagpapabanal sa kanila, at iisa ang Ama ng nagpapabanal at ng pinapaging-banal. Kaya’t hindi niya ikinahaying tawagin silang mga kapatid.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
1 Juan 4, 12

Aleluya! Aleluya!
Sa pagmamahalan natin
ang D’yos ay ating kapiling,
pag-ibig n’ya’y lulubusin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 10, 2-16

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus. Ibig nilang masilo siya kaya’t kanilang tinanong, “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?” Tugon niya, “Ano ang utos sa inyo ni Moises?” Sumagot naman sila, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa matapos bigyan ng kasulatan sa paghihiwalay.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya niya inilagda ang utos na ito. Subalit sa pasimula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan: ‘Nilalang niya silang lalaki at babae. Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyang asawa, at sila’y magiging isa.’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Hesus tungkol sa bagay na ito. Sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay gumagawa ng masama sa kanyang asawa – siya’y nangangalunya. At ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nangangalunya rin.”

May nagdala ng mga bata kay Hesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay; ngunit pinagwikaan sila ng mga alagad. Nagalit si Hesus nang makita ito, at sinabi sa kanila, “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, huwag ninyo silang sawayin, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ang Diyos. Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian niya.” At kinalong ni Hesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at pinagpala sila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya: Maikling Pagbasa
Marcos 10, 2-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may mga Pariseong lumapit kay Hesus. Ibig nilang masilo siya kaya’t kanilang tinanong, “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?” Tugon niya, “Ano ang utos sa inyo ni Moises?” Sumagot naman sila, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa matapos bigyan ng kasulatan sa paghihiwalay.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya niya inilagda ang utos na ito. Subalit sa pasimula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan: ‘Nilalang niya silang lalaki at babae. Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyang asawa, at sila’y magiging isa.’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Hesus tungkol sa bagay na ito. Sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay gumagawa ng masama sa kanyang asawa – siya’y nangangalunya. At ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nangangalunya rin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Batay sa mga aral ng mga pagbasa ngayon na pahalagahan ang kabanalan ng kasal at ang kahalagahan nito sa balak ng Diyos, manalangin tayo ngayon para sa lahat ng pamilya sa buong daigdig:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Nawa’y ang Simbahang Katolika, sa pamumuno ng Santo Papa at mga Obispo, ay matagumpay na maitaguyod ang kaisahan at katatagan ng mga pamilya. Manalangin tayo!

Nawa’y pahalagahan ng lahat ng Katoliko ang kabanalan ng kasal at ipagtanggol ito laban sa lahat ng pagbatikos at pag-uusig. Manalangin tayo!

Nawa’y ang mga mag-asawang dumaranas ng krisis sa kanilang samahan ay makatagpo ng lakas para mapagtagumpayan ang mga problema sa pamamagitan ng dasal at pagmamalasakit sa kanilang mga anak. Manalangin tayo!

Nawa’y pahalagahan ng lahat ng guro ang bokasyon na kaloob sa kanila ng Diyos at magturo sila nang may pagmamahal. Manalangin tayo!

Nawa’y maisabuhay natin ang ating pinaniniwalaan bilang mga Kristiyano at maihanay ang ating buhay ayon sa mga katotohanan ng ating pananampalataya. Manalangin tayo!

Nawa’y maipagtaguyod nating lahat ang estilo sinodal sa ating pamumuhay, sa pananagutan sa isa’t isa, upang mapalaganap ang kaisahan, diwa ng pakikisalamuha at pakikiisa sa misyon ng Simbahan ng lahat mga mga pari, relihiyoso, at laiko. Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, sa Iyong plano para sa sangkatauhan, ibig Mo na ang bawat pamilya ay maging isang sakramento ng Iyong mabungang pagmamahal. Pagkalooban Mo ang lahat ng pamilya ng kasaganaan ng Iyong biyaya at kasiyahan ng Iyong presensiya. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 17,639 total views

 17,639 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 32,716 total views

 32,716 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 38,687 total views

 38,687 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 42,870 total views

 42,870 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 52,153 total views

 52,153 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Oktubre 18, 2024

 157 total views

 157 total views Kapistahan ni San Lucas, Manunulat ng Mabuting Balita 2 Timoteo 4, 10-17b Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18 Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. Lucas 10, 1-9 Feast of St. Luke, Evangelist (Red) UNANG PAGBASA 2 Timoteo 4, 10-17b Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo Pinakamamahal, iniwan na ako

Read More »

Huwebes, Oktubre 17, 2024

 610 total views

 610 total views Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog n’yang pagliligtas. Lucas 11, 47-54 Memorial of St. Ignatius of Antioch, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Huwebes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG

Read More »

Miyerkules, Oktubre 16, 2024

 1,076 total views

 1,076 total views Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa Margarita Maria Alacoque, dalaga Galacia 5, 18-25 Salmo 1, 1-2. 3. 4. at 6 Ang sumusunod sa Poon ay sa liwanag hahantong. Lucas 11, 42-46 Wednesday of the Twenty-eighth Week in Ordinary

Read More »

Martes, Oktubre 15, 2024

 1,392 total views

 1,392 total views Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Lucas 11, 37-41 Memorial of St. Teresa of Jesus, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-28 Linggo

Read More »

Lunes, Oktubre 14, 2024

 1,723 total views

 1,723 total views Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Calixto I, martir Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7 Ngalan ng D’yos ay idangal ngayon at magpakailanman. Lucas 11, 29-32 Monday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of

Read More »

Linggo, Oktubre 13, 2024

 2,204 total views

 2,204 total views Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Karunungan 7, 7-11 Salmo 89, 12, 13. 14-15. 16-17 Pag-ibig mo’y ipadama; aawit kaming masaya. Hebreo 4, 12-13 Marcos 10, 17-30 o kaya Marcos 10, 17-27 Twenty-eighth Sunday in Ordinary Time (Green) Indigeneous People’s Sunday Extreme Poverty Day UNANG PAGBASA Karunungan 7, 7-11 Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Read More »

Sabado, Oktubre 12, 2024

 2,489 total views

 2,489 total views Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Lucas 11, 27-28 Saturday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Oktubre 11, 2024

 2,469 total views

 2,469 total views Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Juan XXIII Galacia 3, 7-14 Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 11, 15-26 Friday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. John XXII, Pope (White) UNANG PAGBASA Galacia 3, 7-14

Read More »

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 2,647 total views

 2,647 total views Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Lucas 11, 5-13 Thursday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 2,975 total views

 2,975 total views Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Lucas 11, 1-4 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

Martes, Oktubre 8, 2024

 3,245 total views

 3,245 total views Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 38-42 Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 7, 2024

 3,244 total views

 3,244 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 10, 25-37 Memorial of Our Lady of the Rosary (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa

Read More »

Sabado, Oktubre 5, 2024

 3,176 total views

 3,176 total views Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Faustina Kowalska Job 42, 1-3. 5-6. 12-16 Salmo 118, 66. 71. 75. 91. 125. 130 Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako. Lucas 10, 17-24 Saturday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Biyernes, Oktubre 4, 2024

 3,594 total views

 3,594 total views Paggunita kay San Francisco de Asis Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5 Salmo 138, 1-3. 7-8. 9-10. 13-14ab Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 13-16 Memorial of St. Francis of Assisi (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Job 38,

Read More »

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 3,600 total views

 3,600 total views Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Job 19, 21-27 Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita ang Maykapal sa kanyang lupang hinirang. Lucas 10, 1-12 Thursday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Job 19, 21-27 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sinabi ni Job: “Aking mga kaibigan, ako’y

Read More »
Scroll to Top